BBI BOOK 2: 3 years later...
-
Tatlong taon ang lumipas...
Ang inakala ng lahat ay wala na ako. Ang inakala ng iba ay patay na ako... nagkakamali sila.
*FLASHBACK*
"Aira..." kausap ko siya habang malubha ang kalagayan ko.
"Renz, kayanin mo para kay Cris. Lumaban ka!" Sabi niya.
"Alagaan mo si Cris at alam kong magiging masaya siya sa piling ni Cyrus." Sabi ko.
"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit hindi mo sabihin na mabubuhay ka? Bakit kailangan magpanggap na ikaw ang magbibigay ng puso kay Cyrus?" Maraming siyang tanong pero hindi ko kayang ibigay ang sagot sa kanya.
"Sa akin na lamang ang dahilan, Aira. Basta ipangako mo na sasabihin mong ako ang magbibigay ng puso kay Cyrus. Magpapanggap akong patay na. Nakikiusap ako, Aira..." tumango-tango lang siya sa aking gustong mangyari.
*END OF FLASHBACK*
May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yun. Ako lang ang nakaka-alam pero ito na siguro ang tamang panahon para kunin siya. Kukunin ko na ang nararapat sa akin!
Maraming beses akong nagparamdam kay Cris. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na buhay pa ako. Handa na ako!!!
_____
BONUS SCENE * ( ABL FINALE / CROSS OVER )
Alam kong ngayon ang pag-uwi nina Cris at Cyrus dito sa Pilipinas pagkatapos nilang maikasal. Tatlong taon ko itong inasam... tatlong taon akong naghintay na mangyari ito. Tinititigan ko lamang sila sa malayuan.
"Kuya." rinig kong sabi ng katabi ko.
"Bunso, mamaya na. Baka matalo pa ako." Sabi ng kasama niya.
"Ayan tuloy, talo! Bakit ka nanggugulo ha?" Nagharutan naman ang dalawa sa tabi ko. Napa-iling nalang ako kase may naaalala ako. Ganyan din kami ng bespren ko dati... ganyan din kami magharutan ni Cris noon...
"Kilala mo sila? Bakit hindi mo lapitan?" Nagulat ako sa tanong ng isang lalaki. "K-kuya..." pagpigil naman ng kasama niya.
"Okay lang... hindi na rin pwede. Alam kong masaya na sila." Nasabi ko na lang.
"So kilala mo nga? Mahal mo siguro ang isang tao dyan pero nagparaya ka?" Napa-tingin naman ako sa kanya... biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Kung mahal mo po, dapat ipaglaban bago mahuli ang lahat!" Sabi niya
Huli na ang lahat pero hindi pa huli para malaman ni Cris ang katotohanan. Kailangan niyang malaman na buhay pa ako!
Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa sabay tanong "Magkarelasyon ba kayo? Ang cute niyong dalawa."
Sabay naman silang nagka-tinginan at nagtawanan ang dalawa.
"Nako, kuya... magkapatid po kami." Nakangiting sabi ng katabi ko.
Napakamot nalang ako sa aking ulo.
"Punta muna akong CR ha. Ang tagal nila Mama eh." Nagpa-alam naman ang kasama ng katabi ko.
"Galing din kayong ibang bansa?" Tanong ko sa katabi ko habang pinagmamasdan ko pa rin sina Cris At Cyrus.
![](https://img.wattpad.com/cover/38392358-288-k889065.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Ficțiune adolescențiAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...