Chapter 28

62 12 4
                                    

3rd person's POV

Habang naka higa ang dalaga na walang malay. Nag uusap ang dalawang lalaki na kumuha sa kanya sa harapan ng pinto niya para mabantayan kung makatas ang dalaga.

"Magagalit kaya siya sa atin?" Tanong ng binatang may kulay dilaw na buhok habang nag ratap ng paa sa sahig

"Gago ka ba? Malamang oo! Sino ba naman ang hindi magagalit kung kinidnap hindi ba? Tss." Sagot naman ng lalaking may kulay asul na buhok sa lalaking dilaw ang buhok pagtapos batukan.

"Ang sadista mo! Isusumbong kita!" Naka pout na sabi ng dilaw na buhok sa kaibigan niya.

"Ang tanga mo kasi! Utak sa taas ang ginagamit hindi sa gitna o talampakan." Sabi ng lalaking asul ang buhok.

Patuloy lang silang nag sasagutan hanggang sa magising ang dalaga sa loob ng kwarto dahil sa bangayan ng dalawang lalaki.

Idinilat dahan dahan ng dalaga ang mga mata niya nang masilaw siya sa ilaw pumikit siya agad saka ginusot ang mata. Inamoy niya ang paligid saka dumilat muli. Sa pag amoy niya isang hindi pamilyar na amoy ang na langhap niya.

A very manly scent.. at hindi niya kwarto.

Sinubukan niyang maka tayo kaso nabigo siya dahil doon niya lang napagtanto na naka kadena ang parehas na kamay niya sa mag kabilang pagitan ng head board.

Doon lang bumalik sa isip niya ang mga nang yari kanina. Na kinuha siya ng mga kidnaper sa bahay niya.

'Anong gagawin nila sa akin? Wala naman ang kaaway o kung anoman! Unless..'

"Ahhhh! Rape rape!" Pag wawala niya dahil sa akalaing rape ang gagawin sakanya.

Nagsipasok ang dalawang binata sa loob ng kwarto saka nag hanap hanap ng tao sa loob maliban sa kanila dahil sumugaw ng 'rape' ang dalaga.

"Asan?! Asan?!" Pag sisigaw ng lalaking may dilaw na buhok habang tinitignan ang ilalim ng kama.

"Asan ang rapist?!" Sigaw ng lalaking may asul na buhok habang hinahawakan ang bintana na may plywood kung matibay ba at hindi na alis.

Tila natigilan naman ang dalaga ng makita ang dalawang lalaki na abalang abala sa pag hahanap ng rapist.

"Kayo?!" Turo ng dalaga habang naka kadena ang mga kamay niya.

Nagsi tinginan naman ang mag kaibigan saka tumingin ulit sa dalaga.

"Oo kami nga." Sabay na sabi ng dalawa.

"Ba't ako nandito?!" Sigaw ng dalaga sa dalawa.

Pinag dikit ng dalaga ang mga binti niya dahil sa ginawa niyang iyon doon niya lang napagtanto na iba na ang suot niya. Ang pantulog na damit ay naging maluwag na pantulog ng lalaki.

"Eh--"

Naputol ang sasabihin ng lalaking kulay dilaw ang buhok ng sumingit ang kaibigan niya.

"Utos iyon ni Kenji." Sabat ng asul ang buhok.

'Si kenji may pakana nitong kidnapping?!" Sabi ng dalaga sa isip niya.

"Bakit naman daw?! Saka ba't ba ako naka kadena! Hindi naman ako aso ah!" Pag mamaktol niya.

"Kasi gusto niyang masagot mo na agad yung inoffer niya sayo." Sabi ng asul ang buhok.

"Hindi ka nga aso, pero pag nakawala ka diyan para kang mangangat ng tao!" Naka pout na sabi ng dilaw ng buhok.

Napa simangot naman ang dalaga sa sinabi ng dilaw na buhok. Pinipilit niyang pumiglas pero hindi siya makawala.

The REVENGE (EDITING AND ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon