Chapter 36

68 12 1
                                    

          Matapos ang pang-yayaring iyon bumalik na sa normal ang lahat. Wala na ang nag-tataasang pader ng 'Killer's Maze' sa field at nag-kamalay na si Rim. Nai-dala na din si Hiery sa hospital kasama si Seth. Sila Akumi naman pina-kalma si Kou na hanggang sa ngayon ay nasa classroom namin.

          Habang ako andito sa rooftop. Nag-iisa. Dapat nag-sasaya pero parang walang nang-yari it's like today is just a normal day. Dapat nga maging masaya ako dahil nanalo na ako sa lahat. Pero bakit parang may kulang at mali?

         Habang nag-mumuni-muni ako na kuha ng atensyon ko ang isang gitara na nasa isang sulok. Gitara na halatang luma ng naka-tambak doon dahil na babalatan na ang ibang bahagi nito. Lumakad ako saka dinampot ang kulay itim na gitara. Nag-try akong i-strum saka tumingin sa makulim-lim na langit.

         Uulan kaya?

         The weather today is like me. Hindi sigurado kung uulan o hindi. Ako naman hindi sigurado kung malungkot o masaya. Bakit? Bakit hindi ko makuhang maging masaya ngayong napa-mukha ko na sakanila ang salitang masaktan? Ang salitang tanga?

         Nag-kulang ba ako para hindi pa sila mag-dusa at mag-makaawa?

        Pumikit ako saka pina-kinggan ang kulog sa itaas ng langit.

        Ngayon alam ko na...

        Katulad ng langit ganto din ang nararamdaman ko ngayon. Ang kulog ang nag-sisilbing galit sa aking puso habang ang ulan naman ay ang luhang pumapatak ngayon sa mga mata ko.

        Titila din kaya?

        Ngumiti ako saka minulat ang mga mata. Sana sa pag-tila ng ulan kasabay din non ang mga ala-alang masasakit na meron ako ngayon at noon. I started to strum the guitar and sing with all my heart.

       I remember tears streaming down your face.

       When I said, " I'll never let you go "

       When all those shadows almost killed your light.

      I remember you said, "don't leave me here alone."

     But all that's dead, gone and passed tonight..

     Naaalala mo pa kaya nung araw na umiyak ka sa harapan ko dahil iniwan kayo ng tatay mo? Sinabi ko sayong hindi kita iiwan kahit anong mang-yari. Kasi mahal kita e. Maski uminom nga lang ng tubig sa canteen hinu-hugot mo pa ako kasi mas gusto mo sa likod ng GYM. Ngayon kaya? Naaalala mo pa 'yon ngayon?

        Just close your eyes

        The sun is going down

        You'll be alright

        No one can hurt you now

        Come morning light

        You and I'll be safe and sound.

        Eh yung nga araw na sinabihan mo ako ng 'Balang araw mawawala din ang mga 'yan?' Tapos bigla-bigla ka na lang susulpot kapag umi-iyak ako sa isang sulok. Pinu-punasan mo yung mga luhang duma-daloy sa mga mata ko. Mang-yayari pa kaya iyon ngayon? Habang sinasabi mo yung katagang 'Ayos lang yan. Malilimutan mo din 'yan.' Sa tingin mo ba kapag sinabi mo ulit 'yan mawawala na ang galit na meron sa puso ko?

       Don't you dare look out your window darling

        Everything's on fire

The REVENGE (EDITING AND ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon