CHAPTER 14

5.3K 228 14
                                    

Linggo na ng umaga at last day na namin dito sa tagaytay, habang ako nag mumukmok dito sa kwarto dahil katatapos lang namin mag sagutan ni Papa sa phone.

Lagi nalang kasi siyang ganon tatawagan niya ako para sabihin na nakapag padala na siya ng pera sa bank account ko, ni hindi ko na maramdaman na anak niya ako at ginagawa nalang niya lahat 'to dahil 'yon ang responsibilidad niya.

"Selene." tawag ni Ma'am Romualdes pagkapasok niya sa kwarto na tinutuluyan ko.

"Are you ok? Did some thing happened?" nag aalalang tanong niya at na-upo sa tabi ko, hindi ko na pala namalayan na tumutulo na ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Wala po, napuwing lang ako. " paninigurado ko sa kaniya.

"Alright fix yourself, we're going somewhere. " sabi niya at lumabas na sa kwarto.

_

Nandito kami ngayon sa isang Café at mukhang kilala na si Ma'am Romualdes dito dahil sa babaeng sumalubong sa kaniya kanina.

"Cliooo, gosh why didn't you tell me na may maganda kang kaibigan?" Sabi ng isang babae at na-upo sa tabi niya.

"Hi, you're so pretty what's your name?" masiglang baling naman niya sa'kin at tinitigan ako sabay offer ng kamay niya for a shake hands.

"I'm Selene, nice to meet you po." sabi ko at inabot ang kamay niya.

"Name's Cassandra, are you single?" sasagot na sana ako nang sumingit si Ma'am Romualdes at pinanlisikan siya ng mata.

"She's taken, so can you take our orders now, Cassy? Stop annoying her. "

Ha? Kailan pa ako nag ka jowa?

"Ok ok kalmahan mo lang, so what can I get for you miss pretty?" tanong niya sa'kin sabay kinindatan ako.

"Hmm, a slice of red velvet cake and cappuccino." sabi ko at nginitian siya.

"What about you, cousin? Yung dati pa rin ba?" sabi niya at tinanguan lang siya ni Ma'am Romualdes dahilan para sa kanya na umalis na at ihanda ang order namin.

"Stop smiling Selene it's annoying" baling niya sa'kin at inikutan ako ng mata.

"Ang sungit sungit mo, buti pa 'yung pinsan mo." pag mamaktol ko sabay ngumuso.

"Edi do'n ka sakaniya." Sabi niya tsaka ako inikutan ng mata.

"Edi do'n ako sakaniya!" sabi ko sakaniya na parang bata na nag mamaktol, lalo naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Hey ladies, here na orders niyo." sabi ni Cassandra at na-upo sa tabi ko.

"Why are you here sitting with us?" mataray na tanong ni Ma'am Romualdes sa pinsan niya.

"Come on cous ngayon lang ulit tayo nag kita, tsaka I want to know more about Selene." sabi niya at kinindatan ako, ramdam ko naman ang pag init ng mag kabila ko na pisngi dahil nahihiya ako.

"Stop pestering her Cassandra, I told you she's taken."

"Hmm, I don't believe you. Totoo ba 'yon, Baby Selene?" baling niya sa'kin at nag beautiful eyes pa.

Sana ol baby.

"Hehehehe ano po sa tingin mo?" hindi ko siya masagot nang maayos dahil ramdam ko ang matatalim na tingin ni Ma'am Romualdes, parang kahit anong oras ay handa na niya akong patayin kapag hindi niya nagustuhan ang isasagot ko.

"Gosh Clio! You're scaring her. Ok, tell me don't mind her." sabi niya at hinawakan ang dalawa kong pisngi at iniharap sakaniya.

"I-I'm single. . . po." Kinakabahan na sabi ko, ba't ba ako kinakabahan e totoo naman na single ako ha.

"Wahh that's great! Sakto single rin ako." natutuwang sabi niya at kinindatan ako.

Pagtingin ko kay Ma'am Romualdes ay mukha na siyang papatay sa ano mang oras.

Tahimik kong inubos ang pagkain ko habang si Cassandra ay daldal lang ng daldal sa pinsan niya, hindi na rin kami nag tagal dahil pupunta muna raw kami sa bahay ng grand parents niya.

Baka i le legal na ako? Chaaaar!

"Did you enjoy flirting with my cousin?" sabi niya habang nag mamaneho, hindi ko naman sinagot dahil ayan nanaman siya sa pag bibintang niya.

"Baby Selene." Bulong niya habang ginagaya ang tono ng pinsan niya kanina.

"You did huh? You told me that you like me but you're not acting like it." bulong niya pero naririnig ko pa rin naman siya.

Ano ba dapat kong gawin? Siya nga dyan ganyan maka react kala mo naman— kainis! Bahala siya dyan ayaw ko ng away.

Pagkarating namin sa isang malaking bahay— ay hindi mansion na ata 'to sa laki, hindi ko pa rin siya iniimik.

"Oh my Clio, you're here!" salubong sakaniya ng isang matandang babae.

"Who's this? Your girlfriend?" baling niya sa' kin habang naka ngiti.

"Hello darling, you're so pretty! Bagay kayo ng apo ko. Call me mamita, ok? Welcome to the family." sabi niya at niyakap ako nang mahigpit at nakipag beso, hindi ko alam paano mag re react.

"Mamita, she's not my girlfriend. Selene, this is my Lola Daisy."

"Hey! Not lola. nakakatanda ano kaba. " pagsuway niya sa apo na parang batang nag tatampo.

"Hi po mamita, I'm Selene" pag papakilala ko sa sarili.

"You're not Clio's girlfriend? Yet?" nakakalokong sabi niya sa'kin.

Tuwang tuwang inilibot ako ni Mamita sa Hacienda Hermenez, ngayon lang din daw nag dala ng kaibigan si Ma'am Romualdes dito kaya natutuwa siya na makita ako.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na garden, dito raw madalas nag lalaro si Ma'am Romualdes noong bata pa siya.

"Darling, do you like Clio?" tanong sa'kin ni Mamita habang naka upo kami rito sa isang kahoy na upuan na nasa garden.

"Ah eh hehe opo, hindi ko rin po inaasahan na mag kakagusto ako sa babae tapos sa apo niyo pa na professor ko." pag papaliwanag ko.

"I see, nakita ko kasi kanina kung paano mo siya titigan." natatawang sabi niya.

Ganon naba ako ka obvious?

"You know, Apo. Clio is not the type of person na sasabihin sa'yo kung ano talaga ang nararamdaman niya. So please be patient with my Clio." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Hmp! baka wala naman po ako pag asa dyan sa apo niyo Mamita." Sabi ko sakaniya at ngumuso.

"Don't think like that, I don't want to give you false hopes. All I can say is that I know my Clio too well." sabi niya habang naka ngiting hinahawakan ang kamay ko.

Grabi itong si Mamita mixed signals din ibinibigay or assuming lang ako? Ay hindi! Magulo lang talaga si Ma'am.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now