Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)Chapter 17: "Signs"
———
Cris' POV
Paglingon ko...
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na sabi ni Cyrus.
"Pumasok na ako dahil bukas ang pintuan. Sosorpresahin sana kita." Paliwanag ko.
"Ano yan?" Nakatingin siya sa sobreng hawak ko. Iniabot ko sa kanya ito.
Pagkatapos niyang makita ay nandilat ang mga mata niya.
"Saan mo to nakuha?" Pinandilatan niya ako ng mata habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
Parang hindi si Cyrus ang kaharap ko ngayon...
"Teka, nasasaktan ako." Mukhang natauhan siya kaya mabilis niya akong binitawan.
"Sorry. Sorry." Nagkamot siya ng ulo at nagsimulang mataranta.
"Nakapasok ba siya rito? Nakita mo ba siya? May mga sinabi ba siya sayo?" Sunud-sunod niyang tanong habang niyuyugyog ang katawan ko.
Hindi ko siya maintindihan. Sino ang tinutukoy niya?
"Ano bang nangyayari sayo?" Pagtataka ko.
"Basta, sagutin mo lang ang tanong ko!" Sinigawan niya ako sa unang pagkakataon. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasampal ko siya.
Humarap siya sa akin na gulat na gulat sa ginawa ko.
"Bakit mo ginawa yon." Nag-iba ang reaksyon ng mukha niya habang nakahawak ang isang kamay niya sa pisngi.
"Pasensiya ka na, nagulat lang ako." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Cyrus. May itinatago kaya siya sa akin?
"Sorry din. Inisip lang kita." Niyakap niya narin ako.
Pagkatapos naming mag-usap ay umuwi na ako sa bahay. Kanina pa sa isipan ko ang pag-aalala at pagtataka.
Ngayon ko pa lang nakitang nangyari yun kay Cyrus!
Hindi ko namalayan ang oras at gabi na. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay Mama na pumunta sa burol ni Mark.
Deretso ang lakad namin ni Cyrus sa kabaong ni Ryan. Naririnig ko ang bulung-bulungan sa aming paligid ngunit hindi ko yon pinansin.
Ngunit hindi pa kami nakakarating sa kabaong nang harangin kami ni Bea.
"Anong ginagawa nyo rito?" Mataray niyang sabi sa amin.
"Nandito kami para makiramay." nagsalita si Cyrus. Humalakhak si Bea.
"Kaibigan ko rin si Ryan." Biglang pumukol ang mga tingin ni Bea sa akin.
"Kaibigan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang hindi tunay na kaibigan. Umalis na kayo dito!" Pinagtabuyan kami ni Bea.
Wala kaming nagawa ni Cyrus kundi ang umalis. Hindi man lamang namin nakita si Ryan.
"Ayos ka lang ba?" Nagsalita si Cyrus nang mapansing tulala ako.
"Oo." Pero hindi parin maalis sa isipan ko kung sino ang pumatay sa kanya.
Isa lang naman ang totoo...
Wala akong kasalanan...
Hindi ako ang pumatay kay Ryan.
Cyrus' POV
Naglalakad na kami pauwi ni Cris galing sa burol ni Ryan. Nakapasok kami pero hindi namin nakita ang labi ni Ryan.
Pinaalis kami ni Bea.
Parang natutunugan ko nang si Cris ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Ryan.
Tinitigan ko si Cris habang kami ay naglalakad. Hindi sumasagi sa isipan ko na magagawa niyang pumatay. Hindi...
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita sa may di kalayuan ang taong yon.
Hindi...
Hindi ko dapat siya makaharap ngayong kasama ko si Cris.
Ngunit mabilis siyang nakalapit sa amin. Huminto siya sa harapan namin at nagtaka naman si Cris kaya napatingin siya sa akin.
"Sino ka?" Tanong ni Cris sa kanya.
"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo Cyrus?" Tumingin siya sa akin.
"Kilala mo siya?" Tumingin muli sa akin si Cris.
Hindi agad ako nakapagsalita. Nahalata niyang kinabahan ako dahil may naipintang ngiti sa kanyang labi.
"Ayaw magsalita ni Cyrus. Ako si Leonard. Ang bestfriend ni Cyrus." Nakipagkamay siya kay Cris. Para akong walang buhay sa mga sandaling ito. Siya ang taong nasa panaginip ko, ang taong nakasumbrero... siya ang kapatid ko!
Bakit di ko magawang magsalita at pigilan itong taong nasa harapan namin ngayon.
"Cris." Nakipagkamay din si Cris at ramdam ko ang saya niya nang makilala si Leonard.
Hinampas ako ni Cris sa braso. "Di mo naman sinabing may bestfriend ka pala!" Ngiti lang ang tugon ko.
Bumalik ang mga titig ko kay Leonard. Tumingin din siya at ngumisi sa akin.
Hayop ka... bakit nabuhay ka pa Leonard!
"Alis na ako. May pupuntahan pa ako. Ingat kayo!" Ngumiti siya kay Cris bago umalis.
Nararamdaman kong may binabalak siyang hindi maganda...
Hindi ko siya hahayaang magtagumpay!
Alam kong maghihiganti siya... sana namatay ka nalang talaga Leonard.
"Bakit di mo man lang siya kinausap?" Binasag ni Cris ang katahimikan ko.
"Wag kang makikipagkita sa taong yun. Iwasan mo siya." Nagtaka naman siya sa sinabi ko.
"Bakit? Mukha naman siyang mabait."
"Basta. Sumunod ka nalang sa sinabi ko!"
Nakauwi na kami at hindi parin ako mapanatag. Hangga't nandito si Leonard, hindi ako magiging masaya!
Kailangan kong gumawa ng plano.
Tumunog ang cellphone ko...
"Humanda kana Cyrus. Sisirain ko ang buhay mo."
"Hayop ka Leonard. Tantanan mo na ako. Kundi..."
"Kundi ano? Papatayin mo ulit ako?" Humalakhak siya.
"Hinding-hindi mo na magagawa yun dahil sisiguraduhin kong ikaw ang mabibigo ngayon!" Ibinaba ko na ang tawag.
Sinusubukan niya ako. Eto na ang senyales...
Hindi ako magpapatalo. Papatayin kitang muli... Leonard!
++ A U T H O R's N O T E ++
Magkapatid po talaga si Leonard at Cyrus. Abangan nalang yung buong kwento ng buhay ni Cyrus. Dun nyo malalaman lahat.
Salamat po sa mga patuloy na sumusuporta. :-)
BINABASA MO ANG
Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)
Teen FictionAng kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalaga? Sino nga ba ang mas may karapatan? Si Bestfriend? O Boyfriend? FACEBOOK PUBLISHED: MARCH-MAY 2015 WATTPAD PUBLISHED: JUN 2015 - MAY 2016 REVISED: JA...