Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 7: "Confession"
———
Cris' POV
Dalawang buwan ang nakalipas at nakalimutan ko na ang pangyayaring iyon. Hindi ko man siya nakilala, alam ng Diyos kung sino siya at ang karma na ang bahala sa kanya.
Nakahiga ako ngayon sa sofa sa may sala. Walang magawa. Tawagan ko kaya si bestfriend at ang iba. Matagal na rin kaming hindi nagkikita.
*Ding *dong (doorbell)
Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Baka bisita ni Mama.
Lumabas ako at pagbukas ko ng gate, hindi ko sila inaasahang makita.
"Hi Cris." Bati sa akin ni Aira. Nakangiti rin sa akin si Ryan. Pero bakit silang dalawa lang? Nasaan si Renz?
"Oy, pasok kayo. Buti naman at bumisita kayo." Pinapasok ko na sila at pinaghandaan ko sila nang makakain. Si Mama kasi ay umalis kanina kaya walang mag-aasikaso.
"Eto. Kaen muna kayo." Nagdala ako ng pagkain sa sala at inumin.
"Salamat Cris, pero kahit matakaw ako. Hindi yan ang pinunta namin dito." Biglang seryoso ng mukha niya.
Umupo ako sa sofa kaharap sila. "May gusto lang kaming malaman." Napalunok ako sa sinabi ni Ryan.
"S-sige. Ano ba yun?" Tanong ko.
"Totoo ba?" Tumitig ako sa mga mata ni Ryan.
"Yung alin?" Pagmamaang-maangan ko. Hindi ko malaman kung ano ang tinutumbok niya.
"Bading ka daw?" Direktang tanong ni Aira. Napangiti ako at napayuko.
"Oo Aira. Tama, bakla nga ako. At humihingi ako ng sorry sa inyong dalawa kasi ngayon ko lang sinabi." Paliwanag ko.
"Ano ka ba? Okay lang samin. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tinabihan ako ni Aira at tumingin sa mga mata ko.
"Hindi kayo nagagalit?" Tumingin ako kay Ryan na nakangiti.
"Kaibigan ka namin kaya kahit sino ka pa, matatanggap ka namin." Natuwa naman ang puso ko sa sinabing yon ni Ryan.
"Kelangan nating magcelebrate." Sigaw ni Aira.
"Para saan?" Pagtataka ko.
"Dahil malaya ka na. Uminom tayo." Pananabik ni Aira.
"Nasaan si Renz?" Tanong ko sa kanila.
Bigla namang lumungkot ang mga mukha ng dalawa.
"Bakit?" Nagtataka na ako sa reaksyon nila.
"K-kasi Cris..." kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.
"Umalis si Renz. Magbabakasyon daw muna siya." Nagulat ako sa sinabi ni Aira.
"Ano? Bakit hindi siya nagpaalam man lang sa akin."
"Ayaw niyang nakikita mo siyang nasasaktan." Si Ryan.
"Lalayo siya pero babalik siya para ipaglaban ka." Sabi ni Aira.
Gulong-gulo naman ang isip ko sa mga sinasabi nila. Hindi ko sila maintindihan.
"Teka lang, ano bang ibig niyong sabihin?"
"Cris... may dapat kang malaman---"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sabihin niyo sakin." Lumapit sa tenga ko si Aira at bumulong. Nakakagulat. Hindi ko inaasahan ang nalaman ko. Renz, kailangan kitang makita at makausap!
Renz's POV
Bitbit ko sa likuran ko ang bag na dala ko. Konting damit lang ang dinala ko. Magbabakasyon muna ako para makapag-isip.
Kailangang malinawan ang isip ko. Tama ba tong nararamdaman ko o nadadala lang ng selos dahil kay Cyrus?
Mahal ko na siya... pero mali itong nararamdaman ko.
Nasa terminal na ako ng mga sasakyan patungong probinsya. Kaya ko bang gawin ito? Kaya ko bang hindi siya makita? Naguguluhan na ang isip ko.
Bigla kong nakita ang isang babae, kilala ko siya. Nagtama ang aming mga mata. May dala-dala siyang maleta. Lumapit siya sa akin. Malaki na ang kanyang ipinagbago simula noong umalis siya sa lugar namin.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.
"Kumusta na?" Bati niya sa akin. Napansin ko agad na lumobo ang kanyang tiyan. Napatingin muli ako sa kanyang mukha.
"Nagbalik ka. Bakit bigla kang nawala noon?" Tanong ko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Sorry kung bigla akong nawala. Natakot ako..."
Kumalas na siya sa pagkakayakap at tumitig sa akin.
"May sasabihin ako, Renz." Hinawakan niya ang kanyang tiyan. Hinimas-himas ito.
Si Bea, ang laki na ng kanyang ipinagbago. Parang nalalaman ko na ang kanyang sasabihin.
"Sige, ikuwento mo. Makikinig ako." Umupo muna kaming dalawa upang makapag-usap.
"Buntis ako." Yumuko siya at nahihiyang ipakita ang mukha sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at inangat ang kanyang mukha.
"Sino ang ama? Sino ang nakabuntis sayo?" Biglang pumatak ang luha niya.
Nandilat ang mga mata ko sa pangalang kanyang binanggit. Imposible, hindi ito maaari.
++ A U T H O R's N O T E ++
Hello. Kapit lang dahil magaganda na ang mga mangyayari sa susunod na mga chapters. Thank you sa mga nagtiyagang magbasa. Labyu all <3

BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Teen FictionAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...