Matthew's POV
Kasalukuyan akong nandito ngayon sa klase namin pinipilit kong makinig ngunit tila wala ako ngayon sa katinuan para makinig sa mga lectures ng instructor, kinakausap din ako nila Lezel kanina bago mag-start ang klase tanging oo at hindi lang ang mga sinasagot ko napansin siguro nilang wala ako sa mood kaya tinigilan na nila ako.
We will be having a tour next week sa Las Casas sa may Bataan lahat ng first year sa department namin ang pupunta yan ang ikinukulit sa akin nila Lezel at Rozzaine na kesyo daw ano ang mga dadalhin kong pagkain at mga gamit dahil nga itinigil na nila ang pangungulit sa akin silang lima nalang ang nag-usap usap naririnig ko ang pinag-uusapan nila dahil nasa gilid ko lang sila or lets just say lahat ng kaklase ko dahil pinag-uusapan nila kung sino ang mga gusto nilang kasama sa room nila pag-dating namin sa Bataan may mga nagbabakak na lalaki at babae ang magkasama sa iisang room pero in the end sabi ng instructor namin dapat walang magkahalong gender.
Dumating na ang lunchbreak magkakasabay kaming anim na naglalakad papuntang canteen hindi ko nararamdaman ang gutom kaya naisipan kong mag-paalam nalang sa kanila.
"Guys I'll just go to the library." sabay sabay naman silang tumingin sa akin na tila nagtataka.
"Hindi ka kakain bro?" tanong ni Edwouard.
"Mamaya nalang hindi pa naman ako nagugutom." sagot ko kahit hindi pa ako kumakain kaninang umaga isang cup lang ng coffee ang ininom ko bago ako pumasok dito sa school.
"Sige ikaw bahala." wika pa nito, nauna na akong tumalikod sa kanila at narinig ko pa ang mga sinasabi nila.
"May problema kaya siya?"
"Oo nga kanina pa hindi nagsasalita eh."
Gaya nga ng sinabi ko sa kanila nagpunta na ako dito sa library walang ibang studyante ako lang dahil lunchbreak naman nagpunta ako sa may pinaka-dulo kumuha din ako ng isang libro na kunwari ay babasahin ko ngunit itatabi ko lang sa lamesa ko, kinuha ko na sa bag ang earphones upang makinig sa music ngunit bago ko pa man ito mai-on ay may narinig akong bumukas ng pinto dahilan upang tignan ito.
Si Leighana hindi parin kami nagpapansinan simula kaninang umaga hindi rin siya nag chat ng kung ano-ano matapos ang nangyari last week sa acquaintance party.
Hindi ko nalang siya pinansin ngunit nakita ko sa aking peripheral vision na tumingin siya sa aking gawi.
Makalipas ang ilang minuto ay humina ang pinapakinggan kong music dahil mayroon akong notifications na natanggap tinignan ko iyon at isang message galing sa Jayvee Pagaduan na hindi ko naman kilala.
Jayvee Pagaduan's message
Alam ko iniisip mong prank or wrong message lang yung sinabi ko kaya I decided to message you again it's not a prank, again meet me at the sweetbucks at 6pm later. See ya!Nag decide akong replyan nalang ito dahil napapa-isip ako kung ano bang kailangan niya sakin.
Jayvee Pagaduan
Ano bang kailangan mo sakin?
Jayvee Pagaduan: Baka ikaw :)
What do you mean ako?
Wala na akong natanggap na reply that's why I decided na tumayo na at magpunta sa Sweetbucks kahit 12:30pm palang napag-desisyunan ko din na hindi na pumasok mamayang afternoon class two subjects lang naman babawi nalang ako sa susunod.
YOU ARE READING
Contradictory of Love (On Going)
Science FictionThe tragic life of a boy who is forbidden to have love feeling lonely all his life he is Matthew Garcia, until the day comes and he met the girl who falls in love first and lived like a normal but already died inside. Their is an existing group call...