CHAPTER 10: AGREEMENT

1K 40 2
                                    

Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)

Chapter 10: "Agreement"

——

Renz' POV

Pagdilat ng mata ko nasa isang lugar ako na ngayon ko lang nakita. Walang ibang nakikita kundi ang usok na kulay puti. Nasan ba ako?

"Renz." Umalingawngaw ang isang boses. Napatingin ako sa paligid ngunit walang kahit sinong tao.

"Renz."

"Renz."

"Renz." Palapit ng palapit sa akin ang tinig na yon at biglang may humawak sa braso ko, naramdaman ko iyon at paglingon ko...

Imposible, patay na siya!

"K-kuya?" Gulat na gulat ako nang makita ko siya sa aking harapan.

Si Kuya ay namatay last year at sariwa parin sa akin ang lahat.

Ngiti lang ang itinugon nya at hinawakan niya ang kamay ko. Niyaya niya akong sumama papunta sa itaas. Doon ko nalaman na sinusundo pala ako ni Kuya, bigla akong lumayo sa kanya.

"Mag-iingat ka." Ang tanging narinig kong salita sa kanya at bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.

"Kuya!" Sumigaw ako pero hindi na niya ito narinig.

"Kumusta?" Biglang sumulpot si Cris sa harapan ko at sinasakal ang leeg ko.

Hindi ako makahinga, Tumawa siya ng tumawa. Palakas ng palakas habang ako'y di na makahinga sa pagkakasakal niya. Bakit mo ito ginagawa sakin bespren?

"Mamatay ka na!"

_ __ _

Nagising ako sa isang masamang panaginip. Ano bang ibig sabihin nun? Nakakatakot! Pawis na pawis ako at takot na takot.

Ayoko pang mamatay!

Magtatanghali na nang tumayo ako. Naligo muna ako bago lumabas ng bahay.

Habang naglalakad ay nakita ko sa may di kalayuan sina Aira at Ryan. Tatawagin ko sana sila nang mapansin kong nagtatalo sila.

"Ano ba sikreto lang yon kaya tumahimik ka." Si Ryan.

"Di ko na kayang magsinungaling. Sabihin na natin sa lahat!" galit na sabi ni Aira.

"Anong dapat naming malaman?" Sabay nila akong nilingon at sobrang gulat ang naging reaksyon nila ng makita ako.

Tama, may itinatago sila! Dapat ko yong malaman.

"W-wala. Wala naman Renz." Utal-utal na sabi ni Ryan.

"Mauna na kami. May pupuntahan pa kami." Nagmadali na silang umalis dalawa. Ako naman ay naiwan na nagtataka.

Halata sa kanila na mayroon silang itinatago, pero ano yon at bakit hindi nila masabi sa akin?

Malalaman ko rin ang bagay na 'yun.

Cris' POV

Nagpasya na akong puntahan ang bahay nila Bea. Kailangan kong sabihin sa kanya na papanagutan ko na ang kanyang dinadala. Kailangan kong gawin ang sinabi ni Cyrus.

Nakarating ako sa tapat ng bahay ni Bea. Kakatok na sana ako nang marinig kong may nag-uusap sa loob.

"Wag na wag mong sasabihin na ako ang Ama niyan kundi sira lahat ng plano natin." Nandilat ang mga mata ko sa aking narinig.

"Wag kang mag-alala. Paniniwalain ko siyang may nangyari talaga sa amin." Si Bea. Alam kong siya ang narinig kong nagsalita.

Bigla kong binuksan ang pintuan at bumungad ang dalawang tao sa harapan ko.

Si Bea at si...

"I-ikaw?" Gulat kong bigkas. Siya ang tunay na Ama. Niloko ako ni Bea.

"Cris, anong ginagawa mo rito?" Nagulat din si Bea sa biglaan kong pagdating.

"Anong narinig mo? May narinig ka ba?" Lumapit siya sa akin. Ang lalaking nakabuntis kay Bea. Lumapit siya sa akin... si Ryan!

"Meron at balak niyo pa akong gaguhin!" Sigaw kong sabi sa dalawa. Ang kapal ng mukha nila, tinuring ko silang tunay na kaibigan.

"Hindi. Mali ang narinig mo. Nagsisinungaling lang si Ryan. Ikaw talaga ang Ama nito." Niyakap ako ni Bea ngunit itinulak ko siya palayo sa akin. Bagsak siya sa sahig.

"Walang hiya ka." Sinuntok ako ni Ryan at nagdugo ang ilong ko.

"Ikaw pa ang may ganang magalit. Gago ka ba?" Sinuntok ko rin sya sa mukha. Kahit bakla ako kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

Sinuntok muli ako ni Ryan ng paulit-ulit. Hindi na ako nakalaban kasi mas malakas siya. Sunud-sunod na mga suntok ang pinakawalan niya.

"Tama na!" Sumigaw si Bea at paglingon namin ni Ryan sa kanya ay may nagkalat na dugo sa sahig. Dinugo si Bea.

"Ang baby ko, dalhin nyo ko sa Hospital." Nag-panic si Ryan at dali-daling pumunta kay Bea.

"Bea." Pag-aalala ko.

Umalis na kami sa bahay at dinala na sa Hospital si Bea.

"Kasalanan mo to. Kung hindi mo tinulak si Bea hindi siya duduguin!" Napayuko nalang ako.

Ano bang ginawa ko? Paano kung mamatay ang baby. Huwag naman sana.

"Gumawa tayo ng kasunduan." Napatingin ako kay Ryan. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Para saan?"

"Alam ko ang sikreto mo." Nandilat ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman?

"Yung tungkol sa inyo ni Jonas." Bumilis ang tibok ng puso ko. Walang nakakaalam nun, nakakasiguro ako.

"Anong kasunduan?" Kailangan hindi ko ipakita sa kanya na natatakot ako.

"Panagutan mo ang bata at ililihim ko ang sikreto mo." Nakangisi niyang sabi. Hayop ka Ryan. Paano mo ito nagagawa sa akin.

"Sige. Pananagutan ko." Humalakhak siya pagkatapos ay lumapit sa akin at may ibinulong.

"Mabuti naman dahil kung hindi. Alam mo na ang mangyayari sayo kapag nalaman nila ang sikreto mo." Hindi maaari. Hindi ako makakapayag na malaman ng iba ang lihim ko.

Lumabas na ang Doktor at sinabing nasa mabuting kalagayan na si Bea. Umuwi na ako sa amin. Nakatulala ako habang naglalakad sa daan. Mga hayop sila! Blockmail na itong ginagawa ni Ryan sa akin pero anong magagawa ko?

Sa aking paglalakad ay may tumigil na motor sa aking harapan. Pagtanggal niya ng kanyang helmet ay nakita ko siya. Ang matagal ko nang hinahanap...

++ A U T H O R's N O T E ++

SINO SI JONAS SA BUHAY NI CRIS? ANO ANG KANYANG MATAGAL NANG ITINATAGONG LIHIM? SINO ANG LALAKING NAKITA NI CRIS?

Whoooh. Tumitindi na ang mga tagpo dito. Kaloka. Wag kayong bibitiw. Hinding-hindi kayo bibiguin sa mga susunod na chapters.

Godbless and thanks for the support.

Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon