Chapter 23

525 6 1
                                    

A/N

Wala na talaga ko gana i-update toh. Pero. Nadadagdagan kasi ang naglalagay sa RL nila. Nakakahiya naman sa nage-expect. Wala talaga toh kinalaman sa personality ko kaya ang hirap mag-internalize ng eksena. Pero bilang pasasalamat sa mga nag-add, ito ang update after many months. Medyo suppressed ang eksena na ito dahil ayokong maging porn na tuluyan. Gusto ko nakakatawa lang at maikli lang basahin.

WARNING: SPG CONTENT

Chapter 23

"Hmmm.." ungol ni Vem.

Grabe sa sakit ang ulo nya. Nahihilo pa rin sya dahil sa amoy na nalanghap nya bago sya mawalan ng malay.

At kaya 'hmmm' lang ang nasabi nya ay dahil may takip sa bibig nya. Pati rin ang mga mata nya.

Sinubukan nyang igalaw ang mga kamay at paa nya pero nakagapos pala sya sa isang upuan.

Pinipilit nyang makawala. Pero walang epekto. Napakahigpit ng pagkakatali sa kanya.

Mangiyak-ngiyak na sya. Sobrang takot sya dahil hindi nya alam kung nasan sya, mag-isa pa sya. Hindi nya alam kung anong mangyayari sa kanya.

Paano kung patayin sya ng isang armadong lalake? Nabihag kaya sya ng NPA?! O baka ihahanda syang pagkain ng mga canival?! Dyos ko po! Wag naman sana. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip nya.

Tahimik sa buong lugar. Hindi nya alam kung umaga ba o gabi. May kasama kaya sya? Para kasing meron. Tahimik lang na nakamasid sa kanya. Ano ba yan? Natatakot na talaga sya.

Biglang may nag-alis ng piring nya sa mata. Pero ang dilim ng paligid. Useless lang din.

Sa sobrang tahimik, naririnig nya ang paghinga na sa tingin nya ay nanggagaling sa iisang tao. Lalake siguro ito? Wala namang babae na magtatangkang mangidnap ng ganito.

"Hmmm.. Hmmm.." sabi na naman ni Vem.

Pilit nyang sinusubukang magsalita. Pero sobrang higpit ng pagkakatali ng parang sinturon sa bibig nya.

Ang gusto nya sanang sabihin ay "pakawalan mo akong hayop ka kung sino ka man!" At gusto nya ring magsisigaw para humingi ng tulong. Baka sakaling may ibang tao sa paligid at iligtas sya.

Pero kahit itodo nya ang pag-hmmm nya, parang bulong pa rin. Napipigilan ng sinturon ang lakas ng boses nya.

"Sshhh.." sabi ng tao sa harap nya.

Nangilabot sya sa pagkarinig nun kya tumahimik syang bigla. Hindi nya alam kung may baril ba itong dala. Takot na takot na sya talaga.

Matagal pa ba? Isip nya. Kung papatayin sya, bilisan na sana nang hindi sya sobrang natotorture sa takot ng ganito.

Narinig nya na may parang kumakaluskos. May ginagawa ang tao. Ano kaya yun? Tapos parang tunog pa ng pagbabanggaan ng bakal. Hala! Ano kaya talaga yun?!

Bumukas ang ilaw. Nasa isang kulong na abandonadang kwarto sya. At nakalantad sa harapan nya ang isang hubad na katotohanan. Katotohanan nga ba? Parang imposible. Si Casey! Nagpakita syang muli.

Sya ba talaga si Casey? Para kasing iba ang aura nito.

Casey, anong nangyari sayo? Ito ang gustong itanong ni Vem. Pero nanlaki na lang ang mga mata nya.

Ang talim ng mga mata ni Casey. Tumutulo pa ang buhok nyang basang basa. At lalong nanlaki ang mga mata ni Vem. Si Casey, walang saplot! Literal na hubad na katotohanan.

Ang laki ng malulusog nitong hinaharap. Ang ganda ng hugis ng katawan nito, parang bote ng Coke. Makinis. Maputi. Ang nasa gitna ng mga hita nito, parang sa bata, walang pubies.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon