Chapter 3

24 11 0
                                    

Matthew's POV

Pagkatapos ng nangyari kahapon pinauwi na kami kaagad ni sir Esquillo binuhat naman si Lyca papunta sa school clinic na nasa-baba lang ng building habang ang kwarto namin ng oras na yun ay sa 2nd floor lang.

Pero gaya nga ng sinasabi ko sa sarili ko huli na ang lahat nasanay na ako sa mga nangyayaring ganito na nadadamay ang inosenteng buhay ng ibang tao kahit hayop dahil sa akin.

Kahit nasanay na ako naaawa parin naman ako sa mga naging kapalaran nila dahil lang nagtagpo ang aming mga landas.

Nang dinala kahapon si Lyca sa school clinic wala pa akong balita kung ano na ang ginawa nila basta isa lang ang sigurado ko nakatulog na siya habang buhay.

6:30 palang ngayon ng umaga nakabihis na ako at tapos na din kaming kumain ni Darren.

Nakaupo lang ako sa may sofa habang ang kasama ko naman ay busy sa ka-kakalikot sa kanyang laptop.

"Mauna na ako Ren."paalam ko sa kanya,wala akong balak mag drive mas gusto ko lang maglakad papuntang school.

Nandito naman sa loob ng compound ang sasakyan namin malawak sa may harap ng bahay kaya kasya ang dalawang kotse.

"Teka sasabay na ako sayo."wika niya at agad na inilagay ang laptop sa bag niya.

"Maglalakad lang ako."tugon ko sa kanya.

"Oh di maglalakad din ako."tapos ngumiti siya ng nangangasar.

"Sige na bilisan mo may bibilhin pa ako!"kunwaring naiiritang tugon ko sa kanya.

"Luh bakit may lakad ka?"tanong niya at nakakunot ang noong napatingin siya sa akin.

"Bibili ako ng hot choco sa may coffee shop nakita ko kasi kahapon nung pauwi mukhang masarap eh."sagot ko sa kanya at nag bag na ako.

"Ah yung Sweetbucks cafe ba yun?nakita ko din kahapon libre mo ko ha?."wika niya sinamaan ko siya ng tingin at huminto siya sa harap ng pintuan.

"Oo na sige na."tipid kong sagot,ilang saglit lang ay nakarating na kami doon.

Malapit lang yung coffee shop na yun dito sa apartment namin kasi malapit kami dito sa may bayan perfect place for my sweettooth habit I ate chocolate alway's  mas marami akong nakakain lalo na kapag nai-stress ako.

Umupo na ako at si Darren na ang pumunta para umorder doon ako sa may pinakagilid pumwesto.

"Hintayin nalang natin saglit lang naman daw,ganda nung babae dun Matt maputi at matangkad dapat ikaw nalang nag-order."wika niya pagdating niya sa upuan namin.

"Ren sayo nalang kung gusto mo ligawan mo kunin mo yung number."tugon ko at tumingin ako sa labas sa mga dumadaan na sasakyan.

"Kaya walang kang jowa eh tignan mo oh ang pogi pogi mo tapos wala kang jowa bakla ka ba Matt?"at akma niyang hahawakan ang mukha ko,tinabig ko naman ang kamay niya.

"Tss tumigil ka nga."saad ko sa kanya,kung alam lang niya kung anong meron sa akin.

"Yan yung sinasabi ko oh."sabay nguso niya sa babaeng may buhat ng tray papalapit sa amin sinulyapan ko lang ito saglit at tumingin ulit sa labas."Diba maganda naman?"

Pagkalapit nito sa amin"Sir ito na po yung order niyo."wika ng babae,parang pamilyar ang boses neto kaya napatingin ako.

"Stef?"nakakunot ang noong tanong ko sa kanya,nakasuot siya ng white polo shirt at pantalon na may pagka-fitted konti.

Contradictory of Love (On Going)Where stories live. Discover now