Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 9: "Promises"
——
Renz's POV
Pagkatapos kong malaman ang buong katotohanan ay parang nilagyan ako ng tinik sa aking dibdib. Hindi ko matanggap na magiging ama na ang matalik kong kaibigan.
Nagdesisyon akong hindi na umalis at isantabi muna ang nararamdaman ko dahil alam kong bawal, mali at hindi na pwede.
Bago ako pumasok sa pintuan ng aming bahay ay narinig ko ang isang boses sa aking likuran.
"Renz." Paglingon ko ay nakita ko siya.
Kinabahan ako na hindi ko malaman. Bakit ganito na ang nararamdaman ko?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"May sasabihin lang ako." Bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi.
Lumapit siya sa akin at binatukan ako. "Hoy, aalis ka pala. Di ka man lang magpapaalam sa akin."
Napayuko ako sa kanyang sinabi. Ang akala ko ay alam na niya ang totoo.
"K-kasi biglaan..." palusot ko. Tumalikod ako ngunit iniharap niya ang katawan ko sa kanya.
"Bespren naman. Bakit ka ba nagkakaganyan?" Kumunot ang noo niya.
Iba ang pakikitungo ko sa kanya kaya siguro siya nagtataka.
"Wala naman." Binatukan ko siya para di na mag-drama.
"Iiwan mo na nga ako eh." Lumungkot bigla ang kanyang mukha.
Hindi na ako aalis. Hindi ko pala kaya!
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngayon ko lang nahawakan nang ganun katagal yon. "Kahit anuman ang mangyari, bespren, hinding-hindi tayo maghihiwalay." Pangako ko sa kanya na panghahawakan ko.
"Talaga? Promise?" Malapad na ngiti niyang sabi.
"Oo naman, bespren." Sagot ko.
Totoo na talaga tong nararamdaman ko. Gusto ko na siya. Gusto ko na si Cris!
"Pasok tayo sa bahay?" Binuksan ko ang pintuan at nagpa-anyaya sa kanyang pumasok sa loob.
"Hindi na, salamat nalang. May pupuntahan din ako. Oh siya, mauna na ko." Ngiti lang ang itinugon ko.
Paglabas niya sa gate ay tinawag kong muli ang kanyang pangalan.
"Cris!" Bumalik siyang nagtataka. Pinalapit ko siya at sumenyas na may ibubulong.
"Wala lang. Sobrang namiss kita." Ang sumunod na nangyari ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Niyakap niya ako at parang tumigil ang oras ng mga sandaling 'yon.
Alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Bahala na, alam ko naman na si Cyrus ang gusto niya.
Wala akong laban.
Bumitiw na siya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko. Hindi ko siya matignan ng diretso kaya minsan hindi ako nakikipagtitigan.
"Bes." Sabi niya.
"Ano yun bestfriend?" Parang may kakaiba kay Cris. Kahapon nga lang ay hindi siya makapaniwala na isa na siyang ama. Nakakapagtaka.
"Magiging ama na ako at paninindigan ko iyon."
Cris' POV
Umalis na ako sa bahay nila Renz nang may ngiti sa aking mga labi. Napanatag na ang loob ko. Hindi ko man direktang masabi sa kanya o maitanong kung totoo ang nalaman ko tungkol sa kanya pero mabuti na rin yon. Ayoko siyang saktan!
Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nila Bea. Kailangan kong gawin ang plano.
Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nararamdaman ko ang presensiya niya. Ngunit sa tuwing lumilingon ako sa paligid ay wala naman akong nakikitang tao. Binilisan ko na ang paglalakad hanggang sa...
"Sumuko ka na!" Tinakpan niya ang bibig ko pero sa halip na matakot ay napangiti ako dahil kilala ko ang kanyang boses.
Humarap ako sa kanya at hindi ako nagkamali.
"Cyrus."
____ ____
Hindi na ako nakapunta sa bahay nila Bea dahil inanyayahan ako ni Cyrus na kumain sa kanila ng dinner. Hindi ko siya natanggihan. Dito palang ay alam na ng puso ko kung sino ang minamahal ko.
Magkaharap kami ngayon sa inihanda niyang candle light dinner. Parang sa pelikula ko lang ito nakikita pero heto at nangyayari na sa akin. Nahihiya akong kinakabahan sa kanya.
"Salamat pala sa pag-imbita dito sa akin." Hindi ko alam na romantiko pala si Cyrus.
May mga bulaklak na nakapaligid sa amin. Ang tanging ilaw lang sa kusina ang mga kandila na nakatirik sa lamesa at ang masasarap na pagkain na kanyang hinanda. Parang planado na ang lahat. Kinakabahan ako.
"Cris, may sasabihin ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko. Nag-init naman ang mukha ko dahil parang nalalaman ko na ang kahihinatnan nito pero ayokong umasa!
"Ano yun?" Tumitig ako sa kanya at nakikita kong parang may gusto talaga siyang sabihin.
Tumayo siya at may kinuha sa box na nasa aming likuran. Bumalik siya at nagulat ako sa kanyang ibinibigay sa akin.
"Para sa'yo." Puting rosas iyon.
Pinigil ko ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng lahat ng ito.
Ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harapan ko.
"Unang pagkikita palang natin magaan na ang loob ko sayo. Hindi ko namamalayan nahuhulog na ako. Cris, binigyan mo ng kulay ang buhay ko. I need you! Mahal na kita. Can I be your boyfriend?"
Sa sobrang gulat ko sa kanyang mga sinabi ay hindi ko namalayang pumatak na ang mga luha sa aking mga mata.
Tumayo si Cyrus at nagulat sa naging reaksyon ko. "Bakit? May masama ba akong nasabi? Sorry, sorry." Nagpapanic na siya habang pinupusan ang mga luha sa mukha ko. Bigla ko siyang niyakap, niyakap ko na nang sobrang higpit.
"Oo. Cyrus."
Tumitig siya sa akin at nagulat sa sinabi ko.
"Tama ba yung narinig ko? Please say it again!"
"Oo ang sagot ko Cyrus at mahal din kita." Niyakap niya ako sa sobrang tuwa.
"Salamat salamat. Sobrang saya ko ngayon. Itanim mo sa isip mo na mahal kita. Pinapangako kong hindi ako mawawala sa tabi mo."
Sa pangatlong pagkakataon ay muli kaming naghalikan. Sa pagkakataong ito, halik na ng tunay na pagmamahal.
++ A U T H O R's N O T E ++
Whoooh! Habang sinusulat ko yung last part ay di ko namalayang kinikilig din ako. Napapangiti nalang ako.
HELLO READERS. :-) SOBRANG MAGAGANDANG FEEDBACK YUNG NATATANGGAP KO KAYA INSPIRED TALAGA AKONG LALO PANG PAGANDAHIN YUNG KWENTO.
![](https://img.wattpad.com/cover/38392358-288-k889065.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Teen FictionAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...