CHAPTER 33 [KISSING SCENE]

243 5 0
                                    


CHAPTER 33

Keipth's POV

Days had passed, okay naman. Mag-oone month na kami sa next day. Feb 3 yie! Busy siya sa kakabasa ng mga Script niya. nakakapikon na nga minsan. Pero okay lang kami. Cool lang haha

Lagi ko na lang nadadatnan na nag-aaral sa kung saan-saan. Ang dami niyang namimiss na lecture, talagang desidido siyang maging Top 1. Eto ang nakakagulat! Nagsusuot na siya ng eye-glass. Cute nga e

Umupo ako sa seat ko. At katulad ng dating pwesto nasa likod ko siya. Napansin niya na tinititigan ko siya ng malagkit
"Boo, ano tinitingin-tingin mo?" tanong niya
"Ikaw, Para ka ng yung kakambal ko" tinutukoy ko si Kurt. HAHA "Tsk" Nagbasa ulit siya. Tingin ko nakakaistorbo na ako sa pag-aaral niya. Humarap na lang ulit ako sa board na umub-ob sa desk

"Practice mamaya ng kissing scene" nung pagkasabi niya nun humarap ako sakanya sabay patong ng kamay ko sa desk niya!
ARG! Practice ng kissing scene!??? Ano toh lokohan!

"HOY! PEREZ! Bakit kailangan pa ng practice!?" tanong ko, medyo nagulat siya sa pagtawag ko sakanya ng Perez matagal-tagal na din kasi

"Oo" he said sabay sout ulit ng eyeglass niya at nagbasa ng libro. "PEREZ!" ginamit ko na ang warning tone ko. Pero hindi niya parin ako tinitignan "Kaasar!" humarap na lang ulit ako sa desk ko at pinagkakalmot ito.

Naiinis ako! Paano kung umabot ng 50 times ang practice nila ng kiss na yun? Ang swerte naman ata ni Jasmine Hriferd! Hindi kaya malaspag nguso nila.

"Boo" kulbit niya
"ANO!?" gusto ko magmura! Tuta! sheet! Pakyow! Beach! Pakiesheet! GHAGHO, TANGNA! AH!

"Yan na nga ba ang sinasabi ko, magagalit ka" sabi niya, napaka amo ng boses niya. Pasakan ko kaya ng megaphone ang throat niya!?
"Psh, galit ba ako? hindi naman diba?" hindi ako galit noh,

Bigla na lang may dumating na epal, Sino pa ba? edi si Lewie the Gwiyomi Girl.

"Hi, Guys! Oh nakabusangot si Keipth, Ano nangyari?" tanong ni Lewie kay Sid. Hindi siya pinansin ni Sid kaya ako na lang ang kinulit niya.

"LQ? wei! ang sweet naman" kilig-kilig pa siya. Anong sweet sa LQ?

"Hindi noh, bakit kasi kailangan pang practice'in yun kissing scene na yun" bulong ko sa sarili ko. ARG! Sid nakakainis ka, wala man lang ba? na....
'BOO, WAG KA MAGALIT, NASAYO NAMAN ANG FIRST KISS KO E' or 'Okay SIGE NA, WALA NG KISSING SCENE PRACTICE' or 'WAG KA NA MAGALIT BOO, MAHAL KAYA KITA'

Pfft, hindi talaga magaling mang-amo tong si Perez

Biglang nang-asar si Lewie"Ano iniisip mo? Siguro si Jasper noh, Yung mga araw na pinagsamahan niyo tapos kinukumpara mo siya kay Sid tapos----" agad ko siya binato ng ballpen! Paalala pa ang nakaraan.
Tumingin ako kay Sid at ang sama ng tingin niya sakin with his eyeglass. Gulp

Sid sighed

"Sige na nga pwede ka ng sumama sa practice sa club"

teka? totoo ba toh? Hindi naman yun ang gusto ko e. Pero okay na din ^_^

Pagkatapos ng class hour at uwian na! Syempre kasama ko ang Boo ko. "Basta wag ka magseselos kapag nakita mo kaming nagpractice huh" tinanggal na niya yung eyeglass niya at sinabit sa polo niya
"Wew! Basta smack lang ha! Bawal yung hard kiss! or yung---"
"Alam ko na yan. Tsk Selosa pala ang girlfriend ko =__=" he grumbled. Selosa talaga ako!

"Wag kang umarte ng sobrang galing ha, baka mamaya maniwala na lang ako bigla" hinawakan niya yung kamay ko at lalong binilisan ang paglakad "Sorry, pero kailangan kong galingan" he chuckled. Talagang gusto niyang maging Top 1 ng year level namin. Si Chard (class A) kasi yung kaagaw niya sa position.

You are the meaning of Love (A teen Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon