CHAPTER SEVENTEEN

750 41 15
                                    


Arlene's Point of View

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napayakap ako kay Ate Irene. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hinang-hina ako. Pagod na pagod na ang aking mga mata kakaiyak pero ayaw naman tumigil ng aking mga luha.

Matagal din kaming nagyakapan ni Ate Irene. Tumigil lang kami sa aming pagyayakapan no'ng unti-unti na kaming kumalma. Ipinagpatuloy ni Ate Irene ang pagkwe-kwento niya.

“Nagkahiwalay tayo noon, Arlene. Nakuha ni Mommy ang custody sa atin. Inuwi ako ni Mommy sa bahay niya habang ikaw naman ay napunta kay Lola Clara.”

“Natatandaan ko sinabi ni Mommy na maghintay lang ako dahil kukunin ka raw niya kay Lola Clara.” Huminto siya sa pagsasalita at huminga nang malalim. “Arlene. . . Naghintay ako no'n. Hinanda ko pa nga ang kwarto natin, eh. Gusto ko isang kwarto lang tayo kasi gusto kong bumalik ang bonding natin.”

“Kaya lang ilang oras na 'kong naghihintay ni-isa sa inyo ni Mommy ay walang bumalik. Alam mo ba ang pakiramdam ng parang naghihintay sa wala?”

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Nanatili akong tahimik.

“Sa bawat araw na dumadaan na hindi kayo bumabalik ay sinusulatan kita ng sulat, Arlene. I'm hoping that one day, you'll read those letters. Pero no'ng dumating ang araw na 'yon ay nahiya akong ipabasa sa 'yo.”

Natawa siya sa kanyang sarili. I'm just staring at her silently.

“Hanggang sa isang araw, dumating si Lola Clara at sinundo ako. Sinabi niyang nawawala ka raw at hindi ka niya mahanap. Habang si Mommy naman ay sumama na sa mga lalaki niya.”

Now it all makes sense kung bakit ganon ang inaakto ni Ate Irene. Alam ko na rin kung bakit galit na galit sina Lola Clara at Ate Irene kay Mommy.

Or should I say, sa Ivy na 'yon. Hindi ko alam kung bakit tinatawag ko pa rin siyang ‘Mommy’ kahit hindi niya deserve. She ruined our family.

Natahimik kaming dalawa ni Ate Irene. Pagod na pagod ako. Hindi ako makapaniwala na buong buhay ko ay naniniwala ako sa isang malaking kasinungalingan. Kasinungalingan na babaero ang Daddy ko.

“Ma'am Irene, ikukulong po muna namin si Arlene.” Sabi ng isang pulis at akmang poposasan na 'ko. Pinigilan ni Ate Irene ang pulis na lagyan ako ng posas. Napangiti ako nang mapait dahil hindi na 'ko pinosasan ng mga pulis.

Sumunod na 'ko sa mga pulis. Hindi na 'ko nagpaalam kay Ate Irene at hindi ko na rin siya nilingon.

Habang dumadaan ako sa mga kulungan ay parang bumabagal ang pailigid. Bumalik sa utak ko lahat ng sinabi ni Ate Irene kanina.

I just realized that Ivy, our mother. . . put us in a game. Kung isang manunulat ang nanay ko gaya ko ay maari kong ihantulad ang aking sarili na isa sa mga karakter ng kanyang akda. Isang karakter na kung saan siya ang kumo-kontrol.

Thorns and Roses. . . I always believe that a girl is a beautiful rose while a boy is a painful thorn.

Nagkakamali ako. Maling-mali! Maybe Ate Irene is right. A guy is a thorn. . . because he protects the rose.

My father is not a painful thorn. . . my mother is just the poison Ivy.

Because of that thought, all the memories on how I kill my father popped up in my head again. Kung paano ko sinaksak ang kanyang bibig. Kung paano ko siya ibinaon sa lupa.

I went crazy. I was too blinded because of my love for my evil mother to the point that I killed my own father. Hindi ko namalayan na gumalaw na lang nang kusa ang aking mga kamay.

Hinugot ko ang baril ng isang pulis at tinutok sa kanila. Nagkagulo naman ang mga pulis dahil sa ginawa ko. Hindi ko na alam kung bakit ko 'to ginagawa. Unti-unti kong tinutok ang baril sa ulo ko.

Stars need darkness to shine. Because of my dark past I shined brightly. I became a famous writer. I continued living my life without being aware that I have a very dark past. I shined brightly to the point that I became blind. And now. . . I'm back to the darkness. No light, no guide, and no hope.

- - -

Third Person's Point of View

“Huy, mars! Alam mo ba na ang bagong pasyente natin ay isang sikat na manunulat?” Bulong ni Nurse Xia kay Nurse Alexa.

“Oo nga raw, mars! Tapos alam mo ba na pinatay niya 'yong tatay niya. Kanina lang bago siya ipasok sa kulungan ay nabaliw raw!” Chismis pa ni Nurse Alexa.

Nagulat ang dalawang nurse nang pinalo ni Nurse Jomarie ang lamesa nila. Sinabi ni Nurse Jomarie na kailangan ng additional nurse ng isang pasyente.

“Arlene Rivera,” malakas na basa ni Nurse Alexa sa pangalan ng pasyente.

Sabay na tumingin sina Nurse Alexa at Nurse Xia kay Arlene na nakasuot ng straight jacket at nagwawala. Pilit itong pinapakalma ni Irene kaya lang kahit anong gawin ni Irene ay ayaw kumalma ni Arlene.

“Mars, 'yan ata 'yong manunulat na nabaliw,” bulong ni Nurse Xia.

“Oo nga saka 'yong puma--,"

“Kung tulungan niyo kaya kami kaysa mag-chismisan kayo riyan!” Sigaw ni Irene sa dalawang nurse. Agad namang sumunod ang mga nurse dahil natakot kay Irene.

- A FEW YEARS LATER -

Arlene's Point of View

“Arlene! Hinahanap ka na ng mga bata!” Masayang bati sa 'kin ni Sister Aya. Lagi akong sinasalubong ni Sister Aya tuwing nagpupunta ako rito sa orphanage.

“Ate Arlene!”

“Miss na kita, Ate!”

“Ang tagal mo po bumalik.”

Sabi ng mga bata at nagtatatakbo papunta sa 'kin. Nginitian lang ako ni Sister Cie, siya ang laging nag-aasikaso sa mga bata.

Nilapag ko na ang dala-dala kong mga laruan at damit. Nagdala rin ako ng mga libro para sa mga batang mahilig magbasa.

Isa-isa na silang kumuha sa mga dala-dala ko. Nang matapos na sila ay umupo ako at nakipag-kwentuhan sa kanila.

“Ate Arlene! 'Di ba sabi niyo po kakanta po kayo sa susunod na pagbalik niyo?”

Napangiti ako dahil sa sinabi ng isang bata. Sabay-sabay na silang nagsigawan at pinapakanta ako. Binawal sila nina Sister Aya at Sister Cie kaya tumahimik sila.

Habang tahimik ang paligid ay inisip ko kung ano ang aking paboritong kanta. Napangiti ako nang maisip ko kung ano iyon, Amazing Grace. Bigla ko na namang naalala ang aking nakaraan.

Kung paano nilason ni Mommy ang utak ko.

Kung paano ko pinatay ang Daddy ko.

Iyong gabi na muntik ko nang mapatay ang boyfriend ko.

Iyong araw na muntik na 'kong makulong dahil sa krimen ko.

Iyong nabaliw ako at napunta sa isang mental hospital.

Nagsimula na 'kong kumanta. Ang mga bata ay tahimik na nakikinig sa 'kin habang sina Sister Aya at Sister Cie naman ay nakapikit habang nakikinig.

♪ I once was lost, but now I'm found
Was blind, but now I see ♪

God saved me. God is my savior. Hindi ko maisip kung paano 'ko nabuhay dati nang hindi naniniwala sa kanya. But it doesn't matter.

When I started to pray to God again, He gave me peace. The kind of peace that only He can give. I became a better person because of God.

I'm still working on becoming a much more better person everyday. I'm striving on doing good deeds to pay all of the sins that I created in the past.

Dumating pa nga ako sa puntong gusto kong mag-madre. But God didn't allow that to happen.

I guess He have other plans for my life?

I'm proud that I overcome the trials of life that I experienced a few years ago. I can't believe that I get through the ugliest and the loneliest part of my life.

The End

yeojacosmos

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon