Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 30: "Secrets"
———
Aira's POV
Tinawagan ako ni Cyrus at agad akong pumunta sa Ospital na binanggit niya. Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya.
Pagpasok ko sa kwarto kung saan naroon siya ay nakita ko siyang nakahiga sa kama. Napansin niya ang pagdating ko.
"Anong nangyari sayo?" taka kong tanong sa kanya.
Napansin kong namumutla siya at hirap huminga.
"May sakit ako. Malubha na ang kalagayan ko." Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang ito nalaman.
"Anong sakit? Alam na ba ni Cris?" Umiling siya.
"Nilihim ko sa kanya ang lahat. Ayokong malaman niya. Aira, lumalaki na ang puso ko at bumabagal na ang paghinga ko." Nangilabot ang buong katawan ko.
Bakit ngayon niya lang ito sinasabi?
"Anong maitutulong ko? May paraan pa ba para gumaling ka?" Tumango siya at doon ay nabuhayan ang loob ko.
"Heart transplant." Sambit niya.
Napakahirap makakuha ng kanyang sinasabi.
"Alam kong mahirap ang sitwasyon ko pero lalaban ako. Makakahanap ako... para kay Cris!"
Nabanggit ko rin sa kanya ang pagbabalik ng memorya ni Cris, natuwa siya ng malaman yon.
Ngayon na ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa kasal.
"Cyrus, kailangan nating pigilan ang kasal nina Cris at Bea." Nabigla siya sa sinabi ko.
"Kailan sila ikakasal?" akmang tatayo siya pero pinigilan ko siya. Hindi pa niya kaya!
"Bukas. Pipigilan natin ang kasal sa tulong ni Renz. Kailangan nating magtulungan."
Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.
Renz's POV
Isang tawag ang natanggap ko mula kay Aira.
"Aira. Napatawag ka?"
"Pipigilan natin ang kasal. Nabanggit ko na yun kay Cyrus." Sagot niya.
Hindi ako sumang-ayon sa kanya. Kahit na ayaw ko ring matuloy yon ay wala na akong magagawa. Gusto ni Cris at hindi ako tututol dun.
"Bakit? Masaya si Cris. Gusto niyang ituloy ang kasal bukas." Sagot ko.
"Hindi dapat pakasalan ni Cris ang taong pumatay sa Mama niya!" Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Tama ang narinig mo Renz. Si Aira ang pumatay kay Tita. Plano niya yun sa simula palang, pati si Ryan ay pinatay niya. Hindi ko na maintindihan si Bea. Nababaliw na siya. Gusto niyang makuha ang yaman nila Cris." Nabigla ako sa rebelasyon ni Aira.
Wala siyang puso. Nagawa ni Bea ang pumatay para sa pera. Kailangang malaman ito ni Cris. Kailangang mapigilan ang kasal nila.
"Alam na ba ito lahat ni Cris?"
"Hindi pa kaya kailangan na nating mag-isip ng paraan." Sagot niya.
Napangiti ako. May maganda akong naisip na plano.
Bea's POV
Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi na ako makapaghintay na sumikat ang araw.
Bukas ang kasal ko. Bukas magsisimula ang pagbabago.
"Magtatagumpay ako! Pasensiya ka na Ryan, kung sumunod ka lang sa usapan hindi na sana kita pinatay. Pati si Tita, kinailangan kong patayin." Humalakhak ako pagkatapos kong sabihin yon.
Pagkatapos kong mailipat sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian ng mga Ramirez ay papatayin ko na si Cris.
Ngunit hindi ko muna yun iisipin. Kailangan ay matuloy muna ang kasal bukas.
Nakahiga na ako sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe ang nagpadala sa akin.
1 message received.
Unknown number: Nabalitaan kong ikakasal ka na. Magpakasaya ka lang dahil sisiguraduhin kong babagsak ka din. Guguluhin ko ang buhay mo. Hindi kita titigilan, tandaan mo yan!Kilala ko ang nagpadala ng message na yon. Sa sobrang galit ay naibato ko ang cellphone ko sa pader.
Hindi ko hahayaang mangyari yon. Hindi ako makakapayag na sirain niyang muli ang buhay ko.
___
++ A U T H O R's N O T E ++
KUMAPIT KANA DAHIL NALALAPIT NA ANG PAGTATAPOS.
Sino ba gusto niyong makatuluyan ni Cris? Hahaha

BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Teen FictionAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...