Matthew's POV
Nang matumba si Leighana sa sahig ay napatingin ang mga studyanteng naglalakad pabalik na sa kanilang mga upuan.
"Halla?! Anong nangyari?"
"Dali tumawag kayo ng instructor!"
"Baka naiinitan?"
"Shunga ang lamig na nga!"
"Baka may lagnat kaya nawalan lang ng malay?"
"Dalian niyo baka ano pang mangyari!!"
Yan ang mga naririnig kong bulungan nila habang ako ay napa-upo na sa sahig, nakatingin sa nakahigang walang malay na si Leighana at nagsisimula nanamang lumabas ang mga luha sa aking mata.
Nagsisimula ko nanamang sisihin ang aking sarili dahil sa nangyaring ito galit ako sa sarili ko kung hindi dahil sa sumpang ito walang ganitong nangyayari sa buhay ko, ang mamatay ang mga inosenteng buhay na nasa aking paligid.
Tila hindi ko na marinig ang mga taong nagbubulungan na nasa paligid ko, nagsisimula naring lumalabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha sa aking mga mata.
Tumayo na ako tsaka tumalikod at balakin na umalis dahil hindi ko na kaya pang tiisin ang nangyayari ngayong oras na ito, at heto nanaman ako sa palagi kong sinasabi sa aking sarili na 'Huli na ang lahat.'
Parang may bumabara sa aking lalamunan ang sakit sa aking puso na mag-iisang buwan pa lamang ako dito sa Baguio ay tatlo na ang namatay dahil sa akin. Kasabay ng aking mabagal na paghakbang ay naiisip ko kung masaya ba sila ngayong oras na ito kung gindi nila ako nakilala?
Ang dami nanamang tanong sa aking isip na hindi ko masagot, naisip ko nalang na umuwi, matulog nalang at pagkagising ko ay magkunwaring walang nangyari at walang alam sa mga namgyari ngayong gabi kagaya ng palagi kong ginagawa.
"Hoy gising na siya!" ng marinig ko ang sigaw ng isang studyante ay agad akong napalingon.
Naka-upo na si Leighana at hawak ang kanyang ulo, agad naman akong tumakbo palapit sa kanyang direksyon at tinabig na ang mga nakaharang na mga studyante.
Inalalayan ko siya agad pa-upo at tinanong niya ako. "Anong nangyari?" sabay pikit ng kanyang mga mata at makikita sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang ulo tsaka tumingin sa kanyang paligid.
"Sh*t." bulong pa niya na tila naalala na ang mga nangyari. "Tara na lumabas muna tayo." nahihiya pa nitong sinabi sa akin.
"Bakit anong nangyari?" tanong ng mga dumating na instructor tatlo sila na galing mula sa aming department.
"Ma'am nahimatay po siya pero mukhang okay naman na ata." wika ng isang babae sa katabi nila.
"Ayus ka na ba Ms. Natividad? nag-aalalang tanong ni Ma'am Bolloso.
Itinayo ko na si Leighana tsaka ito sumagot. "Okay na ma'am lalabas nalang po muna siguro ako."
"Sige, paki-alalayan mo nalang muna siya Mr. Garcia." wika pa ni ma'am.
"Yes ma'am." maikling sagot ko tsaka na kami naglakad palabas ni Leighana.
"Balik na kayo sa mga upuan niyo."
saad pa ng isang instructor sa mga studyanteng nakatayo parin habang tinitignan kami paalis.
YOU ARE READING
Contradictory of Love (On Going)
Science FictionThe tragic life of a boy who is forbidden to have love feeling lonely all his life he is Matthew Garcia, until the day comes and he met the girl who falls in love first and lived like a normal but already died inside. Their is an existing group call...