CHAPTER TWO

1K 72 47
                                    


Arlene's Point of View

Umuwi na namang lasing si Daddy kagabi.” Nakayukong sabi ng isang babae sa katabi niyang lalaki. Taimtim na nakatingin ang lalaki sa kanya. Mukhang nalulungkot ang babae.

Magiging maayos din ang lahat,” sabi ng lalaki at hinimas niya ang likod ng babae.

Malayo ako sa kanila pero naririnig ko nang malinaw ang kanilang pinag-uusapan. Bigla na lang akong nakarinig ng hikbi mula sa babae. Nag-angat ng tingin ang lalaki at luminga-linga. Parang tinitignan niya kung may nakakakita sa kanila.

Pamilyar, pamilyar ang mukha ng lalaki. Parang nakita ko na 'to pero hindi ko alam kung saan. Baka sa isa sa mga bar na napuntahan ko?

I admit, the guy is handsome. Mukhang may taste 'yong babae, good for her. Hintayin ko na lang na maloko siya. Lahat naman ng lalaki manloloko.

Bigla na lang naglaho ang pangitain na nakikita ko. Napunta 'ko sa isang rooftop. Malalim na ang gabi at umuulan nang napakalakas. Umuulan pero hindi ko dama ang bawat patak ng ulan sa aking balat.

Bigla na lang may napuntang magkasintahan sa harap ko. Basang-basa sila dahil sa ulan. Hawak-hawak ng lalaki ang braso ng babae. The raindrops are pouring through their face.

Malabo ang mukha nila, hindi ko makilala. Basta napansin ko na pulang-pula ang mukha nung babae. Hindi ko alam kung namumula dahil sa galit o dahil sa iyak.

Nagsisigawan sila nang sobrang lakas na parang sila ay nag-aaway. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-aawayan nila dahil parang nag-e-echo rin ang kanilang mga boses.

Bigla na lang akong napatakip sa aking bibig dahil hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ng babae.

She immediately grabbed something from her pocket. Para itong ballpen, tinanggal niya ang takip nito at tinusok sa kanang mata ng lalaki.

Sumirit ang dugo mula sa mata ng lalaki. Wala na 'kong ibang naririnig kundi sigaw. Kinuha ng babae ang bag ng lalaki at binuhos ito. Dinampot niya ang gunting at sinaksak sa gawi ng puso nito.

Kasabay ng pagsaksak niya ay ang pagdilim ng paligid. Wala akong marinig, para 'kong kinulong sa isang kahon dahil sa sobrang dilim.

Bigla na lang akong napadilat. Ramdam na ramdam ko ang pawis na tumatagaktak mula sa aking noo pababa sa aking leeg.

What happened?

I'm still wearing the cocktail dress. Anong nangyari? Sinusubukan kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi ngunit nabigo ako. I'm trying my best to regain my memory. Mas sumasakit lang ang ulo ko dahil sa ginagawa ko.

Umaga na at tirik na tirik na rin ang araw na nanggagaling mula sa aking bintana. Bumangon ako para kumuha ng tubig. My head is aching.

Nagtungo ako sa desk ko at binuksan ang laptop ko. I checked the last chapter that I wrote.

I grabbed his face and I crashed my lips into his. I kissed him passionately. I moved my body towards his. He grabbed my waist. That turned me on.

Hmm. . . ano kaya ang pwedeng isunod na scene? What if lagyan ko na lang agad ng 'they live happily ever after'.

Huwag na lang pala, baka isumpa ako ng mga readers ko. Nasa chapter eight pa lang ang story na sinusulat ko. I think it's too early to end the book.

I'm just staring at my laptop. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang susunod na kabanata. Kanina pa 'ko type erase nang type erase rito.

Tutal wala rin naman akong maisulat, bumalik na lang ako sa kama para humiga. As soon as my head hit the soft pillow, my phone rang. Sino na naman 'to, kagabi pa 'ko nabwibwisit ng phone na 'to.

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon