Mathhew's POV
Jayvee Pagaduan
Jayvee Pagaduan: Hello.
Jayvee Pagaduan: Meet me at the Sweetbucks cafe on Monday 6pm.
I ignored this guys message who know's maybe his just tripping, hindi ko siya kilala and I never saw him even once at school maybe I saw him but I don't care.
Inilapag na ni ate Mel yung pagkain sa harapan ko pagkatapos niyang maihanda ay sinabi kong pwede na siyang bumalik sa kanilang kwarto at sinabi ko din na ako na ang magliligpit ng pinagkainan ko, agad din naman akong kumain kahit madaling araw na dahil maglalaro muna ako ng online games sa kwarto, habang kumakain ay pinag-iisipan ko kung ano ang mga bagay na gagawin ko kina-umagahan kung lalabas ba ako o hindi.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko bago ako umakyat ng kwarto, tulog na ang mga aso ko ng makapasok ako binuksan ko naman na ang computer at naglaro na ako.
Alas onse na ng ako'y magising madilim parin dito sa kwarto ko dahil sa makapal na kurtina bumangon na ako para buksan ito upang makapasok na ang sinag ng araw at pagkatapos ay pinalabas ko na ang mga aso sa kwarto.
"Ate Mika! Pasuyo pakainin niyo na po itong mga aso salamat!" sigaw ko mula sa taas dahil nakita kong nasa sala siya naglilinis.
"Sige! Hindi ka pa ba kakain ng almusal mo?" rinig ko bago ako pumasok muli sa kwarto para maligo.
"Hindi na ate sa labas na ako kakain, dadalhin ko din pala si Icy at Grizzly sa labas kaya pakainin mo na sila salamat ulit ate!" narinig ko pa ang panghihinayang niya tungkol sa nakahanda ng pagkain sa lamesa ngunit hindi na ako sumagot pa.
12:30pm na ng inihanda ko na ang sasakyan para umalis dito sa bahay nakalagay na din ang leash ng dalawang aso ko na dadalhin papunta sa plaza at nakasakay na sila sa loob.
"May lakad ah, saan punta mo Matt?" wika ni Darren na nasa labas ng gate at sumisilip dito sa loob.
"Plaza mamamasyal." sagot ko habang may tinitignan sa makena ng sasakyan.
"Wow ah? Ikaw lang? Dimo pa ako inaya? Baka pwedeng sumama?" sunod sunod niyang tanong, hindi ko naman siya pinapansin dahil tinitignan ko pa itong sasakyan.
"Hoy sama ako pwede?" pag uulit niya.
"Hindi maiwan ka na, sa susunod ka nalang sumama sakin magpapalibre ka lang tapos sasabihin mo utang ko kasi may kasalanan ako sayo kagabi, kaya maiwan ka na or kung gusto mo lumabas ka din mag isa mo matanda ka na Ren kaya mo na yan." pag dederitso ko sa kanya, hindi ako galit gusto ko lang mamasyal mag-isa.
"Sungit sungit mo naman pasalubong nalang pwede?" pangungulit pa niya sa akin habang binubuksan na ang gate.
"Sige iuuwi ko yung tirang pagkakainan ko."
"Ay grabe naman tira talaga? Eh may kasalanan ka pa sakin halos iwan mo na ako kagabi tsaka ang kj kj mo pa." panunumbat niya sa nangyari kagabi.
"Oh diba di pa ako nakaka-alis sinusumbat mo na yung nangyari kagabi, sinabi ko naman kasi sayo maiwan ka na ayaw mo kaya ikaw ang may kasalanan." sagot ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/228840721-288-k135088.jpg)
YOU ARE READING
Contradictory of Love (On Going)
Science FictionThe tragic life of a boy who is forbidden to have love feeling lonely all his life he is Matthew Garcia, until the day comes and he met the girl who falls in love first and lived like a normal but already died inside. Their is an existing group call...