Chapter 7

1.5K 26 2
                                    

Chapter 7

Dahan-dahang dumilat si Vem. "Na'san ako?" tanong niya.

Inikot niya nang tingin ang paligid. Ang weird lang para sa kanya, kasi kanina kung puro pink ang nakikita niyang colors. Ngayon puro black. Ang dilim, tanging ang nagpapaliwanag lang sa place ay ang mga kandilang itim na nakatirik sa sahig.

Nakahiga si Vem sa isang block. Tumingin sa kanya sina Paige at Phoebe.

"I'm out. Enjoy," baling ni Phoebe kay Paige.

Kinakabahan ng sobra si Vem sa nangyayari, lalo na at ganoon pa ang sinabi ni Phoebe.

Nag-iba ang anyo ni Paige. Para siyang punks. Naka-all black. Tapos naka-smirk pa kay Vem.

Medyo dizzy pa si Vem kaya umiikot ang tingin niya sa dalawa.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ka ba talaga? Taga-sa'n ka ba?" sunud-sunod na tanong nang takot na takot na si Vem.

"I'm from Davao," sagot ni Paige with a creepy tone of voice.

Tumawa si Paige. Tapos may inilabas siyang latigo.

"Holy, sh*t! Anong klaseng nilalang ka?" tanong ni Vem. Sinubukan niyang bumangon pero nakagapos pala siya.

Inilalakad ni Paige ang latigo mula sa paa ni Vem papunta sa binti nito. Umaangat ang palda ni Vem. Pagkarating ng latigo sa hita ay hinampas niya ito.

"Aray! Masakit 'yon, ha?" Pinipilit ni Vem na makawala sa pagkakatali niya. Todo hila siya sa lubid.

"Sssshhh.." pagpapatahimik ni Paige kay Vem.

"Uwaaaahhhh... Anong nangyari sa'yo? Anong spiritu ang sumapi sa'yo?" ngawa ni Vem.

Patuloy sa paglakad ang latigo sa katawan ni Vem hanggang makarating ito sa tapat ng hinaharap niya.

"Ops! 'Wag d'yan! Masakit d'yan!" makaawa ni Vem.

Pero itinaas na ni Paige ang latigo, akmang hahampasin nga ang hinaharap ni Vem! Ouch!

Walang magagawa si Vem. Sobrang higpit ng nakapulupot sa buo niyang katawan. Pumikit na lang siya ng sobrang higpit. Iindahin na lang niya ang sakit. Kawawang Vem.

"Arggg.." sabi lang ni Paige. Pumunta siya sa CR.

Naririnig mula sa CR ang splash ng jingle ni Paige, ang tagal. Mahaba-habang break ito. Kaya gri-nab na ni Vem na opportunity ito para makalas ang lubid.

Sa wakas, natapos na si Paige. Bumalik na siya sa harap ni Vem, na nagulat naman sa kanya.

Again, hahampasin ni Paige si Vem sa hinaharap nito. Banat na banat ang braso niya kaya siguradong sobrang lakas ng force niya sa paghampas sa kay Vem. Ayan na! Ayan na!

"Aaaahhhh.." palarat ni Vem at biglang tumagilid. Hindi siya natamaan ng latigo.

Nagtagumpay pala si Vem sa pagkalas ng lubid, nag-pretend lang siya sa harap ni Paige na nakatali pa rin siya.

Sa asar ni Paige, humampas siya ulit. Tinamaan si Vem ng kaunti sa braso niya. Nagawa kasi ni Vem na umiwas at actually, bumangon na nga siya.

Pilit na inaabot ni Paige si Vem. "Come back here!" galit na sabi ni Paige.

"Never!" mataray at palaban na sabi ni Vem.

Naghabulan sila sa loob ng room. Pero hindi maabut-abutan ni Paige si Vem. Hanggang sa nakalabas na si Vem sa room. Itinumba niya ang isang stand ng vase sa gilid ng pinto, humara ito sa daan ni Paige. Pero nahakbangan niya ito. Diretso siya sa paghabol kay Vem.

Lahat ng madadaanan ni Vem na pwedeng panghara sa daan ni Paige, inihagis na niya. Upuan. Table. Etcetera.

Todo tabig naman si Paige sa mga nakahara sa daan niya.

Hanggang sa nakarating si Vem sa exit ng house. Hindi na siya nahabol ni Paige sa labas dahil sa outfit nito.

Gabi na. Hindi malaman ni Vem kung saan ang exit ng village. Nakapaa siyang tumatakbo sa gitna ng kalsada. Muntik pa tuloy siya masagasaan ng isang taxi. Nilapitan niya ang taxi, kinatok ng palad niya ang bintana nito. Hay, mabuti na lang at may taxi, may masasakyan siya palabas.

"Kuya, pasakay. Bilis," hingal na hingal na sabi ni Vem sa driver.

Pinasakay naman si Vem ng driver.

"Sa'n tayo, ma'am?" tanong ng driver.

"Wait lang. Basta, ilabas mo lang muna ako dito."

Bakas tuloy sa mukha ng driver ang pagtataka. Gulu-gulo kasi ang buhok ni Vem, tapos gusot na ang school uniform. Mukhang nan a-rape na ewan.

Kinapa ni Vem ang bulsa ng palda niya. Mabuti na lang, kahit naiwan niya kina Phoebe ang gamit niya, ang importante, dala pa rin niya ang cellphone niya. Nag-dial siya kay Hazel. Sumagot naman kaagad si Hazel.

"Hazel, na'san kayo?" mabilis na sabi ni Vem.

"Nasa tambayan natin, sa 7/11. Okey ka lang?" sagot ni Hazel.

"Wait n'yo ko. Punta ako d'yan." Pinutol na ni Vem ang tawag. Bumaling siya sa driver. "Kuya, sa 7/11 Kamuning tayo."

Pagkarating ni Vem sa 7/11..

"Kuya, wait lang. Kuha lang akong pambayad." Bumaba si Vem at diretso pasok sa 7/11.

Nagtataka na talaga ang driver kay Vem.

"Guys," tawag niya kina Hazel. "Peram muna kahit 100."

"Anong nangyari sa'yo? Absent ka kanina." tanong ni Trisha na bakas ang pagtataka sa mukha.

"Mamaya ko na explain. Naghihintay 'yong taxi e."

"Eto o," volunteer ni Trisha na siyang nagbigay ng 100 pesos.

Mabilis na lumabas si Vem sa 7/11 at inabot ang bayad sa driver. "Thank you, kuya," sabi ni Vem.

Pagkapasok ni Vem sa 7/11, umupo siya kaagad sa space na ibinigay sa kanya ni Hazel.

"O, mag-relax ka muna." Inabutan ni Hazel si Vem ng Slurpy niya.

"Thanks." Ang lakas ng paghigop ni Vem sa straw. Uhaw na uhaw talaga.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Hazel.

"Oo nga. 'Di ba kasama mo 'yong Paige mo?" tanong ni Trisha.

"Yun na nga e. Langya 'yong Paige na 'yon."

"O bakit naman?" tanong pa ni Trisha.

"Me' lahi pa lang aswang 'yon."

"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ni Hazel.

"Sexual saddist pala 'yong Paige na 'yon. 'Buti na lang nakatakas ako."

"Muntik ka na ma-rape ni Paige? Owws? 'Di nga?pagdududang" tanong ni Trisha.

"Hello? Mukha pa ba akong gumagawa ng k'wento sa itsura kong 'to?" tanong ni Vem.

"I'm sorry pero oo," sagot ni Trisha.

"Grabe ka, ha? Friend ba kita? Totoo ang sinasabi ko. Nilatigo pa nga niya ako." Pinakita ni Vem ang sugat niya sa braso. "Me'ron pa nga dito sa hita."

Itataas na ni Vem ang palda niya pero pinigilan siya ni Hazel. "Okey na. Naniniwala na kami. 'Wag mo nang ipakita. " Napatingin pa siya sa paligid at may ilang lalake nga sa kabilang table na nakatingin sa kanila.

"Kung totoo ang sinasabi mo, dapat ipa- blatter natin si Paige. Kung ngayon nakatakas ka, pa'no sa susunod?" suggestion ni Trisha.

"Parang gusto mong me' sumunod pa," duda ni Vem sa sinabi ni Trisha.

"I'm just being realistic, FRIEND," defend ni Trisha sa sarili.

"Time out!" awat ni Hazel. "Imbes na mag-talo kayo, punta na lang tayo sa police station para mai-report na itong nangyari. Okey? Baka nando'n pa s'ya kung sa'n mo s'ya iniwan, Vem, para mahuli na s'ya. Tara na. Bilis."


**********

A/N

Patikim pa lang po yan. Bwahahaha.. Abangan ang susunod na kabanata. >:D


The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon