CHAPTER THIRTEEN

698 43 5
                                    


Arlene's Point of View

“Arlene! Anong nangyayari sa 'yo?”

Narinig ko ang boses ni Ate Irene. Tumingin ako sa gawi no'n. Hindi ko siya masyadong makita dahil punong-puno ng luha ang aking mga mata.

My world is a blur right now.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Ate Irene nang makalapit siya sa 'kin. Bigla na lang siyang napaupo nang makita ang bungo na malapit sa 'kin.

“A-Arlene, anong n-nangyayari?” Nauutal na tanong niya gamit ang nanginginig niyang boses.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya paulit-ulit lang akong umiling habang rumaragasa ang mga luha mula sa aking mga mata.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Denver ang aking braso. Hinawakan din niya ang braso ni Ate Irene. Sabay niya kaming hinila patayo. I'm on my feet again because of Denver.

Hindi ko alam kung bakit pero basang-basa ang kamay niya. Pasmado ba siya?

“Arlene, Ihahatid na kita sa apartment. Mi, tatagan mo.”

The next thing I knew was I'm in a car with Denver and Ate Irene. Ate Irene sat next to me. She's holding my hand right now. Humihikbi pa rin ako dahil hindi ko mapigilan ang aking iyak.

“Arlene, magpahinga ka muna. Aalamin namin kung sino ang nakalibing sa bakuran ng bahay ni Daddy," walang buhay na sabi ni Ate Irene.

Hindi na 'ko nakasagot, pumasok na lang ako sa loob ng apartment. Papagabi na kaya medyo madilim dito sa loob. I didn't bother to open the light.

Dumiretso ako sa kama at saka humiga. Ngayon ay nakatitig ako sa kisame. Hindi na 'ko umiiyak pero napakabigat pa rin ng aking pakiramdam. Kasing dilim ng kwartong ito ang kaluluwa ko.

Mamamatay tao ako.

Hindi ako makapaniwala na nagawa kong patayin ang aking ama. Natawa ako at nagsimula na namang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.

Bakit ko nagawa 'yon?

Do I have an acceptable reason to kill my own father?

Naguguluhan na 'ko sa lahat ng nangyayari. Ngayon, hindi ko alam kung kanino ba talaga ako nagagalit. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinagpatuloy ang pag-iyak.

I think I'm starting to hate myself.

Sa pagsasama namin ni Ate Irene nang mahigit isang buwan, sa tingin ko isang buwan akong galit na galit sa kanya. Iniisip ko kung bakit ba talaga ako galit na galit sa kanya.

Dahil ba sa mga alaalang pumapasok sa utak ko tuwing nakikita ko siya?

"Wala kang kwenta! Ikaw ang malas sa pamilyang 'to, bakit ba kasi nabuhay ka pa! Mula nang ipanganak ka puro na lang kamalasan ang nangyari kila mom and dad. Kasalanan mo!"

"Ikaw ang sumira sa pamilyang 'to! Malas ka kasi kaya nagkawatak-watak tayo!"

Naalala ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa 'kin noon. Mas lalong napalakas ang pag-iyak ko.

Ginusto kaya talagang sabihin ni Ate Irene ang mga bagay na 'yon?

Paano kung mayroon pa pala siyang mas malalim na dahilan kung bakit niya nasabi ang mga 'yon?

Pagod na pagod na 'ko. Napapagod na 'ko sa pag-iisip. Wala na 'kong ibang magawa kundi umiyak nang umiyak kasi kahit anong gawin ko hindi ko maalala ang nakaraan ko.

I feel sh*tty about the fact that I'm clueless. I think I have an amnesia because no matter how much I want to remember my past, I just can't. Para 'kong napupunta sa dead end ng utak ko.

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon