CHAPTER FIVE

790 57 45
                                    


Arlene's Point of View

“Arlene, this is my daughter,” aniya kasabay nito ang pag-wave sa 'kin ng cute na bata. I waved back at her.

I hate to admit this but I have a soft side towards children. Mabait ako sa lahat ng bata. Hindi ko alam kung bakit pero minsan mas gusto ko pa silang kasama kaysa sa mga adults.

Maybe because they are innocent unlike the adults who have a lot of bullsh*ts

“Hello, baby girl!” I said, yumuko pa 'ko nang bahagya para magpantay ang aming mukha.

“Hello po Tita ganda!” she grinned. Lumitaw ang ngipin niyang kulang-kulang. Napansin ko rin ang tuhod niyang may sugat. She's a typical kid, baka nakuha niya sa paglalaro sa labas.

“Gusto mo?” I asked her, she looked at the husky stuffed toy that I'm holding. She immediately nodded her head and snatched the stuffed toy. I just smiled at her as a response.

“Arlene, this is my husband. Denver,” Irene said.

Denver stretched his hand for a handshake. I accepted his hand. We made a handshake.

“Denver Fernandez. It's nice to finally meet you,” aniya.

“Arlene Rivera. The sister of your wife,” I answered.

When I was about to let go of his hand, he held it tighter. I swiftly raised my right eyebrow. He just plastered a smile on his face as a response.

“Pwede ba 'kong manghingi ng pabor, hipag?” tanong niya. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at parang walang balak na bumitaw.

Hipag? ew! what sh*tty word. Sana sister-in-law na lang ang tinawag niya sa 'kin kaysa sa word na 'yon.

“What kind of favor?” I asked. I quickly pulled my hand. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil sa ginawa ko.

Ngayon lang kami nagkakilala tapos nanghihingi na agad siya ng favor?

“May gagawin lang sana kami ni Irene, pwede bang pakibantayan si Stella?” Nahihiyang sabi niya. We all glanced at little Stella playing with her new stuffed toy that I caught earlier. I faked a smile.

“Sure, no worries.”

“Great.”

- - -

“Tita ganda! Nasaan po sina Mommy and Daddy?” nagtatakang tanong ng bata.

“Baby girl, may ginawa lang sila.”

It's shocking that the child is comfortable to be with me. Her parents just instructed her to behave while they are away and she followed it.

We are eating a french fries here, at the food court. Nakakatuwa siyang pagmasdan, nilalapit niya pa ang pagkain sa bibig ng husky na parang pinapakain.

“Baby girl, how old are you?” I asked.

“Malapit na po akong mag-seven po Tita, punta po kayo sa birthday party ko po Tita.” She said while grinning. Bungi talaga siya, six years old yata ang edad kung saan napapalitan ng permanent teeth ang mga ngipin ng bata. I'm not sure.

When I was about to ask her another question, something captured her attention. This is the first time I saw her smiling like that to something. May nginingitian siya sa likod ko.

Lumingon ako para tignan kung ano ang tinitignan niya. Hindi pala 'ano' ang tamang salita kundi 'sino'. Someone caught her attention. Ngayon ko lang napansin na hindi lang basta ngiti ang pinapakita niya. It's a flirty smile.

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon