Chapter 18

96 13 6
                                    

K/N: Siguro mas maganda na ang chapter na ito ngayon. (SANA NGA)

Angelo's POV

"Dude! Ba't mo ako hinugot? Alam mo bang kakausapin ko pa si Louise?! Alam mo ba yung salitang epal?"

Gusto ko sanang sabihing 'Dude na una ako kay Louise' kaya lang hinayaan ko nalang at ngumiti sakanya ng nakaka loko. Tsaka ayaw ko din ng away baka mamaya ma baog kaming dalawa, eh di sayang ang gandang lalaki naming parehas?

"Oh, si Mr. Ferrer nagagalit dahil lang doon?" Naka ngisi lang ako sakanya habang siya naka tingin sa malayo na parang ang daming iniisip.

"Nakita mo naman siguro na si Michael ang kausap niya. At siguro naman naramdaman mong ayaw ka niyang makausap hindi ba? Now, Alam mo ba ang salitang epal?" Naka ngisi kong tanong habang papunta kami sa locker nila.

Tinanggal niya ang braso kong naka akbay sakanya at lumayo sa'kin ng kakaunti.

Humabol ako sakanya pero mas lalong binilisan niya ang takbo niya. Hindi ko alam kung excited ba siya sa mga babae o sadyang galit lang siya sa'kin.

Nang makarating na kami don ay naka busangot parin ito na kala mo natamaan ng bola sa mukha.

Pumwesto siya sa upuan at doon tinungga ang alak samantalang ako ay dumiretso kila Dylan na ngayon ay nag tatawanan maliban kay Jeff.

"Oh! Ang mga malilibog narito na pala!" Kumaway kaway ako at pinag tinginan nila ako ng matalim yung tipong kung kutsilyo lang mata nila matagal ka nang naging pata!

"Gwapo naman!" Sigaw nilang tatlo sa akin.

Inakbayan ko naman si Lawrence na umiinom ng Red horse.

"Babe? Miss me?" Malandi kong tanong sa kanya st inamoy amoy ko pa ang leeg niya.

Sa lahat ng mag trotropa itong si Lawrence Singkit ang kaclose ko. Bukod kasi aa Childhood friend ko siya. Si Lawrence din ang kapartner ko sa kalokohan. Bukod partner sa kalokohan, kabanda ko din siya sa SkyLar.

"Tumigil ka nga! Baka pag hindi mo pa tigilan yan matuluyan na ako ng dahil sayo!" Sigaw niya sa akin.

"Matuluyan saan? Mahulog sa akin? don't you know that I'm always ready to catch you?" Mapang asar kong tanong ko sakanya.

"Hindi! Matuluyang mag pakamatay! I'd rather die than to love you gag*!" Binatukan niya ako dahilan para matapon ang sa damit ko ang alak.

"Hahaha!" Nag tawanan sila Dylan at Jeff.

"Babe naman! Dapat sinabi mo nalang mag hubad ako ng t-shirt ko hindi yung dadaanin mo pa sa alak." Malambing kong sabi sakanya na ikinatawa niya.

"Ba't ba hyper ka huh?" Tanong ni Lawrence habang umiinom ng alak at tila hindi narinig ang sinabi ko.

"Naka-usap ko kasi siya!" Masaya kong tugon.

"Who? Si Dream Girl mo?"

Dream girl? Yes i have that. Bakit? Masama bang mag karoon ng dream girl ang play boy? Ang sumagot ng 'hindi' rarapin ako!

"Yep! But she's with someone else..." malungkot kong sabi.

"Uhhhhh. How sad!" Ngumuso silang lahat na parang na aawa sa akin pero tangin irap lang ang nakuha nila sa akin.

Do you know who's the girl is? The girl who gave me a black rose in the first day we've met.

-

Lou's POV

Makalipas ang maraming oras. Ngayon ko lang na pagtanto na nag spaspace out nanaman ako. Tinignan ko ang paligid ko na wala ng katao-tao maski isa Kundi ako lang. Inayos ko na ang bag ko at nag suklay muna ng buhok bago umuwi.

Nang makarating na ako sa parking lot kinuha ko ang susi at pumasok na ako sa Jaguar kong dala.

Nang pinapa takbo ko na ang kotse ko malayo-layo sa school nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nag lalakad ng pagewang-gewang.

Mukhang lasing yata?

Inihinto ko ang kotse ko at bumaba. Sinundan ko ang lalaking di ko kakilala dahil gusto ng mga paa ko. Ewan, kailan pa kaya lumipat ang utak sa talampakan? Hayy.

Nagulat ako ng bigla itong huminto dahilan para huminto din ako sa kinatatayuan ko dahil akala ko ay naramdaman niya ang pag sunod ko sakanya. Pero mas ikinagulat ko ay ang pag bagsak nito sa lupa at agad ko naman nasalo ang ulo niya gamit ang kanang kamay ko.

Napadapa ako sa lupa at siya naman ay nakahigang naka talikod sa'akin. Dahan-dahan kong ipinaharap sa'akin ang kanyang mukha na maamong nakapikit dahil siguro sa kalasingan. Na patitig ako sa mapula pula at maninipis niyang labi na para bang nang aakit.

'Stop what you're thinking louise..'

-----

A/n: HELLO! KAWAY KAWAY! HAHAHAHAHA. SANA PO SUPORTAHAN NIYO PADIN AKO ♥ Kru Kru Kru!^-^

#yuh

The REVENGE (EDITING AND ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon