Matthew's POV
Pagkatapos kong titigan ang mga mapupulang rosas na nakapalibot sa gilid ng pintuan ay pumasok na ako nasa likod lang ako ng aking mga kasama na may masasayang ngiti sa kanilang labi.
"Bongga!!" wika ni Lezel habang naglalakad kami kasabay ang maraming studyante.
"Ang ganda nga!" masaya ding wika ni Rozzaine. "Sayang lang wala si Stef."dagdag pa niya na may panghihinayang na boses na.
"Ay oo nga pala asan si Stefanie?"paghahanap ni Edwouard tsaka siya tumigil saglit upang sumabay sa akin.
"Ayaw niya daw mag-suot ng dress or gown kaya hindi na siya pupunta."sagot ko sa kanya.
"Ganoon ba? Basta mag-enjoy nalang tayo ngayong gabi."tugon pa niya at sinabayan ng malapad na ngiti.
Ngumiti lang din ako ng peke sa kanya,naglakad pa kami ng kaonti hanngang marating namin ang upuan ng aming department.
Nandoon na din ang iba pa naming mga kaklase na nagtatawanan sa kanilang mga itsura."Ninang na ninang ang itsura ni Euline HAHAHAHA" sabay tawa ni Mj ng malakas.
Ito ang isang dahilan kung bakit ayaw kong dumalo sa mga parties ang ingay, para silang mga bata na binilhan ng isang malaking candy ng kanilang mga magulang.
Umupo narin kami nila Lezel at nakipagtawanan na din sila sa aming mga kaklase,habang ako ay nililibot ang paningin sa paligid.
Bigla kong naramdaman ang vibrate ng aking cellphone sa aking bulsa ng tignan ko ito ay message ni Taba.
Leighana
Leighana:Nanjaan ka na ba sa school?
Me:Oo.
Leighana:Marami na bang studyante?
Me:Oo.
Leighana:Sige papunta na ako.
Me:Okay
Pagkatapos kong magreply ay binulsa ko na ang aking cellphone,parami ng parami ang studyante dito sa loob ng social hall nasa gilid ang mga upuan at sa gitna ay isang maluwang na espasyo na pwedeng pagsayawan.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang party kung saan sinimulan ito ng pagsasalita ng dalawang emcee sa stage.
"Ladies and gentleman!! Saint Luke University students!!! THIS NIGHT WE WILL ENJOY AND HAVE THE BEST NIGHT OF THIS SCHOOL YEAR!!" malakas na sigaw nung isang studyante na nasa stage isang bakla at isang babae na baka nasa higher class na 2nd or 3rd year.
"WOOOAAAAAHHHHH!!!" malakas din na sigaw ng mga studyante pati nitong mga katabi ko,nakakabingi.
"Tama ka jan partner." wika nung babae. "This past month medyo nakaka stress diba? Well thats part of college life,PERO NGAYONG GABI!! kalimutan muna natin ang stress na yan at mag enjoy tayo!!
"Kaya naman..."wika ng bakla sabay tinginan nilang dalawa.
"LETS START OUR ACQUAINTANCE PARTY!!!" bigkas nilang dalawa at sinundan ito ng malakas na patugtog.
![](https://img.wattpad.com/cover/228840721-288-k135088.jpg)
YOU ARE READING
Contradictory of Love (On Going)
Fiksi IlmiahThe tragic life of a boy who is forbidden to have love feeling lonely all his life he is Matthew Garcia, until the day comes and he met the girl who falls in love first and lived like a normal but already died inside. Their is an existing group call...