CHAPTER 9

5.4K 261 39
                                    

Nagising ako sa ingay ng ringtone ng phone ko, nakapikit ko itong sinagot at inilagay sa loud speaker.

"Hoy babae! Nandito kami sa condo mo, Bakit wala kapa?" sigaw ni Phoebe sa kabilang linya.

"Hindi pa ako umuuwi, obvious ba?" sagot ko habang nanatiling nakapikit, pagod ako hind ba pwedeng matulog muna.

"Nasaan kaba? Oras na at sigurado akong tapos na training niyo. Kasama mo ba si Grace?"

"Nandito ako kay mommy ko, si Grace umuwi na kanina pa" sagot ko naman sakaniya.

"Tanga bawal ka sa langit pano mo mapupuntahan si tita?"

Sakit mo sa atay.

"Ang foul naman nyang bibig mo! Nandito ako sa office ng girlfriend ko wag ka maingay baka magalit"

"Tanga! Anong girlfriend ka dyan? Akala ko ba straight ka?" maka tanga naman 'to.

"Hala anong sabi mo? Baby loves sugar plum pinag papalit mo na ba ako?!" sigaw si Daphne na kasama ni Phoebe. Kadiri naman.

"Bahala nga kayo dyan natutulog ako nambubulabog kayo!" sabi ko at ibinaba na ang call.

Pagkatingin ko sa table ni Ma'am Romualdes ay nanlaki ang mga mata ko na makita si Sir Alexander na nakangising naka tingin sa'kin.

'Hala potangina? Bakit siya nandito?' tanong ko sa sarili ko, nakatulog kasi ako dito sa sofa na nasa office ni Ma'am habang hinihintay ko siya na matapos sa ginagawa niya.

"I didn't know you have a pretty girlfriend here, Clio." natatawang sabi niya kay Ma'am Romualdes na ngayon ay masama na ang tingin sa'kin.

Patay.

"Hala hehe hindi po, nag bibiro lang po ako" sabi ko sa kaniya dahil baka masakal pa ako nitong magandang babae na naka tingin sa'kin.

Sa kama lang ako papayag na masakal. walang halong charot che!

"Ay ganon ba? Sayang naman at gusto pa naman sana kita agad para sa anak ko" wait what? Para akong nabingi sa narinig ko.

"Ha?! Anak niyo po si Ma'am sungit?" gulat na sigaw ko na ikinatawa niya.

"Yes! she's my one and only child, Clio" natatawang sabi niya at proud na itinuro si Ma'am Romualdes.

"Oh by the way, Clio. She's the one I'm talking about. Siya yung tumulong sa'kin kanina sa corridor." tinanguan lang siya ni Ma'am Clio.

"So kamusta naman ang anak ko bilang professor mo, Selene?"

"Magaling po mag turo si Ma'am Romualdes! Kahit nakikita niyo po na ang sungit sungit lagi, Sir" papuri ko na may halong pag susumbong. Totoo naman ha! Para siyang lagi may dalaw.

"Oh dear, drop the 'Sir' just call me Tito Wise"

"Ok po Daddy"

Ok, feeling close agad tayo.

"HaHaHaHa i like this young lady, Clio" oh pak! Plus points agad tayo kay Daddy Wise.

"Do you want to eat dinner with us Dad?" sabi ni Ma'am Romualdes pagkatapos tignan yung wrist watch niya.

"Alright, I'll come. nagugutom na rin ako." pag sang ayon ni Tito Wise at isinuot na ang coat niya.

_

Nandito kami ngayon sa VIP room ng Japanese restaurant na kinainan namin noon ni Ma'am Romualdes, halatang suki sila dito dahil kilala na sila ng waiter.

"So Selene tell me about yourself, Where's your parents?" tanong ni Tito Wise habang kumakain.

"Ah si Daddy po nasa states kasama po ng family niya, ako lang po mag-isa naka-tira sa condo." sabi ko sa kaniya sabay ngumiti.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now