CHAPTER EIGHT

812 58 14
                                    


Arlene's Point of View

"Lumayas ka sa pamamahay ko! D*monyo ka!" sigaw sa 'kin ng matanda.

Tinulak ako palayo ni Ate Irene no'ng akmang hahablutin ng matanda ang aking buhok. Hinawakan ni Pamela ang mga kamay ng matanda na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama at pilit na lumalapit sa 'kin.

"Lola Clara, si Arlene po ang babaeng ito." Turo sa 'kin ni Ate Irene habang pinapakalma ang matandang Clara ang pangalan.

"Huwag na huwag mo 'kong lolokohin Irene! Hindi ako estúpida!" Buong lakas na sigaw ng matanda.

This sh*tty old lady is scaring me.

"Rápida! Paalisin mo 'yang malanding Ivy na 'yan!" galit na galit na sigaw ng matanda.

"Lola Clara, si Arlene po 'yan." Mahinahong sabi ni Ate Irene sa matanda at lumuhod pa sa harap nito. Hinawakan ni Ate Irene ang kamay ng matanda.

"Mentirosa! Maamo ang mukha ni Arlene na apo ko. Pakatitigan mo nga ang labi ng malanding iyan! Madugo! Galing impyerno! Diablo!" Sigaw ng matanda at tinanggal ang kamay ni Ate Irene na nakahawak sa kanya.

Wow? So she's thinking that I'm a slut because of my bloody red lips? Well I don't need this lipstick, I can be a slut without it.

When I was about to defend myself, I noticed that Ate Irene is shouting while her hands are at her head. Hindi ko mawari kung sinasabunutan niya ba ang buhok niya o tinatakpan ang tainga niya.

Biglang pumasok si Denver mula sa pinto na pinanggalingan namin kanina. Nilapitan niya ang kanyang asawa at pinakalma ito.

"LOLA CLARA MATAGAL NANG WALA SA BUHAY NATIN ANG PESTENG BABAE NA SUMIRA NG PAMILYA KO! NG PAMILYA NAMIN!"

Sabay-sabay kaming nagulat sa inasta ni Ate Irene. Tumayo ang matanda at niyakap siya. Niyakap din siya ni Denver.

"Pasensya ka na apo ko," paulit-ulit na sabi ng matanda.

"Huminahon ka, mi."

"Uminom ka ng tubig, Irene." Biglang lapit ni Pamela kay Ate Irene. Agad itong ininom ni Ate Irene at unti-unti nang huminahon.

Tapos na ba sila sa drama nila? Pwede na ba 'kong magtanong?

There are a lot of questions in my mind right now. But the real question is. . .

When is the right timing to ask all of these?

"Ate Pam, magpapahinga muna 'ko. Ikaw na muna ang bahala kay Arlene." Walang ganang sabi ni Ate Irene, dumaan siya sa harapan ko at lumabas. Nakasunod sa kanya si Denver.

Hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin.

- - -

"Lola Clara, kumain na po kayo." I said while trying to put the spoon with porridge inside her mouth. I can't believe that I'm doing this.

Apparently, this sh*tty old lady in front of me is the mother of my jerk dad. This old lady don't like me. Maybe because of my red lipstick? But I really don't know. She's calling me a devil.

Sa ganda kong 'to? Bullsh*t, a lot of men are willing to kneel just to be with me. I don't look like a devil.

Nilalayo niya ang kanyang ulo sa kutsara. Kanina pa ganito ang nangyayari kaya binaba ko na lang ang lugaw sa katabing lamesa ng kanyang kama. Inarapan niya 'ko at natulog siya.

Inirapan ko rin siya. Ang tanda-tanda na nga attitude pa!

I give up. Bakit ba kasi pinilit pa 'ko ng bw*sit na Pamela na 'yon.

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon