Bonus Chapter

1K 20 2
                                    

Dear Readers,

Gusto ko pong magpasalamat ng marami sa mga nagbabasa ng aking storya kasama na pati ang mga "silent readers". Ang mga naglagay sa kanilang Reading List. Pati na rin sa mga bumoto at nag-comment. Syempre ang mga nag-pm pa sa akin ng wagas kung maka-compliment.

May tinanong akong ilang author tungkol sa Facebook Group ng mga Lesbian, Bifemme or Butch writers/readers ng Wattpad. Ang sabi nila wala raw silang alam. Baka may alam kayo, isali niyo rin ako. Pero, gusto ko pa ring gumawa kung sakaling mayroon na. The more, the marrier. Ang pangalan ng group ay ginawa ko ng simple at obvious, ito ay "Wattpad Exclu".

Bakit ako gumawa ng group? Kasi ayaw na ayaw ko talaga ng tinatawag akong Ms. Author. Pwede pa Mr. Author. Haha.. Hindi. Seriously speaking, hindi ako nagaarte-artehan sa pagpili ng tawag sa akin. Una sa lahat ay gusto ko lang talagang maging ka-close ang aking mga kabaro. Mga dre! I love ya'll.

Ano ang kwenta ng group na ito? May nakakaalam ba sa inyo ng Girlxgirl na story sa Wattpad na na-ipublish na at ibinebenta sa mga bookstores? Kung mayroon ay sabihin niyo at bibili ako. Mukha kasing wala. Isipin niyo na lang na may mga story tayo na libu-libo ang reads. Ang iba nga ay naging ala-chatbox na ang comment box sa haba ng replayan. Pero, ang nakakalungkot ay ang salitang descrimination. So, in short, ang layunin ng group na ito ay suportahan ang mga girlxgirl story.. maparami man ang reads o bago lang na story. Hala! Doon kayo mag-plug ng mga story niyo. Kahit anong genre pwede. Kahit Fan-Fiction, pwede rin. Nakakatamad na kasi ang hanap ng hanap sa Search Engine o ang makiusyoso sa binabasa ng iba. Deretsyahin na natin.

Gusto ko ring sanang magbigay ng mga writing tips na ang ka-group ko lang ang makakakita. Ayan. Indie ang dating natin ngayon. Mga rebolusyonaryong tibo. Haha..

Kapag medyo yumaman ako baka mag-independent ako sa pagprint ng gawa ng mga potential girlxgirl writers. Sali kayo ha? Pero hindi ko ipinapangako iyan. Plano pa lang naman. So, magplano lang din kayo sumali. Haha..

Saka ito pa, malay niyo ay doon niyo pa mahanap ang tunay na pag-ibig. Uyyy...

Ayan.. nawa ay maging close nga tayo. Ang hirap kasi na tipong sa Message Board or Private Message ng Wattpad lang tayo nag-uusap. Ni wala nga akong nakikitang topic sa mga clubs na kagaya na lang ng The Café na about Exclu. Mga gan'on. Iyong iba nagiging mag-gf na tipong may sariling mundo. Share your world naman. Marami tayong kauri, nanganganak tayo e. Lols. Tayo'y magka-isa.

Sino ang pwede sumali? Obviously, Lesbian, Bifemale, Butch o kahit straight na girl ka pa pero mahilig ka sa girlxgirl story. Malay mo maipluwensyahan ka namin. Haha.. So kung sakali man na may lalaking nagbabasa nito – sorry, but you're not welcome.

Ano ang rules? Syempre, bukod sa bawal ang mga lalaki ay dapat nagrerespetuhan tayong mga kapwa magkakabaro. Magmahalan tayo. Maging mag-jowa. Char lang. Haha.. Pero iyon nga.. respeto lang. Respeto. Respeto. Respeto. Huwag awayin ang kapwa. Suportahan ang story ng bawat isa.

Ito nga pala ang link: https://www.facebook.com/groups/444287662338065/

Sali kayo ha?

Iwagayway ang bandera ng Rainbow Flag.

Maraming salamat.

Respectfully yours,

Mary Blood

**********


P.S

Kung nabasa nyo ang liham na ito at sumasali nga sa group, maaari lamang na mag-pm muna sa admin (Maryblood Lib at Angel Ica, sa amin ng gf ko) para at least ma-recognize namin kayo na GxG Readers or Writers nga kayo. Kapag ganoon, mas ipa-prioritize namin ang pagsali niyo sa group. Choosy kasi sa mga sinasali, mahirap na mabiktima ulit ng posers at bullies. Tahimik na kasi ang Queerdom namin. Iyon lang. Bow!

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon