CHAPTER TEN

719 50 8
                                    


Arlene's Point of View

Kasalukuyan na naman kaming bumabyahe ngayon. This is kinda boring. Palagi lang akong nasa lungsod na puno ng polusyon. Pero kung ganito naman ang daraanan na puro bukid lang ay mas gugustuhin ko na lang na tumambay sa mga nightclubs.

Feeling ko nga close na kami nina Denver at Ate Irene dahil lagi na lang kaming nasa roadtrip.

Aaminin ko, sa paulit-ulit naming pagkikita at pagsasama ay unti-unting lumalambot ang puso ko.

“Nandito na tayo!” Sigaw ni Denver at nag-unat pa sa driver's seat. Bumaba na kami sa sasakyan at nagulat ako sa nakita ko.

Dito ba kami lumaki?

Nasa isang tenement kami rito sa gitna ng bayan. Mukhang abandunado, hindi katulad ng mga tenement sa lungsod na punong-puno ng mga tao.

“Dito ba tayo lumaki--,” Ate Irene cut me off.

“No, no, no, rito lang tayo manunuluyan. Our house doesn't have an electricity. Wala naman kasing nakatira kaya, you know.” Mahabang litanya ni Ate Irene.

Umakyat na kami sa parang tenement pero hindi naman pala. Para siyang apartment na nirerentahan. Puno lahat, dalawang apartment na lang ang pwede. Sa fourth floor at third floor. Napunta sina Ate Irene at Denver sa third habang ako naman ay sa fourth.

Gabi na kaya napagdesisyunan na naming magpahinga na lang muna at bukas magsimula. I unpacked some things and took a bath. I wore a sleeping wear and started to sleep.

Babe, shut up,” sabi ng isang babae sa kanyang kasamang lalaki. Parang nakita ko na sila dati. Nakatayo ako sa isang malayong lugar kung saan natatanaw ko sila at naririnig.

Parang may sinusulat ang babae tapos ginugulo siya ng lalaki. Magkatabi silang nakaupo sa nakausling ugat ng puno.

Romance na naman? Babe, bakit ba ang hilig mo gumawa ng love story? Nandito naman ako,” pabebeng sabi ng lalaki.

Babe, you know that I'm a sucker for romance stories. And besides, writing is my passion,” she smiled. The guy didn't respond, he just stared at her.

Napangiti ako, napangiti ako dahil sa sinabi ng babae. Sana 'yon din ang dahilan ko kung bakit ako nagsusulat. She's writing because that's her passion, I'm writing because of money.

Bigla na lang naglaho ang pangitain. Napunta ako sa labas ng isang gate. Napa-atras ako dahil biglang may lumabas na babae at tumatakbo habang umiiyak.

Naglaho ang pangitain at parang nag-teleport ako sa panibagong lugar. Isang babae at lalaki na magkayakap. The guy is comforting the girl.

The scene vanished again. Napunta 'ko sa isang rooftop. Malalim na ang gabi at umuulan nang napakalakas. Umuulan pero hindi ko dama ang bawat patak ng ulan sa aking balat.

Bigla na lang may napuntang magkasintahan sa harap ko. Basang-basa sila dahil sa ulan. Hawak-hawak ng lalaki ang braso ng babae. The rain drops are pouring through their face.

Malabo ang mukha nila, hindi ko makilala. Basta napansin ko na pulang-pula ang mukha ng babae. Hindi ko alam kung namumula dahil sa galit o dahil sa iyak.

How dare you! Paano mo nagawa sa 'kin 'yon!” Sigaw ng babae.

Wait, let me--” she cut her off.

F*ck you! I don't need your f*cking explanation!” the girl shriek.

Bigla na lang akong napatakip sa aking bibig dahil hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ng babae.

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon