CHAPTER 27: The Proposal

779 32 0
                                    

Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)

Chapter 27: "The Proposal"

Cyrus' POV

Hindi ako mapakali lalo na at kasama ni Cris si Bea. Alam kong may binabalak siya. Kilalang-kilala ko na ang ugali niya!

Lumabas ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Cris. Kailan kaya babalik ang alaala niya?

Habang naglalakad ay may biglang humintong sasakyan sa likuran ko. Paglingon ko... --si Mark.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakangisi siya habang tinititigan ako.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Cris. Lahat-lahat." Hindi ko maintindihan kung bakit pati si Mark ay pinapakialaman ang buhay ng ibang tao.

"Pwede ba Mark, umalis ka na!" Tumalikod ako sa kanya ngunit nagsalita siya na ikinagulat ko.

"Bago maaksidente si Cris ay nalaman na niya ang totoo. Kung sino ang taong nanghalay sa kanya sa rest house." Nandilat ang mga mata ko. Baka yon ang dahilan kung bakit siya naaksidente.

Hindi niya siguro akalain na magagawa yon ng sarili niyang bestfriend!

"Alam na niya?" Nagulat ako sa biglaang pagdating ni Renz.

"Gago ka Renz! Ikaw pala. Ang kapal ng mukha mo." sigaw ko sa kanya.

"Patas lang kami. May malaking kasalanan din siyang nagawa sakin!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

Kakaiba ang kanyang ikinikilos. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang kasalanan ni Cris?

Hindi ko namalayan na nakalapit na sa likuran ko si Mark.

"Araw na ng paniningil." May kung anong bagay siyang idinikit sa leeg ko, nakuryente ako at agad ay nawalan ako ng malay.

Bea's POV

Pagdilat ng mata ko, nasa harapan ko siya habang may dala-dalang pagkain.

"Goodmorning." Sabi niya habang nakangiti.

Kumunot ang noo ko. Tama ba itong nakikita ko? Nananaginip lang kaya ako? Hindi... totoo ang nangyayari ngayon!

"Salamat." Kinuha ko ang dala niyang pagkain at tumabi siyang umupo sa kama katabi ko.

Habang kumain ako ay nakatitig lamang siya sa akin.

"Magaling ka na ba? Baka hindi kapa kumain niyan." Tumingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Ang ganda ng umaga ko. Nakita ko kasi ang pinakamagandang babae sa mundo." Nakatitig lang siya sa akin.

Ano bang nakain niya at ganito niya ako itrato? Oo nga pala, may amnesiya. Napapangiti ako sa sobrang galak.

Ang matagal ko nang pinapangarap. Ang mapansin niya ang isang tulad ko.

"Bolero." Sabay irap sa kanya.

Walang nagbago sa nararamdaman ko. Matagal nakong may gusto sa kanya pero kailangan kong ituloy ang plano.

Iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya. Magkaharap kami ngayon.

"Hindi ako nagbibiro. Mahal mo ako. Ako ang ama ng dinadala mo kaya dapat lang na gawin ko ang bagay na makakapagpasaya sayo." Sa ikalawang pagkakataon ay naglapat ang aming mga labi.

Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko siya pinigilan.

"Mahal kita, Bea." Halos sasabog ang puso ko sa sobrang saya.

"Patunayan mo." Sagot ko.

Ikinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinagkan ito.

"Magpakasal na tayo." Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya.

May namumuong mga luha sa mata ko at gusto na nitong bumagsak pero agad niya itong pinunasan.

"Mahal na mahal kita. Pakasalan mo ako Bea." Agad ko siyang niyakap. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Oo Cris. Magpapakasal ako sayo dahil mahal na mahal din kita." Bumagsak na ang mga luha sa mata ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito ngayon.

"Diyan ka lang, may kukunin ako sa baba." Nakangiti siyang nagpaalam sa akin.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko ngunit panandalian lang pala ang lahat ng yon.

Nakarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Agad akong tumayo at paglabas ko ng pinto.

Nakita ko si Cris.

Nakahandusay ang katawan sa sahig.

At walang malay.

++ A U T H O R's N O T E ++

THANK YOU SA MGA SUMUSUPORTA, (Y)

WAG NA WAG NANG BIBITIW SA MGA SUSUNOD NA MGA GABI.

Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon