Chapter 1

266 26 22
                                    

A/n: Mendez na po ang Middle name nila Louise at Lyline. :) Thanks! ^-^
--

Lou's POV

"Señorita. Umaga na po. Kailangan niyo pa ho pumasok sa University." Sabi ng isang maid namin habang ina-ayos ang mga nakakalat kong damit sa lapag. Dahan-dahan kong i-minulat ang magaganda kong mata. Ang ganda ng araw at ang mga kulay asul na ulap.

"Ay Ate ming, dyan nalang po yung laptop ko sa bag. Sorry po kung naka-kalat." Sabi ko habang nakaupo sa kama. Hinawakan ko ang right temple ko para hilutin. Hang over nanaman ako. Dahil sa party kagabi.

"Ay nako señorita! Ayus lang! Kaya nga po may maid e, para taga ligpit at taga ayos." Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil totoo. Pero kasing age ko lang sya halos at para sakin, Para ko siyang ate. 17 ako 19 siya. Maganda naman siya. Tan skin, pointed nose and almond eye. Dagdag pa natin ang napaka itim niyang buhok at balin-kinitang katawan. Habang napapaisip ang mga yon, di ko napansin na kinakalabit na pala niya ako.

"Señora? Kanina pa po kita tinatawag may problema ba?" Ngitian ko siya ng matamis at agad na punta sa banyo upang maligo. Pagtapos ko maligo, nagbihis ako at tinawag si Ate ming.

"Señora, bat niyo po ako napatawag?" Tanong niya sakin habang naka-yuko.

"Ate ming naman. Kahit wag na señora! Pangalan ko nalang." Sabi ko sakanya habang naka-ngiti.

"O'sige, Zey." Zey.. Natatandaan ko pa noon.. yan yung tawag niya sakin. Hinawakan ko ang balikat ni Ate ming at sinabing aalis kaming dalawa kaya kailangan niyang mag damit pang alis.

Pag tapos niya mag-bihis pumasok na kami sa Cadillac ko. Habang pinapaharurot ko ang kotse di ko mapigilang di matawa sa reaksyon ni Ate ming. Pano ba naman kasi, Nananalangin na wag daw muna siyang kunin. Haha.

Huminto kami sa tapat ng isang sikat na Beauty Salon. Nagtatakang tumingin saakin si Ate ming.

"Mag papaganda kapa? Maganda ka naman na ah?" Sabi niya habang nakatingin sa mataas na building. Bukod kasi sa Beauty salon to e, Condominium din. Tumingin ako sakanya sanhi na tumigim din siya saakin.

"Hindi ako. Alam ko ng maganda ako, Ikaw ang tinutukoy ko." Sabi ko sabay ngiti. Bigla namang nag nining ang mga mata niya. Papasok nalang kami sa loob, Thank you padin siya ng Thank you. Natatawa nalang ako kasi para siyang siraulo na nag bobow ng paulit ulit.

Pag katapos kong kausapin si Timi na kaibigan ko e, pinaupo ko na si Ate ming. Madami akong sinabi kay Timi, kesho Ahitan siya ng kilay, Kulayan ang buhok at lagyan ng style ang buhok niyang pantay at madami pa. At syempre dahil sikat akong Model sa Korea, Philippines at sa Iba pa, Pinaprivate ko ang Salon.

Habang pinapanuod ko si Ate ming na inaayusan nakikita ko ang ngiti niya na sobrang ganda. Don't get me wrong. She's really pretty and I love her like my bunso. I have a sister, Si Lyline Ash Santiago. She's a only 17 years old. Kamukha niya si Daddy at ako naman kamukha si Mommy. Magaganda at Gwapo lahi namin! Di tulad nila Hiery! Na mukhang malansang isda sa kanto.

Tumunog ang bell na ibig sabihin may pumasok. Tinigna ko kung sino ang taong pumasok e naka private kami ngayon. Nagulat ako sa dalawang tao na ngayon ay papalapit sa akin.

Hiery...

And?

Seth..

I still remember their faces. Specially yung pang ginawa nila sa akin. Tinignan ko si Hiery na mukhang hindi na ako na-mumukhaan, ngumisi ako.

"Hi Hiery! It's been a long year, Right?" Tumayo ako at niyakap siya. Well di naman kami close noon pero syempre kunware close kami kahit lagi niya akong binubully.

The REVENGE (EDITING AND ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon