CHAPTER SIXTEEN

703 40 7
                                    


Arlene's Point of View

Tulala akong naglakad papunta kay Noreen. Nasa likod ko si Gabriel. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya nang mahigpit.

Sobrang saya ko. I'm so happy to the point that I don't know how to express it.

“Arlene! teka! Hindi ako makahinga,” nahihirapan na sabi ni Noreen. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap.

“Teh, ano bang na--,”

“Noreen! buhay siya! buhay siya!” Sigaw ko habang tumatalon. All of a sudden, I cried. This is the first time that I cried because of joy.

Sinabi sa 'kin ni Gab na buhay si Angelo! Hindi na 'ko nagtanong kay Gab kung nasaan si Angelo o kung anong ginagawa niya. I don't deserve to know it. Basta masaya na 'kong malaman na buhay siya.

At saka kahit naman malaman ko kung nasaan siya ay hinding-hindi niya na 'ko babalikan.

A lot of unfortunate things happened this past few weeks. That's why the moment Gabriel said that Angelo is alive, I was delighted.

Thank you so much, God.

Tumingin si Noreen kay Gab na nasa tabi na niya ngayon. Gab just shrugged his shoulders. Noreen was about to talk but Ate Irene appeared. She smiled at my friends.

“Hinahanap ka na ng mga pu--Gab? Gabriel! It's nice to see you again!” Nakangiting sabi ni Ate Irene kay Gab at naglahad ng kamay.

“Kumusta ka na po, Ate Irene?” Nakangiting tanong ni Gab kay Ate Irene habang nakikipag-shake hands.

Oh, I suddenly remembered something. Napunta na nga pala si Gab sa bahay namin. Dinaig pa si Angelo. Angelo never met my family.

“Catch up tayo mamaya, may aasikasuhin lang kami,” nakangiting sabi ni Ate Irene kina Gab at Noreen.

“Kaya mo 'to, teh. Magpakatatag ka,” Noreen said while hugging me. Gab just tapped my shoulder.

Oo nga pala. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko nang may kailangan pa pala akong gawin. I need to face my crimes.

Habang naglalakad kami papunta sa pulis ay kinakabahan ako. I'm nervous to the point that my hands are shaking.

Ate Irene noticed it. She held my hand and intertwined our fingers. She smiled and gave me an assuring look that everything is going to be alright.

We both entered the room. May bumungad na pulis sa 'min. Pinaupo ako sa harap ng isang pulis.

“Ma'am, lumabas po kayo kakausapin lang po namin siya.”

Tumingin ako kay Ate Irene na parang nagmamaka-awa na huwag niya 'kong iwan mag-isa.

“No, I'll stay.”

Natuwa naman ako dahil kahit anong gawin ng mga pulis ay hindi nila mapalabas si Ate Irene. Kaya sa huli, nakaupo sa isang gilid si Ate Irene rito sa silid.

“Pangalan?”

“Arlene. Arlene Rivera.”

“Ikaw ba ang pumatay sa iyong ama na si Paolo Rivera?”

Tumingin muna 'ko kay Ate Irene bago sumagot. Nakayuko lang si Ate Irene at parang ayaw marinig ang sasabihin ko.

I just nodded but the police officer said that I should say ‘yes’ or ‘no’. So I instantly answered ‘yes’. Hindi ko na tinangkang tumingin kay Ate Irene. Alam kong nasasaktan siya sa mga naririnig niya.

“Tatay mo ba talaga si Paolo Rivera?”

“Opo.”

“Matanong ko lang hija. Bakit mo pinatay ang iyong ama?” he asked. He even crossed his arms and leaned back to his chair. I don't know if this is a part of the investigation or he's just feeding his curiousity.

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon