Arlene's Point of ViewThis is the first time that I woke up with a peaceful mind. Nailabas ko lahat ng problema at pighati ko sa pamamagitan ng pagdarasal sa Kanya.
Lumipas na rin ang ilang araw simula nang matandaan ko ang ilang mga parte ng aking nakaraan. Araw-araw akong humihingi ng tulong sa Kanya. Ngayon ay alam ko na kung anong gagawin ko.
Naligo na 'ko at pagkaligo ko ay nagsuot ako ng pantalon at shirt. Humarap ako sa salamin para magsuklay at tignan ang aking sarili. Ang tagal ko nang hindi nagsusuot ng jeans.
I'm not comfortable.
Inayos ko ang aking sarili dahil napagdesisyunan ko nang sabihin lahat ng aking kasalanan sa mga pulis. Nakatitig lang ako sa aking sarili at napangiti. Gagawin ko kasi ang tama at alam kong ito ang gusto ng Panginoon.
I look at the door when I heard a knock. I assume that it's Ate Irene. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil nagkulong lang ako sa apartment ko.
Hindi naman ako nagugutom dahil araw-araw siyang nag-iiwan ng pagkain sa harap ng pinto ko. I'm really thankful that she gave me a time to be alone because I really need it.
As soon as I opened the door, a police officer appeared right in front of me. Tatlo sila at masyadong seryoso ang itsura nila.
“Warrant of arrest po.”
“Inaaresto ka namin sa salang pagpatay sa iyong ama na si Paolo Rivera.”
Bigla akong nahilo dahil sa sinabi niya. Napakapit ako sa pinto at napapikit.
“Ano? Masarap ba ang lason na iniinom mo?” sarkastikong tanong ko habang umiinom siya sa tumbler na lagi kong dinadala. Nabitawan niya ang tumbler.
Alam kong ngayong araw na 'to ang kanyang kamatayan dahil hindi na kakayanin ng katawan niya.
“Anak, p-paano mo nagawa sa 'kin ito?”
Nanghihina na siya. Sinubukan niyang tumayo kaya lang nahulog siya sa sahig at napahiga, na siyang naging dahilan ng aking pagtawa. Tumawa ako nang malakas na parang nang-aasar.
“Mamamatay ka na rin naman dahil sa arsenic na unti-unti kong hinahalo sa iniinom mo. What if pabilisin ko na ang iyong kamatayan?” Natatawang tanong ko habang maingat na hinuhugot ang kutsilyo na nasa bulsa ko.
Dumaan ako sa kusina kanina. I took the sharpest knife. Ngayon ko lang na-realize na ito pala ang paboritong kutsilyo na ginagamit ni Mommy tuwing nagluluto siya no'ng buo pa ang pamilya namin.
Napangiti ako nang mapait dahil hindi ko matanggap na ibang babae ang pinili nitong lalaking nasa harapan ko, kaysa sa 'min. Sa amin na pamilya niya.
“Sinira mo ang pamilya natin. Sinaktan mo si Mommy. Babaero ka! Kung mapupunta ka sa ibang babae ay mas mabuti na lang na mamatay ka!” Sigaw ko.
Hindi na 'ko nakapagtimpi. This is the first time that I shouted towards him. Ang sakit-sakit kasi! I lost my family in one snap. He deserves this!
“Anak. . . ano bang pinagsasasabi mo?” nahihirapan na sabi niya. I just laughed sarcastically. Ngayon ay nagkukunwari pa siyang hindi niya alam ang sinasabi ko.
Umubo siya at nagsuka ng dugo. Sinusubukan kong maawa sa kanya kaya lang hindi ko kaya. I'm enjoying the scene so much that I burst out laughing.
“HAHAHAHAHA!”
Sinadya ko talagang tumurit ang laway ko kakatawa. My saliva landed straight to his face. Walang tigil ang kanyang pagsusuka ng dugo.
![](https://img.wattpad.com/cover/312122810-288-k727808.jpg)
BINABASA MO ANG
Thorns and Roses
Misteri / Thriller#11 | WICKED WRITERS SERIES | A COLLABORATION A writer who writes for money or just to escape her wicked reality. Arlene Rivera, a writer who writes romance stories. Her life is full of bliss and always exciting. But a lot of people don't know about...