"Condolence, Vienny." salubong sa'kin ni Athena at ng kambal niya sabay yakap sa'kin, kasama nila si Daphne at si Phoebe.
"Condolence, Selene"
"I'm so sorry for your lost."
Paulit-ulit na lamang ang mga naririnig ko mula sa mga taong dumarating dito sa burol ni mommy, pero hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Mommy, hindi ko pa nga natatanggap ang nangyari kay Ate tapos ito naman ngayon.
Daddy is not here, I don't even know where he is. I'm all alone, facing all of this shits in life.
What did I do to deserve this?!
_
"Vienny, stop na 'yan nakakarami kana" pag aawat sa'kin ni Anthea.
Nandito kami ngayon sa isang bar, inaya ko lang naman sila dahil gusto ko mawala sandali lahat ng bigat na nararamdaman ko.
Pero ba't ganito? Mas lalo ata bumibigat? Walang kwentang alak!
"Si Daddy, iniwan na rin ako!" sigaw ko sakanila.
"May sarili na siyang pamilya, what about me?!" pag hagulgol ko.
Lagi nalang nila akong iniiwan, tapos pag bibilinan nila ako na alagaan ko sarili ko? Tangina.
"You're not alone, Vienny, we're here for you remember that" sabi ni Athena at niyakap ako.
Ang swerte ko dahil nandito sila at pamilya ang turing nila sa'kin, pero hindi ko maiwasan ang mangulila sa pag mamahal ng isang magulang lalo na ng isang ama. Sa sitwasyon namin ngayon dapat kaming dalawa ang mag karamay pero bakit parang siya ay pinag lalamayan ko na rin dahil sa pag alis niya.
___
"Dad, please don't be like this, anak mo rin ako!" sigaw ko kay Daddy.
He's leaving, dadalhin niya ang bagong pamilya niya sa states. Iiwan niya ako, iiwan niya rin ako.
"Stop with your dramas! Bibigyan naman kita ng pera para sa mga kailangan mo rito. Kung gusto mong sumama ayusin mo muna ang sarili mo! Ayaw kong na aapektuhan pati ang pamilya ko dahil sa sarili mong problema."
Hindi ko kailangan ng pera niya! Kailangan ko ng pamilya.
Pagod na akong mag maka awa na h'wag nila akong iwan, pagod na rin akong mapagod sa lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na ata akong ginawa buong buhay ko kung hindi ang mag maka awa sa mga tao na 'wag akong iwan. Nakaka sawa.
Nandito ako sa bahay namin kung saan ala-ala nalang lahat nang natira kasama ko, ang laki ng bahay pero ako nalang mag isa rito. Hindi ako matahimik dahil sa tuwing mananaginip ako nakikita ko lang ulit ang pagkamatay ni ate.
_
"Selene, it's not like that baby. I-i love you!" sigaw ni Ma'am Romualdes habang hinahabol ako sa ilalim ng malakas na ulan.
"Ma'am, tama na po! Alam ko naman na mahal mo ang Ate ko, alam ko rin naman na mag kamukha kami pero please lang po. Hindi ako si Ate para gawin akong panakip butas para dyan sa nararamdaman mo!"
"You're right! I loved her, but believe me please i-i love you i really do. Minahal ko si Coleen, oo! Minahal ko siya pero matagal 'yon maniwala ka" pag mamakaawa niya.
"Ma'am Romualdes, alam ko naman po na nabibigla ka lang. Pasensya na po kayo kung ipinag pilitan ko pa ang nararamdaman ko sa'yo, edi sana hindi tayo humantong sa ganito. Pasensya na at nakipag saling pusa pa ako sa relasyon niyo ng ate ko." sabi ko at pumasok na sa taxi na sinakyan ko kanina.
"Please, Selene, listen to me! Don't leave me like this baby let me, explain!" sigaw niya habang kinakatok ang bintana ng sasakyan.
Hindi ko na siya pinansin at pinunasan na ang mga luha na tuloy tuloy kumakawala sa mga mata ko.
Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko, hindi ko na rin alam kung ano ang totoo. Itinago niya lahat sa'kin 'yon! Nag mukha akong tanga.
Naka uwi na ako sa condo at agad na dumiretso sa banyo, hinubad ko ang t-shirt ko sa harap ng salamin ay bumungad sa'kin yung marka na iniwan niya sa' kin. Yung marka na paulit ulit ipinapa alala sa'kin ang pag alis nila sa buhay ko.
Yung marka na nakuha ko noong namatay si Ate na naging dahilan din upang mag tagal ako sa mundong 'to.
Lagi nalang ipinag kakait sa' kin lahat ng taong mahalaga sa buhay ko. Kung ano pa ang mas kailangan ko ay iyon pa ang hindi ko makuha.
![](https://img.wattpad.com/cover/314602767-288-k960500.jpg)
YOU ARE READING
Chasing Nothing [COMPLETED]
Fiksi RemajaLoving is so short, forgetting is so long. Loving you is like running on a pile of broken glasses, but I'm willing to bleed and chase you while expecting nothing. Started: June 28, 2022 Ended (Officially Ended): December 24, 2022