Chapter 2 Tamang banat si Bangag

835 9 0
                                    

"Girl!! MAY ASSIGNMENT BA!??" sigaw ni Lewie papasok sa room. Oh jusko! ang ingay naman ng babaeng 'to! Natutulog yung tao eh!


"Girl may assignment ba?" tanong niya, niyugyug pa ako ng bruha. Leche naman hindi niya ba makita na kulang sa tulog yung tao?! "Wag ka nga matulog! Bakit ka ba nakaubub sa desk?!" pangungulit sakin nung bruha!!


"NAPUYAT AKO!!" sigaw ko with a hint na naiirita. 

"Hala puyat ka--may assignment ba?" tanong niya "Wala!" sabay ubob ulit ako.

"Wait lang bakit ka puyat?" tanong niya. "Dahil sa kakaisip ko sayo" sarcastic kong sinabi.

"Achiechiechieee! Siguro may boylet ka na 'no!? Sino naman yun? Chika naman girl." sabay siko sakin ng malakas, istorbo talaga oh! "Siguro....iniisip mo si Sydney" sabay pindot naman sa bewang ko, anong si Sydney? Hindi na nga ako nata---- Agad ako napaayos ng upo.

"Hoy!! Anong sinasabi mong gawa ni Perez!!?" sigaw ko.

"Owww!! Perez pala ang tawag mo kay Sydney... Bakit ayaw mong Sydney??" sabay pindot ulit sa bewang ko, nakakarami na siya ha!

"Nakakalito eh! Si Sydney yung kababata ko!! Si Perez yung nagpapakulo ng dugo ko!!" Sigaw ko, mabuti kami palang ni Lewie ang nandito kundi iisipin ng classmate ko baliw ako sa kakasigaw.

"Baliw!! Si Sydney nakababata mo at si Perez natinutukoy mo ay iisa! Heller engot ka talaga?" sabi niya.

Anu daw??? Iisa ? Ang layo naman!

"Okay ka lang? Kung si Perez yung kababata ko edi sana sinabi niya 'di ba!" Pero aaminin ko may point si Lewie pero ayaw ko nga umasa!

"Oo, okay lang ako nasa katinuan ako. Malay mo si Perez nga si-----" napahinto si Lewie sa pagsasalita ng may isang halimaw ang lumabas sa Pinto ng room. Sino pa ba? Edi yung topic naming Perez.

Pagpasok niya ang sama agad ng titig niya samin or let just say sakin lang pala. Dukitin ko kaya yung mata niya! Akala naman niya uurungan ko siya! Nilabanan ko din siya sa tingin kahit may eyebags ako GRR!

Umupo na siya sa upuan niya at luckily yung pwesto niya ay sa likod ko lang, ang swerte diba? 

"Keipth, Bakit ka may eyebags?!" tanong niya with a smirk!! Sabi na nga ba eh, kinulam ako nito pigilan nyo akomapapatay ko tong hinayupak na 'to! Wait lang paano niya nalaman ang pangalan ko?

HALA! FEELING CLOSE NA NGA MANGKUKULAM PA!

"Ayiiiieee concern si bestfriend" sabi ni Lewie, bestfriend? naku po patayin niyo na ako kung mangyayari man yun ang karumaldumal na bagay na 'yon. 

"Hindi ko siya bestfriend?!" sigaw ko! Nawawala na siguro ako sa sarili ko! "Tinatanong mo ba kung bakit ako may eyebags? Siguro dahil sa kakaisip ko kung paano kita gigilitan ng leeg! Totoo yun Perez! Gigilitan kita ng leeg!"

"Aww! Ang sweet mo talaga Keipth" nagiinasong sabi ni Lewie.

"Gigilitan mo ako ng leeg o baka iniisip mo lang talaga ako" sabi niya sabay patong ng mukha niya sa kamay niya or let just say na naka ngulungbaba siya with a smirk at nakakapanglokong tingin.

"Kapal naman ng mukha mo Perez puro kalyo na yan siguro 'no?" sabi ko habang nakalingon sakaniya sabay ubub na lang ulit.

"Hayaan mo na yan Sydney, red week kasi niya ngayon eh" bulong ni Lewie kay Perez, Paano naman niyang nasabing red week ko ngayon? Tsk!

Natulog na lang ako 

* * * * * * 

"Keipth, gising na! parating na si Miss,"

You are the meaning of Love (A teen Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon