Intro

1.1K 14 2
                                    

"Nakakanosebleed naman yung Pocket book ni Kurt!! Mukha tuloy akong nagkatagos sa mukha!!" Reklamo ni Lewie

Siya na nga lang ang nangheheram siya pa ang may gana magreklamo.

"Gusto mo napkin?" tanong ko kay Lewie

Siya si Lewie laging may tagos sa mukha! I mean Lewie Cruz, babae siya! Hindi lang halata gawa ng medyo macho siya at may bigote pa!

"Yuck! Duh! Bakit napkin?! Magtitiis na lang ako!" sabi nya

Ano naman ang nakakadiri sa napkin? Baka akala nya femine Napkin? Duh?

"Ohh *abot ng napkin* ano akala mo yung tinatapal?" tanong ko

"Thanks!! Nangangati na kasi ang ilong ko puro kulangot!"

Siguro ang lalaki ng kulangot nito ang kati daw eh

"Keipth!! *abot ng pocket book* Ayaw ko ng english! Magbabasa na lang ako ng FHM" sabay kalkal ng bag niya.

Wag nyang sabihin na may FHM nga siyang dala.

"Hoy! Wag ka nga maglabas ng ganung magazine!! ANIME magazine na lang matutuwa pa ako!" sabi ko, habang hawak-hawak ko ang kamay nya. Yuck! Kakakulangot lang pala nitong babaeng to!

Binatukan niya ako bigla, ang malala yung kamay niyang pinangkulangot niya. "OA?! OA lang teh?? Hinahanap ko ang tissue ko 'no at hindi ko alam kung saan ko ipapahid ang kulangot ko!"

O_O Yung kulangot nya nasa daliri nya pa! Tapos luckily hawak-hawak ko ang kamay nya! Holy boger! Ang swerte ko naman! Agad kong binitawang ang kanyang nakakadiring kamay with kulangot.



*** PAUSE***

Ako nga pala si Keipth Rchistlle, 3rd year Junior, 15 yrs young, Adik ako sa anime as in ADIK parang drugs, aminin niyo man sa hindi nakaka adik talaga *drools* naging anime pusher nga ako eh, pero kay Lewie lang ata umeffect.

Ang itsura ko ay:

Long hair!! Ayaw na ayaw ko tong pagupitan dahil sa anime fan ako kaya katulad ng mga anime na mahahaba ang buhok. Normal Height hindi naman ako mukhang kapre. Kayumanggi. YUNG LANG SIGURO kung tinatanong nyo kung maganda ako or hindi, masasabi ko na lang na pwede daw ako maging cosplayer!! Dahil cute ako. I'm not bragging, but I am. HEHEHE! *u*

*** CONTINUE***



Lunch ngayon kaya wala ang mga hinayupak kong mababahong classmate!! Class 2 pala kami it means kami yung pumapangalawa sa Class 1, obvious naman di ba?

"Uhmm... Nasaan si Kurt?" tanong ni Kevin na bigla-bigla na lang lumilitaw transferee nung isang linggo lang.

"Nasa puso ko Kevin!! Kung gusto mo pumasok ka na din para masama ka na sa dugo ko at patayin ka ng white bloodcells ko." Sarcastic na sagot ni Lewie, kapal ng mukha 'no! Wala na ako magagawa sa ganya na siya eh.

"SC room." sagot ko

Hindi ko kaclose si Kevin pero si Kurt kaclose nya! Sa bahay namin yan nakatira si Kevin, Dahil sa Pinsan namin siya at totally homeless siya.

At umalis na sya! Wala man lang thank you? Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may kamag-anak ako na ganyan kabastos walang etiquette.

"Kabote ba yun?" tanong ko

"Hindi pinsan mo yun 'no!" sarcastic na sagot ni Lewie.

Isa pa 'to, hindi ko maintindihan kung bakit ko kaibigan ang isang 'to.

Nagdatingan na ang mga classmate namin dahil malapit na rin siguro magclass kaya umayos na kami ng upo at pati ang table namin pero yung itsura ng mga kaklase ko--Oh my! Hindi parin maayos. Yung mga table at chairs namin inspired sa japan, kaya pinilit ko sila mom at dad na dito na kami maghighschool ni Kurt. And speaking of Kurt dumating narin sya, at dahil kakambal ko sya magkalapit lang ang seats namin.

Kambal kami kaya magkaapelido din kami. Halata naman di ba?

"Pssstttt! Ano kamusta na ang SC meeting?" tanong ko.

"Okay lang." sagot niya sakin, kakambal ko talaga to! Maniwala kayo! Kakambal ko 'to hindi lang halata dahil tahimik siya sa school- takot ata siya sa blackboard kaya ganun .

"Oh pocket book mo" sabay abot.

"Teka lang, bakit parang may basa-basa?" tanong niya habang pinagmamasdan ang pocket book niya.

O_O

Anak ng Pader naman oh! Agad kong tiningnan si Lewie at binigyan ko siya ng napakatindig balahibong glare at yung loka parang natatanga sa Glare ko! Bakit daw tanong nya. Nilapitan ko naman siya sa table niya at iniwan ko si Kurt na nagtataka.

"Bakit ansama ng tingin mo?!" tanong sakin nung tangang Lewie.

"Sino ang hindi sasama ang tingin! Kung yung pocket book ni Kurt ay may sipon or kulangot mo!!" bulong ko dahil malapit lang si Kurt.

Pagnalaman ni Kurt na kulangot yun or sipon!! Naku hindi na ako makakaheram!!

"WTF!! Oh punasan mo bilis! Baka hindi ko na maamoy ang kanyang mahalimuyak na amoy sa pocket book." sabay abot saking ng isang damakmak na tissue

"Luka!! Konti lang! Ano ba ang tingin mo sa kulangot mo? Mancha? Regla?"tanong ko

At umalis na ako at agad na bumalik sa upuan ko,

"Keipth ano ba to? may lotion ka ba sa bag mo" tanong sakin ni Kurt, habang tinitingnan nya ang daliri nya.

O_O!!!! MAY SIPON NA MALAPOT SA DALIRI NYA!!!

HINDI TO PWEDE! BAKA MAPUTOL ANG DALIRI NIYA! SAYANG ANG KINABUKASAN NIYA!!

Agad ako bumalik kay Lewie at kinuha ko ulit yung mga tissue, at binalikan ko agad si Kurt! Hinablot ko agad ang wrist nya! at pinunasan ko ang kanyang mga daliri ng super tindi!!

"Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong sakin ni Kurt! Kung alam nya lang na kulangot yun!! Sure ako na magwawala rin to!

"AHH BASTA!!" sabi ko. Sabay kuha ng alcohol sa bag at binuhos ko sa daliri niya!

"Hoy! ano ba ang ginagawa mo Keipth??" tanong nanaman nya!

At dahil tapos na ako, yung pocket book naman ang pinunasan ko. Kung pwede nga lang labahan ang libro siguro kanina ko pa 'to binabad sa bleach

Dumating na ang Teacher namin, agad ko naman tinapon ang tissue na pinangpunas ko, dahil tamad ako at dahil swerte ako tinapon ko lang yun sa bintana, malapit ako sa bintana eh.

"Good Afternoon class" bati ni Ms.Chika-- mahilig kasi sa chika kaya chika na lang.

"Oh Pocket Book mo" abot ko kay Kurt.



**PAUSE***

Pakilala ko lang si Kurt

Kurt Allen Rchistlle, 3rd year junior, hindi ko madescribe ang ugali niya siguro sabihin na lang natin na 'ewan', Matalino siya pero nasa Class 2 siya dahil sakin dapat kasi nasa Class 1 siya, top 3 kasi siya sa level namin. Ayaw daw kasi nya mapalayo sakin awww... nakakatouch 'no!

Sabihin na lang natin na kambal kami pero hindi kami parehas ng utak. Bobo ako, alam ko. Wag niyo na palandakan.

Ang itsura naman nya magkamukha kami! kambal eh: Identical kasi kahit na fraternal. Gets?? HAHAHHA. Diba sabi ko sainyo bobo ako e.

Mas matangkad siya sakin (ewan ko kung bakit?)

Mas maputi siya sakin (gala kasi ako! Pero mukha parin naman ako maputi yung pagka'kayumanggi' ko ay malapit narin sa maputi)

Lagi nakaeye-glass

Student council treasurer siya!

3rd palang siya pero treasurer na siya! Ewan ko ano ang ginawa nya para maging treasurer madalas kasi 4th year e. Buhay junior high kasi.



HASSLE!

You are the meaning of Love (A teen Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon