CHAPTER 17

5K 227 52
                                    

Pagkahatid sa'kin ni Grace sa condo ko ay agad na siyang umalis para pareho na raw kaming makapag pahinga dahil pareho rin kaming pagod.

Humiga na ako sa kama pagkatapos ko maligo dahil ramdam na ramdam ko na ang pagod sa buong katawan ko.

'9 messages from Ma'am Sungit❤️'
'21 missed calls from Ma'am Sungit❤️'

Yan agad ang bumungad sa'kin pag bukas ko ng cellphone ko, kaya napag pasyahan ko na basahin ang mga messages niya kahit inis na inis ako sa nangyari kanina.

Ma'am Sungit❤️
Selene, where are you?

Baby, talk to me please.

Nakauwi kana ba?

Baby you're killing me. Please, answer my calls.

Hinatid kaba ni Ventura?

Hindi lang kita nahabol kanina because i have to fix some things.

Baby, I'm sorry about how i acted earlier. Forgive me, please?

Selene, answer my calls. Where are you na? I'm worried.

I'm coming over.

Grabi naman 'tong si Ma'am Romualdes, oo na ito na po hindi na ako galit. Pagkatapos ko basahin ang mga messages niya ay saktong tumunog ang doorbell.

Pag bukas ko ng pinto ay nakatanggap agad ako ng yakap mula sakaniya.

"Ano po ginagawa niyo rito Ma'am Romualdes?" seryosong tanong ko sakaniya.

Galit pa ako, charot. As if naman matitiis ko siya.

"Come on, baby. I'm sorry, please?" sabi niya at lalo pang hinigpitan ang yakap sa bewang ko.

Kalma, beh. Sasabog na ata puso ko rito kalmahan mo lang po Ma'am!

"Does it hurt?" tanong niya at tinignan ang braso ko na pinag hihila niya kanina, oo masakit!

"Hindi, ok lang ako."

Ok, hard to get muna tayo.

"I'm sorry baby, i didn't know how to control my temper when I saw you with Ventura." she said and kissed my lips.

Hoy ano ba! That's illegal, hindi dapat tayo marupok today.

"Fine, come inside. I want to rest na pagod ako." sabi ko at pumasok na sa kwarto, siya naman ang nag sara ng pinto.

"Baby, i want cuddle." sabi niya na nag lalambing at gumapang sa tabi ko sabay yakap sa'kin.

Yung puso ko naman ay parang sinabak nanaman sa karera habang yung mga paro-paro sa sikmura ko ay nag wawala nanaman dahil lang sakaniya.

"Ano pinakain sayo nung Jason na 'yon at parang ang sweet mo today?" mataray na tanong ko sakaniya.

"Let's not talk about him, he's annoying." sabi niya at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Annoying pero grabi siya makahalik sa pisngi mo kanina hindi mo man lang pinigilan." pag tatampo ko.

Iniisip ko pa lang ang itsura nilang dalawa kanina ay parang puputok na ang ugat ko sa noo.

"Are you jealous?" tanong niya at binigyan ako ng nakaka lokong ngisi.

"Bahala ka dyan, pagod ako kaya matutulog na'ko." sabi ko at tinalikuran siya.

"My baby is jealous pala ha, you're so cute when you're jealous." panunukso niya.

"Maka baby ka ha? Kala ko ba baduy?" hinarap ko siya at inirapan, grabi maka sabi ng baduy sa pinsan niya noong tinawag akong baby tapos eto siya ngayon.

"Tsk. It's not baduy when I'm the one who's saying it to you." sabi niya at inikutan ako ng mata.

"Ma'am Romualdes ang dami alam."

"Stop calling me that!"

Ok galit nanaman siya. So ano? Ending ako manunuyo ganon?

"Eh gusto ko e, bakit ba?" pagtataray ko naman sakaniya.

"Don't you dare. . ." may halong pag babanta sa tono niya.

"Sana ol kasama ka kanina." hindi naman siya kumibo.

"Sana ol may pa hawak pa sa bewang kanina."

Ok, sige wag mo ako imikan dyan.

"Sana ol hinahayaan lang halikan sa pisngi, pa halik din kaya ako kay Grace para alam ko feeling."

"Subukan mo, tignan mo lang." pinag babantaan pa talaga ako.

"Ano titignan ko?" pag hahamon ko at tinaasan siya nang kilay.

"Mag kasama ko kayo ibabaon nang buhay!"

"Sige, at least mag kasama pa rin kami."

"Alright, I've changed my mind, I'll just kill whoever touches you. On the spot."

Wow, scary si mommy.

"Possessive much mommy." natatawang sabi ko sakaniya.

"Tsk, sleep kana nga lang. You need some rest, baby." sabi niya at niyakap ako.

Ibinaon ko nalang ang mukha ko sa leeg niya, I feel really safe and comfortable in her arms. I want to stay like this forever.

"Goodnight po, mommy Clio." I said while giggling.

"Alright, goodnight baby." she said and kissed my forehead.

_

Clio niyo hindi na maangas kakasuyo.

Selene Vienn 'Top frog sa cod pero bottom kay Clio' Velasquez

Goodnight mga babes!

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now