Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 25: "Changes"
———
Cyrus POV
Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Cris ay agad akong sumugod sa Hospital.
Sobra-sobrang hirap na ang kanyang pinagdaanan pero bakit nangyari parin ang bagay na ito.
Hindi niya dapat maranasan ang mga bagay na 'to sa kanyang buhay.
Nang makita ko ang kanyang kalagayan ay sobra ang pagka-awa ko sa kanya.
Niyakap ko siya.
"Mahal na mahal kita. Wag mo kong iiwan!" Narinig kong umungol siya.
"Cris." Hinawakan ko ang kamay niya. "Wag na wag kang bibitiw. Lumaban ka."
Wala nang ibang dapat dumamay kundi ako. Ako lang ang kakampi mo!
Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi lang sana bumalik si Leonard. Hindi lalayo ang loob niya sa akin.
Hayop ka talaga Leonard.
Isa pang bagay ang nagpagulo sa isipan ko. Ang pagkamatay ni Tita... hindi ako ang may sala. Wala akong kasalanan!
Narinig kong bumukas ang pintuan. "Cyrus. Kumusta na?" Si Bea ang pumasok.
"Nabalitaan din namin ang nangyari. Nasa labas si Aira, kinakausap ng mga pulis." Sunod niyang sinabi.
"Nakaka-awa siya. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari." Nilapitan niya ako at niyakap.
"Magiging maayos din ang lahat."
Alam kong pagkatapos ng lahat ng ito. Marami na ang magbabago.
Alam kong masaya ka sa nangyayari ngayon Bea. Lalabas din yang tunay mong kulay!
Renz's POV
Tinawagan ako ni Bea at masamang balita ang kanyang sinabi. Naaksidente si Cris at malubha ang kanyang kalagayan.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magiging matigas pa rin ba ako sa kanya?
Tama na. Tama na ang pagpapanggap. Kailangan niya ako.
Nakarating ako sa Hospital at pagbukas ko ng pinto sa kwarto ni Cris ay naroon na sina Bea, Aira at Cyrus.
"Mabuti naman at dumating ka." Bungad na sabi ni Aira.
Nagtama ang mga mata namin ni Cyrus. Nakikita kong malungkot siya at labis ang pag-aalala.
Isasantabi ko muna ang galit sa kanya.
Lumapit ako kay Cris at hinawakan ang kamay niya.
"Bespren, nandito na ako. Nagbalik na ako. Gumising ka na. Miss na miss na kita." Naging emosyonal ang muli naming pagkikita.
Bakit nangyari sa yo ang ganitong bagay.
Kung ako lang sana ang pinili mo. Kung ako lang sana ang minahal mo, hindi mo mararanasan lahat ng ito.
"Wala na si Tita. Tayo na lang ang makakapitan niya. Wag na wag tayong bibitiw. Alam kong kaya niya at malalagpasan niya ito." Narinig kong salita ni Cyrus.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari...
Dumilat ang dalawang mata ni Cris. Nagkatinginan kami ni Cyrus. Nabigla din sina Aira at Bea.
Sa wakas, gising na siya. Salamat sa Diyos.
"Gising ka na. Salamat." Niyakap siya ni Cyrus ngunit parang may kakaiba sa kanya.
Lumapit na rin si Aira. "Hindi mo pa oras. Salamat naman at nagising ka na. Alalang-alala kaming lahat sayo." Ngiting sabi ni Aira.
Naging iba ang kanyang pakikitungo sa amin.
"Nasaan ako?" Tanong niya.
"Naaksidente ka." Sagot ni Aira.
"Salamat sa inyo pero wala akong maalala."
Halos madurog ang puso ko sa kanyang sunod na binitawang salita.
"Hindi ko kayo kilala." Nandilat ang mata ko at napaatras ang mga paa ko.
Hindi... impossible! Nagbibiro lang siya. Wag naman sana!
"Wag ka ngang magbibiro ng ganyan." Hinawakan ni Aira ang kamay ni Cris.
"Totoo." Bigla siyang napahawak sa kanyang ulo at nagsisigaw!
"Bakit wala akong maalala? Sino kayo? Sino ako!" Tama at hindi siya nagbibiro. May amnesiya si Cris.
Si Cyrus ay hindi nakagalaw sa kanyang kinalalagyan. Tulala siya sa kanyang nalaman.
"Cris. Ano bang nangyari?" Napatakbo sa labas si Bea para tawagin ang Doktor. Ako naman ay nakatitig lang kay Aira habang pinapatahan niya si Cris.
Napukol ang tingin ko sa bracelet na suot-suot ni Aira.
Nandilat ang mga mata ko...
Hindi ako maaaring magkamali, yon ang bracelet na hinahanap ko.
Pero bakit suot ni Aira ang bracelet? Siya... siya ang pumatay sa Kuya ko.
++ A U T H O R's N O T E ++
ABANGAN ANG NALALAPIT NA PAGTATAPOS NG BBI.
Sobrang thank you sa mga sumuporta at nagbasa nito. <3

BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Genç KurguAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...