CHAPTER 20

5.2K 206 45
                                    

Inaya ko si Daddy na rito nalang sa may parking lot mag usap, dahil alam ko na kung ano ang gusto niya. Ayaw ko rin naman na makita ni Daddy si Ma'am Romualdes dahil alam ko na madadamay pa siya.

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Daddy na ngayon ay galit na galit sa'kin.

"Sasama ka sa'kin pa balik sa states, sa ayaw o sa gusto mo. You have no choice but to obey, Selene!"

"Dad naman ilang beses na po ba natin napag usapan 'to? Mananatili po ako rito!" hindi ko na mapigilan yung luha ko na kusa nalang kung mahulog mula sa mga mata ko.

"Bakit ba hindi mo magawang humiwalay sa mga kaibigan mo?! Ako ang nag pa pa aral sa'yo, Wala kang utang na loob." sumbat niya sa mukha ko.

"Wala silang kinalaman sa pananatili ko rito, Dad. Ginusto ko 'to dahil nandito ang sinimulan ko, hindi ko lang kayang sumama sa'yo lalo na at. puro sumbat lang naman ang inaabot ko!"

Aktong sasampalin nanaman niya ako nang sagutin ko siyang muli, hindi ko na kaya mag pigil lalo na at sobrang bigat na rin ng nararamdaman ko.

"Sasaktan mo nanaman ako? Sige Dad, kung 'yan naman po ang gusto mo. Simula naman nang mamatay sila hindi ba hindi mo na ako kinilala bilang anak mo?! Dad, hindi ko naman po kasalanan na wala na si mommy at ate, hindi ko rin kasalanan na ako ang natira!"

"Tigilan mo ang pag banggit sa pag kamatay nila, Selene. H'wag kanang maraming sinasabi sasama ka sa'kin!"

Hindi ko na siya pinansin pa at tumakbo pabalik sa condo.

"Where have you been?" bungad sa'kin ni Ma'am Romualdes na ngayon ay nag papatuyo ng buhok sa harap ng salamin.

"What happened?! Who did this to you?" sigaw niya nang makita ang kalagayan ng mukha ko.

"I'm fine, don't mind me." walang ganang sabi ko habang nag pupunas ng luha.

"Where's Selene?" rinig kong sabi ni Daddy na ngayon ay nasa pinto na.

"Dad, please? Just go. Bahala ka kung ayaw mo na ibigay ang mga responsibilities mo sa'kin, isumbat mo na lahat pero hindi ako sasama sa'yo. Kaya ko buhayin sarili ko, kahit mag trabaho pa ako kung 'yon ang paraan para wala na akong marinig  na masasakit na bagay mula sa'yo gagawin ko." nanlulumong sabi ko at pumasok na sa kwarto.

"Babalikan kita." mariin na sabi niya bago ko maisara ang pinto ng kwarto.

Ang sakit na parang kasalanan ko pa kung bakit nag ka ganito ang pamilya ko, kung pwede lang na hilingin na ako nalang yung nasa pwesto nila mommy ay gagawin ko para lang hindi na ako pinag iinitan ni Daddy.

Simula naman nang mag ka pamilya siya sa states wala naman akong hiningi sakaniya.

Rinig ko na pumasok si Ma'am Romualdes sa kwarto at tumabi sa'kin.

"Shh baby, stop crying. I'm here." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Nagpatuloy ako sa pag iyak na hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako.

_

It's Friday night at inaya ko ang mga kaibigan ko rito sa Forth Avenue para makapag pahangin.

Simula noong araw na dumating si Dad sa condo hindi ko pa na ku-kwento kay Ma'am Romualdes kung ano ang pinag awayan namin, Ayoko muna pag usapan at naiintindihan naman niya 'yon.

"So, babalik pa si Tito Vincent niyan?" tanong ni Daphne at tinanguan ko nalang siya, sakanila ko palang naman na i ku-kwento ang nangyari dahil baka bigla nalang akong mawala.

"You know Selene, we can help you naman. Just tell us, ok?" sabi naman ni Anthea.

Matagal na nila akong inaalok na sakanila nalang tumira dahil willing akong suportahan ng magulang nila, tinatanggihan ko lang dahil ayaw ko naman na madamay pa sila sa problema ko sa Daddy ko at nahihiya rin ako.

"Siguro mag wo working student nalang ako, para hindi ko na kailangan tumanggap ng pera kay Daddy." pag papaliwanag ko sakanila.

"Saan ka naman mag tra-trabaho, aber?"

"Dito sa Forth Avenue, sasayaw ako doon oh." nagbibirong sabi ko at itinuro ang pole kung saan nag sasayaw ang mga babaeng nag tra-trabaho rito sa bar.

"Hala, gaga ka doggie! HAHAHA" hagalpak na tawa ni Phoebe.

"Wag na natin pag usapan ang tungkol doon, ayaw ko na muna isipin. Nandito tayo ngayon, so enjoy! "

Nag patuloy kami sa pag inom kahit ramdam na ramdam ko na ang hilo.

"Oh, look who's here, Hello Selene" tangina ba't nandito si Sheila?

"Hoy higad, tigilan mo kaibigan namin ha!" bulyaw ni Phoebe sakaniya.

"Oo nga noong una yung kambal ko, tapos ngayon itong si Vienn?"

"Tirador ng mag kakaibigan ampotaena HWUAHAHAH" tawa ni Daphne habang si Anthea ay iiling iling nalang.

"Oh shut up guys, I just want to be close with Selene." sabi niya at tumabi sa'kin sabay palupot na parang sawa.

Kahit anong pilit na tulak ko sakaniya hindi talaga siya natitinag. Potaena nito pinag lihi ba siya sa bubble gum na nasobrahan sa nguya?!

"Hello Ma'am Aella!" sigaw ni Daphne.

Tinignan ko naman si Ma'am Aella na ngayon ay nasa tapat ng table namin.

"Nandito pala kayo kiddos." sabi niya at isa isa kaming tinignan.

"Kayo lang po Ma'am Aella?" tanong ni Phoebe.

"Nope, may party yung friend namin doon sa isang VIP room. Nag Cr lang ako at sakto nakita ko kayo rito."

"Kasama niyo po sila Ma'am Dion?" tanong ulit ni Phoebe.

"Yes, nandoon siya sa room kasama si Clio. . ." sabi ni Ma'am Aella at pasimple akong tinignan.

"Nandoon din si Natasha kasama namin." pag papatuloy niya.

"Ah ganoon po ba? pwede po patawag si Ma'am Romualdes? Sinasakal po kasi ng higad itong lalabs niya." sumbong ni Phoebe at itinuro ako.

Hindi ko na sila malingon dahil hilong-hilo na ako sa sobrang dami kong nainom.

"Hahahhaha alright, I'll call her." yun ang huli kong narinig bago mawalan ng malay sa sobrang kalasingan.

______

"Ohhhhhh shettt, ang lutong!" sigaw ni Phoebe kaya nagising ako.

"What the fck is wrong with you? I'm enjoying my night with Selene tapos sasampalin mo ako?" sigaw naman Sheila na ngayon ay naka hawak sa pisngi niya.

"What happened?" nag tatakang tanong ko kay Anthea.

"Ma'am Romualdes slapped Sheila, hindi ka kaya niya tinigilang halikan sa pisngi nang makatulog ka dyan sa upuan ayan tuloy." natatawang pag ku-kwento niya.

Tinignan ko naman ngayon si Ma'am Romualdes na nandidilim ang mukha sa sobrang galit.

"Let's go, we're going home." baling niya sa'kin at hindi naman na ako umangal dahil baka ako pa sampalin niya.

Nag paalam na ako sa mga kaibigan ko habang si Sheila ay laglag ang panga pa rin dahil sa natanggap na sampal.

Pag kapasok ko sa sasakyan ni Ma'am Romualdes ay may kinuha siyang wet wipes at mariing pinunasan ang mukha ko.

"Aray naman po Ma'am! Ang sakit ha." sabi ko at ngumuso, nahihilo pa rin ako sa sobrang lasing pero nawala ang antok ko dahil sa nangyari kanina sa loob ng bar.

"Next time pati ikaw sasampalin ko na."

Hala, ba't nadamay ako? Natutulog lang naman ako mammehhh.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now