Charlotte's POV
Pait ng buhay at saya ang nararamdaman ko ngayon ngunit sa kabila ng lahat ng mga nangyayari mas nangingibabaw ang pait dahil nawala ang mga mahal at pinagkakatiwalaan ko sa buhay.
*FLASHBACK*
Nang magdalaga na ako ay lagi na akong binabantayan ni papa matatandaan ko 12 years old na ako noon at nasa 1st year high school na.'Huwag ka munang mag bo-boyfriend anak ha?' iyan ang palagi niyang sinasabi sa akin tingin ko ng mga panahon na yan maayos at maganda sa pakiramdam dahil bilang isang nagdadalaga ay inaalagaan at binabantayan ako ng husto ni papa.
Nakinig ako sa kanya at kay mama palaging with high honors at laging nangunguna sa klase kaya naman proud na proud talaga sila sa akin lagi nga nila akong ibini-bida sa kanilang mga kumare at kumpare nila napanatiki ko ang pagiging with high honors ko hanggang sa tumuntong ako ng 3rd year ako ay 14 years old na nakilala ko si Emmanuel o Eman kong aking tawagin matalino siya at mabait ganyan ko siya ilarawan siya din ang pumapangalawa sa akin sa aming klase naging magkaibigan kami at di kalaunan ay nagkagustuhan kami sa isa't-isa hindi ito alam ng aking mga magulang sa kadahilanang alam kong sila ay magagalit sa akin kaya naman inilihim ko ito sa kanila.
Sa araw ng biyernes niyaya ako ni Eman upang pumunta sa plasa at manood ng school dance contest na gaganapin dahil pyesta ngayon dito sa aming bayan sa buwan ng Pebrero pumayag ako dahil wala naman kaming gagawin masiyado sa paaralan ng mga araw na iyan at alas tres na ng kami ay makarating sa plasa.
"Buti nalang malapit ang ating paaralan sa plasa ano?" wika sa akin ni Eman habang naglalakad.
"Oo nga eh kahit papano nakakapag relax tayo kahit saglit, oo nga pala anong oras ba magsisimula ang dance contest?" tanong ko.
"Ngayon na yun ang sabi sa akin ng kaibigan kong kasali sa contest, hindi ko pa nga siya nakikita upang batiin ng goodluck." sabay sulyap nito sa aming paligid at hinahanap ang kanyang kaibigan.
"Magsisimula na po ang ating dance contest maari po bang magpagilid po tayo upang bigyan ng space ang ating mga studyanteng sasayaw?" sambit ng host ng ginaganap na event.
Nandito kami sa kalagitnaan ng maraming tao sakto lang upang makanood ng maayos sa mga sasayaw na kapwa studyante, makalipas ang dalawang eskwelahan na magtanghal ng kanilang sayaw ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman inaya ko si Eman upang kumain muna.
"Eman nagugutom ako kain muna tayo please?" pag-iinarte ko sa kanya dahil alam kong hindi pa siya papayag hanggat hindi niya napapanood ang kaibigan na sumasayaw.
"Pero hindi pa sumayaw si Marco baka ma miss natin." sagot nito sa akin pabalik.
"Pero.."
"Sige na nga dibale may dalawa pa namang grupo bago sila." isang ngiti ang ibinigay niya bago kami naglakad palabas sa mga nagsi-siksikang tao. "Saan mo ba gustong kumain?" tanong nito habang naglalakad.
"Doon nalang tayo sa mura kahit mag street foods nalang tayo." hinawakan niya ako sa aking braso at dinala sa isang kainan na walang masiyadong tao malapit lang dito sa plasa.
"Hindi naman dito streetfoods eh." wika ko ng tumigil kami sa harapan nito Coftea ang pangalan ng establishment. "Tsaka wala akong malaking pera tignan mo mukhang mamahalin mga tinda nila oh." sabay turo ko sa poster ng pagkain at inumin na nasa window glass.
![](https://img.wattpad.com/cover/228840721-288-k135088.jpg)
YOU ARE READING
Contradictory of Love (On Going)
Science FictionThe tragic life of a boy who is forbidden to have love feeling lonely all his life he is Matthew Garcia, until the day comes and he met the girl who falls in love first and lived like a normal but already died inside. Their is an existing group call...