Nandito ako ngayon sa bahay nila Tito Wise dahil talagang ipinasundo niya ako, kinakabahan naman akong bumaba sa sasakyan lalo na at si mamita agad ang sumalubong sa'kin.
Family Dinner pero kasama ako kaya mas lalo ako nilalamon ng hiya.
"Hello, my dear, we met again. I miss you so much darling!" sabi ni mamita at niyakap ako nang mahigpit.
"Good evening po, mamita" sabi ko sakaniya at ngumiti.
"You're so pretty with that dress" sabi niya at hinila na ako papasok.
I'm wearing my French court style dress, hindi na ako nag make up dahil nag mamadali ako dahil ang-aga dumating ng sundo ko.
Pag kapasok ay napaka daming tao ang bumungad sa'kin na nasa loob, mukhang hindi naman pala literal na Family Dinner dahil nandito rin ang mga kaibigan ni mamita kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.
"Hello missy, you're here na pala" salubong sa'kin ni Tito Wise at pina upo ako kasama nila sa isang table.
"Hon, this is Selene the young lady na sinasabi ko sa'yo" sabi ni Tito Wise sa isang napaka gandang babae, magkamukha sila ni Ma'am Romualdes.
"Oh, hi it's nice to finally meet you, iha, marami ako nariring tungkol sa'yo. I'm Clare, Alexander's wife" sabi niya at iniabot ang kamay niya.
"I'm Selene Vienn Velasquez po, nice to meet you po Ma'am" magalang na sabi ko at nakipag shake hands.
"Hey, don't call me Ma'am, iha. I heard you called Alexander Daddy, so call me Mommy" sabi niya at humagikgik.
"S-sige po Mommy" nag aalangang sagot ko.
"Where's my Clio?" tanong ni mamita at naupo sa left side ko.
"Malapit na po siya mama, she's on her way" sabi ni Tito Wise.
So pupunta rin siya? Ang alam ko kasi ay nasa ibang bansa siya.
"Mamita" sabi ng isang familiar na boses na ngayon ay papalapit kay mamita at sinalubing siya ng yakap.
"Oh, there you are, kanina pa kita hinihintay akala ko ma la late ka. Sit beside Selene" sabi niya at itinuro ang bakanting upuan sa right side ko.
"Good evening" bati niya sa'kin.
"G-good evening din po, Ma'am Romualdes" baling ko sakaniya at bahagya siyang nilingon.
"Miss Hermenez" pag tatama niya sa sinabi ko na ipinag taka ko naman, ano raw?
May inihatid na pagkain sa'min ganoon din sa mesa ng iba pang mga bisita na narito, ako naman ay nag paalam sandali para pumunta sa cr.
"It's in here"
"Ay kabay—" halos mapatalon na sabi ko, paano ba naman ay hindi ko alam na sumunod pala siya.
"Oh, sorry missy, nandito ang comfort room" sabi niya na bahagyang natawa habang itinuro ang isang kwarto sa dulo ng hallway kung nasaan daw ang banyo.
"T-thank you po, Ma'am Romualdes" sabi ko at tinahak na ang banyo.
"Miss Hermenez nga kasi ang kulit" rinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin.
Pag kabalik ko sa mesa kung nasaan sila ay nakita ko na nag uusap si mamita at si Ma'am Romualdes, si mamita naman ay halatang excited. Pagka upo ko sa pagitan nila ay parang wala man lang nangyari.
"I have a surprise for you" bulong sa'kin ni mamita.
"Ano po iyon?" tanong ko.
"Wait for it" sabi niya at parang batang excited.
YOU ARE READING
Chasing Nothing [COMPLETED]
Novela JuvenilLoving is so short, forgetting is so long. Loving you is like running on a pile of broken glasses, but I'm willing to bleed and chase you while expecting nothing. Started: June 28, 2022 Ended (Officially Ended): December 24, 2022