Chapter 15

108 19 2
                                    

"Oy Love! Kanina ka pa nag-oout of space ah!" Sabi ni michael habang hinihila ang buhok ko. Tinignan ko naman siya ng masama atsaka humigop sa caramel frappe ko. Yea, Asa cafeteria kami ngayon dahil recess. Masyadong puno sa Canteen eh, tsaka wala sila Seth at Hiery. Syempre kahit asa cafteria ako, sumisegway ako sa pagtingin kay Seth at kay HeiryParrot. Eh kaso mukhang dumamo nanaman yata.

Ewan ko ba sa ex ko, kung bakit ipag papalit na nga lanh ako doon pa sa mukhang tuko.

"Wala lang. Masama bang mag out of space paminsan-minsan?! Ikaw try mo, tas wag kana bumalik dito." Sabi ko sabay irap sakanya. Minsan talaga masasapak ko na tong baklang to e sa pangungulit at kakatawag ng love sakin e, pero gwapo naman kaya hayaan ko nalang, Bakla nga lang.

Bakit ganun? Kung sino pa ang mga gwapo sa mundo yun pa mga bakla, kung sino pa mga pangit sa mundo yun pa ang natira. -.-

"Ang maldita mo love. Inaaway mo ako." Sabi niya sabay harap kay shiira tska kay Lys at nag pout. Kahit sa kasuloksulukan ng mata ko kita ko na nakasimangot siya. Minsan talaga napapaisip ako sa pag ka clingy ng baklang to, siguro kung lalaki to napag kamalan ko ng may gusto to saakin. Tinuon ko naman ang pansin ko kay Lys at shiira na parang kinikilig.

"Oy, Lys maalala ko nga pala. Sino yung Mickey kagabi na sinasabi mo?" Bigla namang lumabas yun sa bibig ko. Mickey? Wala naman akong kilala nun dito e. Tinignan ko si Lys na siyang namutla nung tinanong ko siya kung sino si Mickey. Nag katinginan naman kami ni Shiira na naka kunot ang noo at sabay sabay kaming napatingin kay Michael. Michael? MICKEY? SA DISNEY?

"Oy baklita! Don't tell me na ikaw yung Mickey?" Hinampas ko siya ng libro ko sa Science para damang dama niya. Napa tawa naman sila dahil nag aaaray si Michael.

"Yes. And you're my Minnie." What?! What? Wait? Teka? Uh-uh? You know what is it? Mickey-Minnie Mickey-Minnie Mickey-Minnie UH!

"WHAT?!" sigaw ni Shiira habang nakakunot ang noo. Halata naman ang pag seselos niya nung sinabi ni Michael na ako ang Minnie niya.

Ano to?! DISNEYLAND?! Si Shiira ay si Bruno tas si Lyline si Goofy? Pano nalang sila Seth at Hiery? SI DONALD DUCK AT DAISY?! HAHAHA. Rap nalang oh!

"Maka react ka naman Shiira kala mo girlfriend ka." Sabi niya sabay tapik sakanya ni Lys. Ewan ko ba ba't naging mag ka close tong dalawang to na di ko alam kung papano. Basta pag pasok ko kanina nag kausap sila samantalang ako dumiretsyo na sa classroom.

"Masama ba? Eh nag seselos ako!" Sigaw naman ni Shiira na nakakuha ng atensyon ng mga tao sa Canteen. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Maldita Mode is On beybeh!

"Nag seselos ka eh kaibigan ka lang naman niya." Sabi ko sakanya sabay higop ulit sa Caramel frappe ko.

Tila nanigas naman sa kinauupuan niya si Shiira dahil sa salitang ibinato ko sakanya.

"Hmm.. Bumaon yung salita ko ano?" Pag tapos ko inumin ang Caramel frappe ko pinunasan ko ang labi ko at tsaka nangalumbaba sa lamesa.

"Tama na nga yan! Love, kaya ako pumunta sa mansyon niyo kahapon para sabihing manuod ka ng laban namin sa football tomorrow." Football player siya? Bakla siya di ba? Nakuha pang sumali sa laro ng nga lalaki para chumansing =__= mga bakla ngayon, masyadong ginagamit utak sa taas kesa sa baba.

"Oh tapos? Pwede namang itext, pumunta pa sa mansyon. Ano pala purpose ng cellphone mo?" Tanong ko sakanya habang naka taas ang kaliwang kilay.

"Eh wala akong load." Sabi niya ng naka pout.

"So? Para saan ang pera mo? Pang display sa wallet mo?" Sabay higop ulit sa Caramel frappe ko.

"Eh wala ding tindahan."

"Poorkid, hindi naka plan." Sabay sabay naman kaming nag tawanan.

Pag tapos non, isang babae ang naka kuha ng atensyon ko na nakasuot ng manipis na sando at kita na ang pula niyang bra at napakaikling short kulang nalang ay mag panty with matching killer heels pa.

Kailan pa nag karoon ng bikini contest sa school na ito? At lalong kailan pa magiging contestant ang mga lamang dagat?

Sinundan naman nila Michael ang tinitignan kong babae na mukhang prostitute sa suot.

"Girlfriend ni Seth yan." Sabi ni Michael na ikinangiti ko naman. Gusto ko sanang sabihin, Oo alam ko actually since graduation ng grade 6. Kaso na wala ako sa mood makipag kwentuhan.

"Hindi ka na nasasaktan?" Lumingon naman saamin sina Lys at Shiira habang naka tingin padin ako kay Hiery. Binalik ko ang tingin, sakanila at nakita ang nagtatanong na mukha ni Shiira.

"It's been 2 years you know? Ba't pa ako masasaktan?" Sinungaling. Sa totoo niyan medyo nasasaktan pa ako. Kaya nga gusto kong mag higanti e, gusto kong mahalin ng kaunti si Seth dahil hindi ako magaling mag panggap. Im not good at pretending that I'm okay and that I don't love him anymore.

Ngumiti ako sakanila, yung paborito kong ngiti na kahit sino hindi malalaman na nag sisinungaling ako.

"Talaga? Hindi kana nasasaktan? Eh ba't higpit ng hawak mo diyan sa Caramel frappe mo?" Tanong ni Lys.

Napatingin naman ako sa lalagyan ng Caramel frappe ko na matatapon na sa sobrang higpit ng pag kakahawak ko. Oh diba? Like what i've said. I'm not good at pretending. Kaya dun ako nababasa ng mga taong nakakasama ko.

"Eh? wala. Chinecheck ko lang kung may laman pa ba. Bakit?! Bawal ba?!" DAFAQ na palusot Louise!-.-

"Pwede namang tignan te! Hinawakan pa ng maigi." Sabi ni Shiira sabay ngisi. Eh kung tanggalin ko kaya labi nito ng di na ngumiti-ngiti?!

Pagtapos non hindi na ako sumagot dahil nawalan na ako ng gana. Hanggang sa naubos na namin lahat ang inorder naming Apat.

Habang masarap ang kainan ulit namin. Bigla nalang may sumuntok sa table namin at napatapon ang Caramel frappe ko na hanggang ngayon hindi padin ubos. Nang init ang ulo ko dahil favorite ko yung frappe na yon, Tumingala ako at nakita ang mata niya na puno ng halong emosyon.

---------

A/n: Hello Little Louise!^-^ jk. HAHAHAHAHA. Thanks for supporting me. Sana patuloy niyong supportahan to. ♥ wala na. Ayaw ko na ng sched. Hahahahahhaha.

#Jcsls

The REVENGE (EDITING AND ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon