Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 14: "Tears of Pain"
——
Renz' POV
Nakauwi ako ng bahay dala-dala ang galit sa puso ko.
Pagpasok ko ng bahay, lahat ng makita kong bagay ay tinatapon, binabasag at sinisira ko.
Gusto kong ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman ko!
"AAAAAHHHH!" sigaw ko.
Ayoko nang ganito. Lagi na lang ba akong nag-iisa?
Hindi ko matanggap... hinding-hindi ko matatanggap na hanggang kaibigan lang ako.
Umakyat ako sa aking kwarto at nakapagpasya na ako. Inimpake ko ang lahat ng aking gamit.
Ito lamang ang tanging paraan para kalimutan siya.
Ako nalang ang iiwas. Ako nalang ang lalayo... para hindi na ako masaktan.
Mahal kita, Cris... pero hindi na kita kayang ipaglaban! Kasi alam kong hindi na dapat.
May mahal kana at alam kong wala akong laban kay Cyrus.
Aalis ako ngayon, pero sa pagbabalik ko... sana mawala na lahat ng sakit. Sana mawala na ang nararamdaman ko.
Patawarin mo ako Cris! Patawarin mo ako, bestfriend!
Kinuha ko ang litrato ni Kuya sa ilalim ng aking unan.
"Kuya, tulungan mo naman ako! Ano bang dapat kong gawin?" hindi ko na napigilang umiyak.
Hindi ako masaya... pinipilit kong maging masaya simula nung nawala siya pero ang totoo... nasasaktan pa rin ako.
Sobrang miss na miss na kita Kuya. Kailan kaya ang muli nating pagkikita?
Cris' POV
Hindi ako mapakali sa bahay. Lalo na sa nangyari kanina sa pagitan namin nina Renz at Cyrus.
Hindi ko hahayaan na mawala si bestfriend. Hindi ako papayag.
Lumabas ako ng bahay. Alam kong aalis si Renz kaya kailangan ko siyang pigilan!
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang aking cellphone.
"Handa ka na bang malaman ang katotohanan?"
"Wala akong panahon sayo, Mark." Ibinaba ko na ang tawag at patakbo kong tinungo ang bahay ni Renz.
Pagdating ko, nakita ko siyang dala-dala ang maleta at bag na nakasabit sa likuran niya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Bes naman. Wag mong gawin to!" Hindi siya gumagalaw. Hinihintay ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Ito na ang huling pagkakataon na magagawa mo sakin yan." Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha.
Niyakap ko siyang muli. "Wag ka nang umalis. Hindi ko kaya!" Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mukha.
"Ito na rin ang huling pagkakataon na makikita mo ako." Nadurog ang puso ko at hindi na napigilan pang tumulo ng mga luha ko.
"Bestfriend naman eh." Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa mata ko.
"Wag kang mag-alala. Hinding-hindi kana iiyak pa. Dahil aalis na ako. Wag kang mag-alala, babalik ako. At sa pagbabalik ko... ibang Renz na ang makikita mo!" Humakbang na ang mga paa niya palabas ng bahay.
"Renz..." sigaw ko sa kanya.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na wag na lang siyang umalis, na dito na lang siya sa tabi ko. Kung kaya ko lang iparamdam sa kanya yun.
"Ano? Pwede mo nang sabihin ang lahat ng sasabihin mo sakin sa huling pagkakataon." Lumapit muli ako sa kanya at niyakap siya sa huling pagkakataon.
"Sorry. Sobrang sorry. Nasaktan ko ang damdamin mo. Sana sa pagbabalik mo, ikaw parin si Renz. Ikaw parin ang bestfriend ko." Bumitiw na siya sa pagkakayakap. Humakbang ang mga paa niya palabas ng bahay.
Kapag lumingon siyang muli sa akin, alam kong mahalaga pa ako sa kanya.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Hindi na siya lumingon pa at nakaalis na. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.
Si Renz lang ang kasama ko noon. Siya lang ang kasangga ko, siya ang laging pumuprotekta sa akin.
Kakayanin ko... magiging matatag ako Renz. Kahit na wala ka na. Pinapangako ko iyan.
++ A U T H O R' s N O T E ++
ABANGAN KUNG SINO ANG BAGONG KARAKTER NA PAPASOK SA KWENTO!
Waley na si bestfriend. Pero babalik po siya. XD Hello readers. Abangan ang mga pasabog at mga rebelasyon sa mga susunod na kabanata.
Thank you sa suporta at tiwala. Love you guys. <3
BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
أدب المراهقينAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...