Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)CHAPTER 3: "The Plan"
————
Renz's POV
Pumuwesto kami sa labas para makalanghap ng simoy ng hangin. Umpisa na ng inuman. 2 bote ng red horse ang inilabas ni Cris. Alam kong hindi sila sanay uminom, ako lang yata ang matibay pagdating dito. Si Ryan ay bihira lang din kung uminom. Sina Bea at Aira ay mabilis lang pataubin. Itong si bespren ang matibay rin sa inuman.
"Lasing kana agad, Bea. Namumula na mga mukha niyo. Nag-uumpisa palang tayo." Patawa kong sabi sa dalawa.
"Hindi naman kasi kami umiinom talaga. Mapilit lang kayo." Sabi ni Bea.
"Minsan lang naman to. Pagbigyan nyo na kami." Ngiting sabi ni Cris.
Tumango nalang ang dalawang babae. Lumipas ang mga oras at nakaubos na kami ng anim na bote. Pasuray-suray na ang lakad ng iba at namumula na ang kanilang mga mukha, halatang lasing na. Ako naman ay medyo nahihilo narin. Si Cris ay tahimik lang na nakatulala.
Nahahalata ko sa mga ikinikilos ni Cris nitong mga nagdaang araw ay palagi nalang siyang lutang. May problema kaya ang bestfriend ko?
Tumayo si Ryan. "Pare, una na ako. May lakad pa ako bukas." Bigla ring tumayo si Aira. "Uy, sabay na tayo Ryan. Pinapauwi na rin ako ni Mama. Ikaw Bea?" napukol ang tingin naming lahat sa kanya.
"A-ako. Mamaya na ako uuwi atsaka nagpaalam naman ako. Hehe." Parang may kakaiba kay Bea nang sabihin yun.
May kutob ako na diko mawari kung ano. Pagkatapos magpasalamat ay lumabas na sina Ryan at Aira.
"Ano kaya pa ba, Cris?" Tinabihan na ni Bea si Cris at umakbay siya rito. Parang may kakaiba talaga sa kanya ngayon. Hindi naman siya dating ganito.
"Oo naman. May isang case pa tayo. Ano kaya niyo pa bang dalawa?" Pagmamayabang ni Cris.
"Ako pa ba? Baka mamaya diyan sumuka ka na!" Sabay dila ko sa bestfriend ko.
"Cris, samahan mo muna ako sa labas. May bibilhin lang ako." Napatingin naman ako nang sabihin yun ni Bea. Tama ako, may binabalak siya. Hindi ko alam kung ano yun.
"Sige, bes, maiwan kana muna dito. Sasamahan ko lang to si Bea." Ngiting tagumpay naman si Bea nang sumama si Cris.
Nagpaalam na sila at umalis na. Naiwan akong nakatunganga at nag-iinom mag-isa.
Bea's POV
Napasama ko si Cris na lumabas para pumunta sa tindahan. Ang totoo, gagawin ko na ang plano ko. Aangkinin ko ang baklang ito! Bakit naman kasi naging bakla ka pa Cris. Ang gwapo niya at kung alam niya lang na maraming nagkakagusto sa kanya pero pasensiyahan na lang, uunahan ko na sila.
Halata sa lakad niya na tinatamaan na siya sa alak. Dapat lang, para mabilis ko lang magawa ang binabalak ko.
"Cris, hindi ba pwedeng maging lalaki ka na lang?" Napahinto siya sa paglalakad at tumitig sa'kin.
Hinampas niya ako sa braso. "Diba napag-usapan na natin to." Ang sarap titigan ng kanyang namumulang mukha. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.
"Eh kasi naman. Sayang ka talaga!" Nakita niyang lumungkot ang mukha ko kaya lumapit siya sa akin at umakbay.
"Ano ka ba, wag kana malungkot diyan. Masaya ako kung ano at sino ako kaya sana matanggap mo rin." Seryoso niyang sabi.
Parang nakokonsensiya akong gawin ang pinaplano ko sa sinabi niya pero buo na ang desisyon ko.
Hinila ko siya palapit sakin at bigla ko siyang hinalikan sa labi. Nagulat siya sa ginawa ko at naitulak na naman niya ako. "Ano ba Bea."
Pero hindi ako nagpatinag, niyakap ko siya at hinalik-halikan ang kanyang leeg.
"Cris naman. Pagbigyan mo na ako. Matagal na kitang gusto at gustung-gusto talaga kita." Muli niya akong itinulak at sa pagkakataong yun ay humandusay na ako sa kalsada.
"Bea." Ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Anong nangyayari dito?" Napalingon kami sa likuran nang biglang may nagsalita.
Cris' POV
Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako, siya yun, siya ang taong pinapangarap ko.
"Wala to Pare, hindi lang kami nagkaintindihan." Lumapit siya kay Bea at tinulungang makatayo. Parang nadurog ang puso ko sa ginawa nya pero okay na rin yun at napatunayan kong matulungin siya.
"Ang mga babae, hindi dapat sinasaktan." Tumitig siya sa'kin at napahiya naman ako sa sinabi niya.
"Mali ka, naghaharutan kasi kami kaya nadapa ako." Pagsisinungaling ni Bea.
"Ganun ba. Pasensiya na kayo kung nangialam ako."
"Ayos lang." Kailangan ay malaman ko kung ano ang pangalan niya. Kailangan ay maisama ko siya sa bahay.
Tumitig ako kay Bea at parang nalaman na niya ang ibig kong ipahiwatig.
"Ah, diba ikaw yung bago dito? Ano nga palang pangalan mo?" Ngiting tanong ni Bea. Ako naman ay nakatulala lang, hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ang lalaking ito.
"Cyrus." Mas lalong lumutang ang kanyang kagwapuhan nang ngumiti ito.
"Sama ka, Cyrus?" Nagtanong siya kung saan pupunta. Sinabi ko sa kanya at salamat sa Diyos at sumama siya.
Nakarating na kami sa bahay at nagulat si Renz nang may kasama na kami pagbalik.
"Sino siya?" Takang tanong ni bestfriend.
"Cyrus nga pala, Pare." Makikipagshake-hands sana si Cyrus nang pigilan ko ang kanyang kamay. Alam kong hindi maganda ang magiging trato niya kay Cyrus.
Tumitig naman si Renz sa akin at tumayo. "Una na ako. May lakad din pala ako bukas." Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Alam kong nagtatampo siya sa pagdating ni Cyrus. Wala naman siyang nasabi kanina na may lalakarin siya bukas. Alam ko na ang dahilan ng biglaan niyang pag-alis. Hahayaan ko nalang siya tutal nandito si Cyrus, bukas ko nalang siya kakausapin.
Hinatid ko si Renz palabas at alam kong masama ang loob niya.
"Umiinom ka ba, Cyrus?" Tanong ko. Umiling siya.
Nakumpleto na ang birthday ko nang dahil kay Cyrus. Naubos na namin ang natitirang anim na bote ni Bea at parang ako lang ang nalasing.
Sumuka ako ng sumuka dahil sa epekto ng alak. Hindi ko na maibalanse ang aking katawan at natutumba na ako. Umiikot na ang paningin ko na para akong dinuduyan.
"Hindi mo na kaya Cris. Iaakyat kana namin ni Cyrus sa kwarto mo." Alam kong si Bea ang nagsalita. Hindi ko na sila matignan ng mabuti dahil apat-apat na ang paningin ko.
Inalalayan nila ako upang makaakyat. Bagsak ang katawan ko sa kama. Narinig ko pang nagpaalam si Cyrus kay Bea.
Maya-maya'y may naghuhubad na ng aking damit. Hindi ako manhid para di yun maramdaman. Lasing ako pero alam ko ang nangyayari.
"Sorry Cris pero gusto talaga kita." Narinig kong sabi niya.
Tagumpay siyang maalis ang pang-itaas kong damit. Ano bang binabalak ni Bea sa akin?
Pinilit kong imulat ang aking mata ngunit hindi ko magawa. Narinig kong tumunog ang kanyang cellphone.
Ilang minuto ding tahimik at dahil lasing na lasing ako ay nakatulog na ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
** A U T H O R' S N O T E **
Hello readers. Mabagal ba ang phasing ng kwento? Nababagalan din ako eh pero okay lang yan, para humaba pa ang kwento. Salamat sa mga nagta-tiyagang magbasa nito. Comment kayo para ma-inspired pakong pagandahin to. Godbless!
DEDICATION: 2nd time na to para sayo. :) Godbless!

BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Ficção AdolescenteAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...