CHAPTER 6

5.7K 280 44
                                    

Nandito kami ngayon sa gym ng NWU dahil kakatapos lang nang training namin.

"Selene, may pupuntahan kapa ba niyan? Sabay sana tayo mag dinner. my treat!" sabi ni Grace na na-upo sa tabi ko.

"Wala naman, but I'm with my friends." sabi ko sakanya at itinuro yung mga kaibigan ko na nasa bleachers.

"They can come naman, so ano tara ba? Pumayag kanaaa" nag pout pa talaga sabay yakap sa'kin.

Grace is such a clingy person, yung pagiging clingy niya hindi nakakairita. Para siyang si Daphne, pero mas maingay yung abnoy na 'yon.

"Alright, malakas ka sa'kin eh. sasabihan ko nalang muna ang mga kaibigan ko" pag payag ko naman sa pangungulit niya.

Dumaan kami sa locker area para kuhanin ang mga gamit ko at mag palit ng damit pagkatapos ko tawagin ang mga kaibigan ko. I checked my phone dahil nakita ko na may notification from Facebook.

'Clio Milles Hermenez sent you a friend request' Ha? Hermenez?

I clicked her profile picture at siya nga. pero bakit Hermenez? Ay bahala na. I accepted her friend request at ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng chat from Ma'am Romualdes.

Clio Milles Hermenez
Where are you?

Agad ko naman siyang ni replyan dahil baka sungitan nanaman ako. nag hahanap siguro chat-mate si Ma'am tapos ako yung naisipang i chat.

Nasa Locker room po nag bibihis,   katatapos lang po ng training namin.


Palabas na sana ako sa locker room nang bigla nanaman siyang mag-chat.

'Come to my office.' sabi niya. nagugutom na ako ano ba naman 'yan.

"Grace, sa susunod nalang tayo mag dinner pinapapunta ako ni Ma'am Romualdes sa office niya eh" sabi ko kay Grace pag kalabas ko sa locker room.

"Oh bakit daw?" tanong ni Phoebe.

"Hindi ko rin alam, nag-chat lang siya sa' kin na pumunta daw ako sa office niya." sabi ko sakaniya at ipinakita ang cellphone ko.

"Ohmyghaddd, chat-mates kayo ni Ma'am Romualdes?" sigaw na tanong ni Athena.

"Hindi gaga nag-chat lang siya kanina pagkatapos ko i-accept 'yong friend request niya. Siguro may i-uutos lang." sagot ko at tumili naman si gaga.

"She sent you a friend request?" tanong ni Anthea, tumango naman ako.

"Hala hala e yung sa'kin nga ni-decline niya" pagmamaktol ni Daphne.

"Alright, next time nalang tayo lumabas at baka may importanteng sasabihin si Ma'am Romualdes kaya pinapapunta ka" sabi naman ni Grace.

Nag paalam na ako sa kanila at nag tungo sa office ni Ma'am Romualdes.

"Ma'am?" tawag ko sa labas ng office niya habang kumakatok, pero wala ako natanggap na sagot.

"Ma'am do you want to build a snowman" pag kanta ko habang kumakatok, bigla naman nag bukas ang pinto at iniluwa si Ma'am Romualdes.

"It's rainy season, Velasquez. don't be stupid, at isa pa walang snow dito sa Pilipinas." sabi niya at pinapasok ako sa office niya.

"Ay oo nga naman, edi yelo nalang Ma'am yung sa loob ng freezer" pilyong sabi ko at naupo sa sofa na nasa office niya.

"Kapag hindi ka nanahimik ipapasok kita sa freezer"

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now