Chapter 15

980 15 15
                                    

A/N

Pasensya na kung hindi ko mahabaan. Ayaw ko namang habaan for the sake na mahaba lang tapos wala namang sense at paulit-ulit lang yung point.

**********

Chapter 15

"Katniss!" saway ni Vem sa pusa. Binuhat niya ito at iniharap sa mukha niya. "That's bad. Don't do that again, okay?" Kinausap niya ito nang parang baby. Pagkatapos, ibinaba niya ito at mas nalantad tuloy ang katawan niya sa harapan ni Paige.

Si Paige, tulalang nakatingin kay Vem at sa katawan nito.

"Ang kulit mo talagang pusa ka. Tsk.." Bad trip ang itsura ni Vem. Nakalimutan na yata na naka-Eve outfit siya.

Iyong pusa, naglambing pa. Inihimas ang balahibo niya sa binti ng kanyang amo.

"Sus, paawa effect ka naman. Tsk tsk tsk." Pailing-iling pa si Vem at napatingin kay Paige.

Pulang-pula na ang mukha ni Paige. Para na pati siyang tuod sa pagkakatayo niya, hindi gumagalaw.

"Paige, anyari sa'yo?" may pagkainosenteng tanong ni Vem.

"Iyong towel mo," sagot ni Paige na nakapako pa rin ang tingin sa katawan ni Vem. Itinuro lang niya ang towel sa sahig.

Napatingin tuloy si Vem sa katawan niya. Na-realize na rin niya ang expose niyang pagkababae. "Oh sh*t!" sabi niya sabay dampot ng towel at itinupis ito sa kanya.

Napabuntong hininga si Paige. What a relief?

Wala sila sa sarili pareho. Sabay silang naglakad. Si Vem kasi, magbibihis na sana. Si Paige naman, naalala bigla na kukuha nga pala siya ng damit pantulog. Pareho silang sa closet pupunta.

"Sorry!" sabay nilang sabi sa isa't isa.

"Ikaw na mauna," sabi ni Vem.

"No, ikaw na."

"Okey lang. Ikaw na. Next na lang ako." Inilahad pa ni Vem ang palad niya sa daan papuntang closet. Mabuti na lang at nasalo niya kaagad.

Nakatitig ulit si Paige sa dibdib ni Vem. Nakatitig habang inaayos nito ang towel. Napalunok pa siya bago nagsalita, "Sabi na kasi, mauna ka na. Basang-basa ka, o. Matuyuan ka pa. Masama 'yon."

"Okay, thanks." Pumasok na nga si Vem sa closet.

Si Paige, bumalik sa pwesto niya sa kama, kumuha pa ng unan at ipinatong sa lap niya. Pinagpatuloy niya ang panonood ng TV. Pero, lumingon siya sandali sa nakasarang pinto ng closet.

Umiling-iling si Paige. "Umayos ka, Paige." Ibinalik niya ang focus sa palabas.

Iyong Mars' Trap The Movie, nasa part na kung saan nagre-record na si Maureen ng video niya para sa application niya sa one-way-ticket to Mars project. (A/N: Double exposure na ito ng story kong Mars' Trap. Hehe.. See my Works for the whole story of this one. Tenchu!)

Maya-maya pa ay lumabas na si Vem sa closet. And guess what! Kung anong suot niya. Black night dress! Witwiw! Ang puti ng legs niya. Flowless pa.

"Ikaw na next," tawag ni Vem kay Paige.

"Ha? Ah, okay." Nagulat pa si Paige kasi concentrated siya sa pinapanood niya. Saglit nga lang siyang tumingin sa kausap tapos bumalik na kaagad siya ng tingin sa TV. Pero in a split second, mabilis siyang lumingon pabalik ulit dito. Tiningnan niya ito mula legs, clevage and lastly, sa mukha. Nakanginti si Vem sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik.

Tumayo si Paige at papunta na sa closet. Out of nowhere, dumaan si Katniss the cat sa harapan ng paanan niya. Hindi niya ito napansin kaya natalapid siya.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon