Chapter 5

1.9K 32 22
                                    

Chapter 5

Makakasalubong nina Vem, Hazel at Trisha si Casey sa hallway. Pero bago pa man sila magkalapit, umiwas na si Casey ng daan. Lumiko siya.

"Vem, magbati na kayo," sabi ni Hazel.

"Oo nga, sayang naman kasi ang friendship. Kulang na tayo 'pag wala si Casey," dagdag ni Trisha.

"Aba, bakit ako ang sinasabihan n'yo n'yan? Ako ba ang me' kasalanan?" naasar na tanong ni Vem.

Biglang nagring ang bell.

"D'yan na nga kayo. Pasok na ako," paalam ni Vem sa kanila. Pumasok siya sa room na katapat nila.

Naiwan na lang sina Hazel at Trisha na magkasama. Since, hindi naman sila classmate ni Vem sa pinasukan niyang subject ngayon.

"Ano, tara? Kausapin natin si Casey?" tanong ni Trisha.

"Sige," sagot ni Hazel.

Pinuntahan nilang dalawa ang nilikuan na daan ni Casey kanina.

Si Casey, may kinukuhang books sa locker niya. Locker area kasi ang lugar na iyon. Ang daming nakadikit na pictures ng tropa niya sa pinto ng locker. Mayroon pa ngang picture na sila lang dalawa ni Vem. Tinanggal niya ang picture nila ni Vem, Pinagpupunit ito at hinayaang malaglag sa sahig. Saktong pagsara niya ng locker, nakita niya sina Hazel at Trisha sa tabi niya.

"Casey, 'wag ka na umalis sa tropa," sabi ni Trisha.

Hindi sumagot si Casey. Tumalikod siya sa kanila at naglakad palayo.

"Mag-sorry ka na kay Vem," dagdag ni Hazel.

Napatigil si Casey sa narinig niyang sabi ni Hazel. Humarap siya sa kanila at nagsalita. "Mag-sorry? Wala naman akong kasalanan. Ako na nga ang minura, ako pa ang may kasalanan? What the f*ck?"

"Pero Casey, kung hindi mo nilaglag si Vem kay Paige, hindi s'ya magagalit sa'yo. Alam mo namang straight 'yong tao. Nasabi mo ngang na-ultrashock s'ya. Ibig sabihin, aware ka sa ginawa mo," paliwanag ni Trisha.

"Kung kakampihan n'yo lang si Vem, sa kanya na kayo. Kaya ko na mag-isa. I have to go. Bye." Tumalikod siya ulit kina Hazel at hindi na tumigil pa ulit.

Nagkatinginan nalang sina Hazel at Trisha sa isa't isa.

**********

Magkatabi sina Vem at Hazel sa aircon bus. Samantalang si Trisha, iba ang katabi.

"Vem, makipagbati ka na kay Casey," sabi ni Hazel.

"Unlimited lang? Sinabi na ngang si Casey ang kausapin n'yo, hindi ako. S'ya ang dapat ang unang mag-approach sakin kasi s'ya ang may kasalanan. Kapal naman ng mukha n'ya," sagot ni Vem.

"Hindi na importante kung sinong me' kasalanan dito," sabat ni Trisha mula sa kabilang side nila. "Friends kayo. Dapat marunong kayong magpaka-humble sa isa't isa."

"Intindihin mo na lang si Casey. Alam mo namang kakahiwalay pa lang ng parents n'ya. May pinagdadaanan ang tao kaya gano'n ang ugali n'ya. Pero mabait naman talaga si Casey at alam mo 'yon," sabi ni Hazel.

Napabuntong hininga si Vem. "Sige na nga."

"Yes! Sabi mo 'yan, ha?" sabi ni Hazel na ngiting-ngiti pa. "Makokompleto na naman ulit tayo."

Tumayo na si Trisha kahit umaandar pa ang bus. "Pa'no? Una na kami?" sabi niya.

Si Hazel sumunod na rin sa pagtayo. "Deretso ka muna kay Casey, ha? Bago umuwi. Bye."

"Oo na," sagot ni Vem at napabuntong hindi pa.

Tumigil na ang bus. Bumaba na ang mga friends ni Vem. Napailing na lang si Vem. Hirap talagang maging friendly, isip niya. Kailangan laging maging nice.

**********

"Tao po," tawag ni Vem mula sa labas ng gate ng isang bahay.

Nakailang-ulit siya sa pagtawag bago may lumabas ng bahay, si Casey.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Casey.

"Kanina pa ako tumatawag," reklamo ni Vem at hindi sinagot ang tanong ni Casey.

"Bakit ka nga nandito?" Inulit tuloy ni Casey ang tanong sa kanya.

"Casey, bati na tayo."

Napatawa si Casey pero sarcastic. "Parang gano'n kadali 'yon. Pagkatapos mo akong murahin sa harap ng maraming tao? Napahiya kaya ako."

"Sorry na. Nabigla lang ako. Hindi na mauulit."

Lumingun-lingon si Casey sa paligid. Tinitingnan kung may nakakakita sa kanilang tsismosa. "Halika nga sa loob."

Pumasok nga sila sa bahay ni Casey.

"Na'san kasama mo dito sa bahay?" tanong ni Vem.

"Mama at kuya ko lang naman ang kasama ko dito. Umalis sila."

"So, ikaw lang pala mag-isa."

"Oo. Tara sa k'warto."

Pagkarating nila sa kuwarto ni Casey, nagpaalam si Casey sandali. "Punta lang akong kusina," sabi niya at lumabas.

Naiwan si Vem sa loob. Nakita niya na maraming DVD sa shelf. Naningin siya ng ilan. Napansin niya ang movie ng Blue is the Warmest Color, Yes or No at marami pang ibang lesbian movies.

Pumasok si Casey na may dalang dalawang bottle ng beer. Nakita niya na may hawak na DVD si Vem.

"Gusto mo, movie marathon tayo?" tanong ni Casey. Hindi pa kasi siya aware na lesbian movies pala ang hawak ni Vem.

"Bakit me' lesbian movies ka?"

"Ha? Ah.. eh.." Hindi makasagot si Casey. Ibinaba muna niya sa sahig ang mga beer at kumuha ng ibang DVD. "Pagsunurin nating panoorin ang Fifty Shades of Grey saka I Spit on your Grave. Sinasabi ko sa'yo, masasabi mo na mas sex saddist ang babae ke'sa sa lalaki," pag-iiba niya ng topic.

"Bi ka din ba?" pagbabalik ni Vem sa original topic. "All this time, akala ko, ako lang ang bi sa tropa. Bakit hindi mo sinasabi sa'min? Maiintindihan ka naman namin?"

Hindi sumagot si Casey. Ibinala na niya ang Fifty Shades of Grey sa player.

Hindi na rin pinilit ni Vem na pasagutin si Casey.

Humarap na sila pareho sa TV habang nakaupo sa sahig at umiinom ng beer.

Ang tahimik lang nilang nanonood ng movie habang deretso sa pag-inom ng beer. Nakaupo sila sa sahig at nakasandal sa dulo ng kama. Nagkakaamats na sila. Ilang bote na rin kasi ang naiinom nila.

Nasa part na ng unang bed scene nina Ana at Christian. Normal s*x pa lang ito, wala pang belt na pinapanlatigo, wala pang paggapos na nagaganap.

Sumilip ng tingin si Casey kay Vem. Napansin niya na nakasandal ang ulo nito sa dulo ng kama at nakapikit. Binasa ni Vem ang lips niya, ni-lick ito.

Dahan-dahang lumapit si Casey kay Vem. Tinititigan niya ang basang lips ni Vem. Papalapit siya nang papalapit hanggang sa sobrang lapit na ng mga mukha nila sa isa't isa. Hinalikan ni Casey si Vem sa lips.

Dumilat si Vem. Hindi man lang siya nagulat sa ginawa ni Casey. Dala na rin ng kalasingan. Tumugon siya sa kiss ni Casey. Lip-locking ang laban.

Kaya habang patuloy pa rin ang bed scene nina Ana at Christian sa TV, sila naman, patuloy din sa floor scene.

Nagpalit sila ng pwesto. Si Vem naman ngayon ang pumaibabaw. Sumandal si Casey sa dulo ng kama. Hinalikan ni Vem ang tenga ni Casey pati ang neck nito.

Napapaungol na si Casey sa sarap. Hinawakan ni Vem ang isa niyang hinaharap. Pati siya, humawak din sa kay Vem.

Ang saya-saya ni Casey ngayon, pakiramdam niya ay nasa langit na siya.

**********

A/N

Sorry sa matagal na update. At thank you sa makulit kong reader na humihingi ng update. Dahil jan para sayo ang chap na ito. Enjoy the view!

PS. Sorry din kung walang bed scene. Don't worry meron namang floor scene. O__O wahaha.. 

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon