Chapter 14: Fate

2 0 0
                                    

Matthew's POV

Nandito na ako sa boarding house magkasama kaming kumakain ni Ren sa pinirito kong hotdog 7:30pm na ako naka-uwi dahil sa pag-uusap namin nila Jayvee at Raymond.

8:15 na ngayon dahil ako pa ang naghanda ng makakain namin naabutan ko si Ren dito sa apartment na kumakain ng chips at siya pa ang may ganang pagalitan ako dahil late daw akong umuwi, sinabi ko lang naman sa kanya na parehas kaming studyante at hindi niya ako katulong.

"Pero bakit mo ako iniwan kahapon? siguro may inuwi kang babae dito ano?" pangungulit niya sa aking harapan.

"Wala ka na dun kung may i-uwi akong babae."

"So totoo nga may inuwi kang babae dito? Sana sinama mo ako para naman nakilala ko." interesado nitong sinabi.

Kung hindi lang ako nangako kay Dad kahapon na babawasan ko na ang pagiging masungit sa taong ito sinupalpal ko na siya ng salita.

"Commonsense naman Ren kailan mo ba ako nakitamg may kasamang babae?" tanong ko sa kanya.

"Uhm kanina?" nakatingin pa siya sa taas at nakalagay ang hintuturo sa gilid ng labi na kunwari mo'y nag-iisip talaga at tsaka itinaas ang hintuturo na tila nakuha na ang sagot kulang nalang ay may mag pop-up na bombilya sa tabi ng ulo. "Sa tingin ko apat sila!"

"Syempre mga kaklase ko yun. What I mean is may nakita ka na bang kasama kong babae na nag date diba wala?" pagtatama ko sa kanya dahil maging ako sa sarili ko ay wala pa akong naging personal date.

"Sa bagay ang sungit sungit mo kasi." at tsaka ulit ibinaling ang tuon niya sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami sa sarili naming mga kwarto nakapatay na ang mga ilaw maliban sa aming kwarto habang nakahiga ay unti unti ng tinatanggap ng aking sistema ang mga impormasyon na nalaman ko galing kanila Jayvee at Raymond nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay naliwanagan ako ngunit sa kabila niyan ay umaasa parin akong mawawala ang sumpang meron ako.

Pagka-open ko sa aking cellphone ay nakita ko ang hindi ko pa nabasang message ni Charlotte.

Maria Charlotte Laurel

Maria Charlotte Laurel: I need you right now hindi ko na alam ang gagawin ko, I called my bestfriend to come by at our place ngunit bigla siyang nawalan ng malay kagaya ng nangyari sa mga tao sa church noong sunday.

Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib habang binabasa ang kanyang message napabangon ako sa aking higaan at dali daling nagbihis.

"Saan ka pupunta 10pm na ah?" tanong ni Ren pagkabukas niya sa aking pintuan.

"Uuwi akong Binalonan." sagot ko ng hindi siya pinapansin wallet at susi lamang ang aking dalang uuwi.

"Teka-teka ano!? uuwi ka? Diba may klase ka bukas tsaka alam ba ni tito Rafael na uuwi ka ngayon?" bakas sa kanyang mukha ang pagtataka ng tignan ko siya.

"Hindi."

"Hindi pala eh anong gagawin mo dun? Tsaka iiwan mo nanaman ako?!" humarang siya sa aking dadaanan ng palabas na ako.

"Babalik din ako bukas tsaka importante to please lang Ren padaanin mo ako."

Nagpagilid naman na siya at nakadaan na ako palabas sinundan naman niya ako sa labas habang pinapaandar na ang kotse ko.

"Mag-ingat ka ha? Akong kinakabahan sayo eh." ng tignan ko siya ay talaga ngang kinakabahan na ang kanyang itsura.

"Salamat babalik ako ng maayos." wika ko upang kumalma siya kahit konti, alam ko ngayon niya lang ako nakita ng ganto pero 'pasensya na Ren hindi ko pwedeng sabihin sayo ang totoo.' nagkawayan muna kami bago ako umalis.

Contradictory of Love (On Going)Where stories live. Discover now