"Ma'am Romualdes, nagkakilala na po ba tayo dati?" tanong ko kay Ma'am Romualdes habang naka higa sa sofa dito sa office niya.
Pangatlong araw na ng intrams at mamaya na ang laban namin sa taekwondo.
"That's impossible, Selene. Why did you asked?" sabi niya habang busy pa rin sa pagtitipa sa laptop niya.
"Hmm, wala naman po." I shrugged.
Habang nakapikit sa sofa ay narinig ko siyang nag lalakad papalapit sa'kin at naupo sa tabi ko.
"Are you aware of how beautiful you are?" mahinang bulong niya, she's tracing my face using her index finger from my nose down to my lips.
"Alam ko naman na maganda ako Ma'am, kaya nga naulol ka sa'kin e"
"Oh really? No comment." sabi niya at binigyan ako ng marahang halik sa labi.
"I really love your lips you know."
"Yung lips ko lang po? Eh ako?"
"By the way, mamita called me yesterday. She'll visit sa house this coming vacation, she wants to see you." pag iiba niya sa topic.
Awts, sige lods.
"Ma'am may tanong po ako."
"What is it?" sabi niya at tinignan ako.
"May ex kana po ba?" tanong ko sakaniya, na cu curious talaga ako kung ilan na ex ni Ma'am Romualdes, sa ganda pa naman niya panigurado ang dami na broken hearted dahil sakaniya.
"Just one." maikling sagot niya.
"Mahal mo pa po?" sige saktan ko sarili ko sa sarili kong trip.
"Why? What if I still do?" nakaramdam naman ako ng kirot sa puso dahil sa sagot niyang 'yon, paano nga kung mahal niya pa? Paano ako? Hindi naman ako makakapag reklamo dahil wala namang kami.
Hindi naman na ako sumagot at nag iwas nalang ng tingin sakaniya, siya naman ay nag pakawala ng malalim na hininga.
_
I launched a full moon kick for the remaining 3 seconds of the game, it ended with a score of 10 - 3.
"SELENE VIENN VELASQUEZ IN THE RED ARMOR! SNATCHED THE GOLD MEDAL!" sigaw ng emcee pagkatapos i-announce ng referee kung sino ang nanalo kasabay ng malakas na hiyawan ng mga tao.
Kanina pa hinahanap ng mga mata ko si Ma'am Romualdes sa mga bleachers pero hindi ko siya mahagilap, kahit nanalo ako parang ang bigat pa rin sa pakiramdam.
Baka busy lang siya?
"Congratulations!" sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni Grace at hinalikan ako sa pisngi sabay inabutan din niya ako ng flowers.
"Thank you, Gracyyyy." nauna siyang lumaban sa'kin kanina, nanalo rin siya ng gold medal.
Ang galing nga niya tumalon tama lahat sa ulo.
"Hoy, h'wag mo hinahalikan si doggie ano kaba." bulyaw ni Phoebe kay Grace, sira ulo talaga.
"Congratulations babessss" sigaw ni Daphne at sinalubong ako ng maraming halik sa mukha.
"Ano ba naman 'yan Daphne, pawis ako oh." nakangusong baling ko sakanya.
"Congrats Vienn!" pagbati ni Anthea.
"Congratulations Viennyyy! Mag pa pa inom kaba?" sigaw ni Athena.
"Sure, Forth Avenue tayo later." pag aaya ko naman sa kanila.
"Niceee double celebration na natin at pareho kayong panalo ni Grace!"
Nag paalam muna ako sandali sakanila para hanapin si Ma'am Romualdes. Ang sabi niya kasi manonood siya, nakakatampo naman o baka naman hindi ko lang talaga siya nakita kanina.
"Hi po, Tito Wiseeee!" masiglang pagbati ko sakaniya nang makasalubong ko siya sa corridor, mukhang nag mamadali rin siya sa pag alis.
"Oh hello, dear, congratulations on your competition pala ha. Ang galing mo. Job well done, iha."
"Thank you po, nakita niyo po ba si Ma'am Romualdes?"
"Uhhh, I think she's in her office." nag aalangang sagot niya.
"Ah ganon po ba, sige po pupuntahan ko muna po siya" tatakbo na sana ako paalis nang bigla niya ako hawakan sa braso.
"May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko naman kay Tito, parang gusto niya akong pigilan pero nag dadalawang isip siya.
"N-nothing, take care." nag tataka ko namang tinalikuran si Tito Wise at tinungo ang office ni Ma'am Romualdes.
Papasok na sana ako sa office ni Ma'am Romualdes nang mapansin ko na naka bukas naman pala ito, narinig ko naman na may kausap siya sa loob ayaw ko naman maka istorbo kaya mag hihintay na muna ako rito sa labas.
"Hon, na i-process na ang mga papers na pina asikaso mo. Pero mukhang matatagalan daw sabi ni Attorney."
Hon? Dahil sa curiosity ay dumungaw ako sa pinto na kaunting naka bukas.
It's Jason Romualdes, just the two of them. What's the meaning of this?
Hon? Kasal ba sila? This can't be.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita ko kung paano niya yakapin si Ma'am Romualdes na hindi man lang umaangal.
"Selene! Alis na raw tayo sabi nila-" pinigilan ko mag salita si Grace at hinila siya papalayo sa Office ni Ma'am Romualdes nang marinig kong may nag lalakad papunta sa pinto.
"What happened bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong niya at huminto sa pag lalakad.
Pinunasan ko ang mga luhang hindinko namalayan na kanina pa pala nahuhulog mula sa mga mata ko.
Hindi ako maka sagot sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, Ano ako sakaniya?
"Shhh, it's ok, I'm here." pag tatahan sa'kin ni Grace at niyakap ako ng mahigpit.
"Selene" Tawag ng isang familiar na boses mula sa likod namin, hindi ko na na isipan pang lingunin siya.
"L-let's go na, please." pag mamakaawa ko kay Grace at inalalayan naman niya ako sa pag lalakad.
"Selene, let me explain." sabi ni Ma'am Romualdes at hinila ako sa braso.
"M-Ma'am Romualdes, mauuna na po kami. Baka hinihintay na po kayo ng a-asawa niyo." pinipigilan kong hindi humagulgol sa sobrang bigat ng nararamdaman ko at binigyan siya ng nanghihinang ngiti.
"No baby, please let me explain." pag mamakaawa niya na halos lumuhod na sa harapan ko.
"Wala naman po kayong kailangan ipaliwanag sa'kin. Ma'am, ako naman po ang pilit na ipinag sisiksikan ang nararamdaman ko para sa'yo."
Binawi ko na ang braso ko sakaniya at hinila na si Grace pa alis, kahit anong tawag niya sa'kin ay hindi ko na siya kayang lingunin pa.
Dahil alam ko kahit gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon ay babalik at babalik pa rin ako sakanya para pakinggan siya. Pero sa ngayon, ayaw ko muna, hindi ko pa kaya.
YOU ARE READING
Chasing Nothing [COMPLETED]
Teen FictionLoving is so short, forgetting is so long. Loving you is like running on a pile of broken glasses, but I'm willing to bleed and chase you while expecting nothing. Started: June 28, 2022 Ended (Officially Ended): December 24, 2022