CHAPTER 26: DANGER

788 32 0
                                    

Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)

Chapter 26: "Danger"

———

Bea's POV

Nagulat kami sa naging kalagayan ni Cris. Wala siyang maalala kahit isang pangyayari sa buhay niya.

Umaayon ang lahat sa plano ko. Lihim akong napapangiti.

Kinabukasan ay lumabas na ng Hospital si Cris. Ako ang mag-aalaga sa kanya dahil ako ang mas may karapatan. Paninindigan kong siya ang ama ng dinadala ko. Hindi na nakatutol pa si Renz at Cyrus.

Narito kami ngayon sa bahay niya at buong araw siyang walang imik. Laging tulala at hindi nagsasalita.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakaawa!

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Pupunta ako diyan." Bungad niya.

"Hindi pwede. Kailangan niya munang magpahinga!" Sagot ko.

"Bea, alam na alam ko yang binabalak mo. Wag na wag mong sasamantalahin ang kalagayan niya." Sigaw niya.

Malas mo na lang dahil huli na. Nabilog ko na ang ulo niya. Lahat ng sinabi ko kay Cris ay puro kasinungalingan.

Pasensiyahan na lang tayo dahil nasa akin ang alas. Hawak ko na ang buhay ng taong minamahal niya.

"Cyrus, wag kang mag-alala. Aalagaan ko si Cris." Ibinaba ko na ang tawag at may naipintang mga ngiti sa aking mga labi.

Nabaling ang mga tingin ko kay Cris.

Bukas na bukas... yayayain ko na siyang magpakasal.

Renz's POV

"Pumunta ka sa bahay ngayon. May importante akong sasabihin." Pagbaba ko ng telepono ay namuo ang galit sa puso ko.

Nakilala ko na siya. Nakita ko na siya. Ang taong pumatay sa Kuya ko!

Wala akong kamalay-malay na palagi ko na pala siyang nakikita at nakakasama. Ang laki kong tanga para di maramdaman yon.

Ngayong gabi... makakamit ko na ang hustisya! Papatayin ko din siya gaya ng ginawa niya sa kapatid kong si Jonas.

Hinanap ko sa damitan ko ang itinatago kong baril. Ngayon na ang tamang panahon para gamitin ito.

Maya-maya pa ay narinig ko na tumunog ang doorbell. Alam kong siya na yon. Dumating na siya.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya.

"Ano bang sasabihin mo?" Pagtataka niya.

"Pumasok ka muna." Nakapasok na siya at ini-lock ko ang pintuan.

"Renz." Nandilat ang mata niya sa muli niyang pagharap sa akin.

"B-bakit? Papatayin mo ako? Anong nagawa ko?" Takot na takot ang kanyang mukha.

"Kanino mo nakuha yan? Sino ang nagbigay sayo niyan?" Itinuro ko ang bracelet na suot-suot niya.

"Hindi sakin to. Nakuha ko to..." ipinutol ko ang kanyang pagsasalita.

"Wag ka nang magsinungaling!" Sigaw ko sa kanya.

Palapit ako sa kanya habang paatras naman siya.

"Anong kinalaman mo sa Kuya ko? Nagkaron ba kayo ng relasyon noon? Sabihin mo sakin. Magsalita ka!" Gulat na gulat siya sa mga sinasabi ko.

Nagmamaang-maangan siya. Alam kong siya ang tinutukoy ni Kuya sa kanyang sulat. Si Aira!

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nanginginig ang boses niya. Wala na siyang maatrasan at nakalapit ako sa kanya.

"Papatayin din kita!" Sinakal ko siya sa leeg. Nagpupumiglas siya pero mas malakas ako.

"Renz. H-hindi ako makahinga." Pinilit niyang magsalita. Gusto ko unti-unti kong nakikita siyang nahihirapan.

Kulang pa ito, hayop ka Aira!

"Pinatay mo si Kuya." Mas lalo kong hinigpitan ang pagsakal sa kanya pero nakagawa siya ng paraan.

Sinipa niya ako ng malakas at nakatakbo siya palayo pero mabilis kong nahablot ang buhok niya.

"Renz. Pakawalan mo ko. Hindi ako ang pumatay. Hindi sa akin ang bracelet!" Pinakawalan ko siya pero nakatutok parin ang baril ko sa kanya.

"Kanino? Kanino mo nakuha yan?" Sigaw ko, halatang-halata ko ang sobrang takot na nararamdaman niya.

Pagbibigyan ko siyang magsalita...

"Ano bang koneksiyon nito sa pagkamatay ng kapatid mo?" Hinubad niya ang bracelet.

"Iyan ang nag-iisang magpapatunay na ang taong may hawak ng bracelet na yan ay ang pumatay sa kuya ko." Naguluhan siya sa sinabi ko at ibinigay ko ang liham na sinulat ni Kuya Jonas.

Pagkatapos niyang mabasa ang liham ay nabitawan niya ito pati na ang bracelet.

"Oh my god." Napatingin sa akin si Renz.

"Wag kang mabibigla sa sasabihin ko." Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

** A U T H O R's N O T E **

WAG NG BUMITAW SA MGA SUSUNOD NA KABANATA.

Guys, huling siyam na kabanata nalang. SALAMAT TALAGA SA MGA NAG-TIYAGANG MAGBASA AT MAGHINTAY SA UPDATE :-)

Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon