Arlene's Point of ViewHinablot niya sa akin ang binabasa ko at dali-daling binalik sa drawer. Nang akmang bubuksan ko ito para kunin ay pinigilan niya ang kamay ko.
"Wala lang 'yon," naiilang na sabi niya.
Is that a letter for me written by her?
"Ang ganda ng kwarto natin 'di ba? Pinaganda ko talaga 'to kasi gusto ko maganda ang lilipatan natin kaya lang. . ." hindi niya tinuloy ang kanyang sinasabi.
"Kaya lang?"
"Wala wala," she smiled.
I created a fake smile and I just nodded to make it look like I don't care. Luminga-linga ako sa buong kwarto. Kulay pink ang mga pader.
"Paborito nating color ang pink, 'di ba?" Nakangiting tanong niya. I shook my head.
"No, wala akong paboritong kulay." I said firmly. She just smiled awkwardly.
"Oo nga pala, kama mo 'yan at nasa ilalim niyan ang treasures mo," she said and she winked at me.
Treasure? Alahas? Pwedeng isangla?
"AHH! IPIS!" A loud scream outside our room.
"Iwan muna kita Arlene, I'll check on him. Minsan talaga naiisip kong ako ang lalaki sa relasyon namin," natatawang sabi niya. Tumayo na siya at lumabas para puntahan si Denver.
Duwag ng asawa. Hindi naman siya aanuhin ng ipis.
Naalala ko ang aking kayamanan na sinasabi ni Ate Irene na nasa ilalim ng kama ko. Yumuko ako at pilit na tinanaw. Nang matanaw ko ang isang kahon ay napangiti ako.
Kinuha ko ang box sa ilalim ng kama habang nag-iisip kung saan ang pinakamalapit na sanglaan dito.
May pawnshop ba sa kagubatan?
Hinatak ko ang kahon, mabigat ito at malaki. Napaisip tuloy ako kung ano ang laman ng kahon.
Baka naman mga perang papel? Baka gold bars?
Binuksan ko ito at nadismaya ako sa aking nakita. Mga libro ng bata. And when I say that it's a books for kids, it's all about happy endings.
I can't believe it. Dumaan din pala ako sa ganitong phase na katulad ng kay Stella.
Isa-isa ko itong binuklat. Kahit papaano ay napangiti ako. Dati hindi ko matandaan ang aking nakaraan, pero ngayon ako mismo ang bumabalik sa mga lugar sa aking nakaraan. Nahahawakan ko ulit ang aking mga gamit. What a sweet memory.
Ang tanong ay, lahat ba ng parte ng nakaraan ko ay matamis?
Nilapag ko ang kahon sa aking maalikabok na kama. Isa-isa kong pinaglalabas ang mga libro.
The Three Little Pigs, Pinocchio, Little Red Riding Hood, Alice in Wonderland, Peter Pan, Hansel and Gretel, Rumpelstiltskin, at marami pang iba.
May mga libro na tungkol sa Prinsesa ang kwento. Cinderella, Snow White and the Seven Dwarfs, The Little Mermaid, at Princess and the Frog.
I miss Stella.
I even found my favorite fairy tales. The Ugly Duckling and Rapunzel.
Rapunzel. I chortled. She should've just tangled her hair in the neck of that evil, greedy, and ugly woman who stole her from her parents.
The Ugly Duckling. The swan should've took a revenge to the ducks who bullied him when she was young.
Pagkatapos kong bulatlatin ang mga libro ko ay sininop ko na ito at binalik sa kahon. Ibabalik ko na sana ang kahon sa ilalim ng kama kaya lang napansin ko na may isang maliit na kahon pa sa ilalim ng kama ko.
BINABASA MO ANG
Thorns and Roses
Mystery / Thriller#11 | WICKED WRITERS SERIES | A COLLABORATION A writer who writes for money or just to escape her wicked reality. Arlene Rivera, a writer who writes romance stories. Her life is full of bliss and always exciting. But a lot of people don't know about...