CHAPTER FOURTEEN

672 41 4
                                    


Arlene's Point of View

Nasaan ako?

Nasa harap ako ng isang. . . paaralan. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Suot ko pa rin ang crop top at shorts na suot ko kanina no'ng nagpunta kami sa bahay ni Daddy.

Nananaginip ba 'ko?

Bukas ang gate ng paaralan kaya pumasok na lang ako. Public school naman ito kaya walang magagalit. Malalim na rin ang gabi kaya walang makakakita sa 'kin.

At isa pa, panaginip lang naman 'to.

Pagpasok na pagpasok ko sa paaralan ay nakita ko ang isang malaking puno. Wala sa sariling lumapit ako rito at umupo sa pwesto ng babae.

Nasaan kaya ang babae at lalaking laging nakaupo rito?

Napakapit ako sa isang nakausling ugat ng puno katabi ng inuupuan ko. Napapikit din ako kasi sumakit ang ulo ko. Unti-unting may pumasok na memorya sa aking utak.

“Hi Arlene! Tabi tayo,” energetic na bati sa 'kin ni Angelo.

He's my classmate. Transferee siya, medyo matagal na rin siyang nasa school. Napakapapansin niya. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaang maupo sa tabi ko.

Kapag kasi pinapansin ko siya ay mas lalo lang siyang umiingay. I put all of my attention towards the romance story I am writing.

“Nagsusulat ka?”

I just rolled my eyes. Why is he asking? Napaka-obvious naman na nagsusulat ako. Nilapit niya ang kanyang mukha sa papel na sinusulatan ko. Binasa niya ito.

“Love story na naman? Bakit hindi love story natin ang isulat mo?” Nakangisi na sabi niya at kinindatan ako.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo lang siyang napangiti dahil sa reksyon ko.

“Bakit ba ang ganda-ganda mo kahit nakakunot ang noo mo?” seryosong sabi ni Angelo. He's smiling genuinely towards me.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa long pad at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Wala naman akong isasagot sa tanong niya.

Minsan naiisip ko na baka may gusto siya sa 'kin.

Napailing ako dahil sa naisip ko. Ano naman kung may gusto siya sa 'kin? Wala naman akong gusto sa kanya. At isa pa, ayoko ng boys.

Wala naman akong issue sa mga lalaki. Ayoko lang talaga munang makipag-relasyon kasi mas gusto kong tapusin ang kwentong sinusulat ko.

I'm creating the guy that I want to be with. Kung kaya kong gumawa ng fictional character, hindi ko na kailangan ng lalaki.

Mga kaibigan ko nga puro fictional character, eh. I don't have friends. Pagkatapos mag-aral ay wala na 'kong ibang pinagtutuunan ng pansin kaya marami akong oras magsulat.

That's much better. I like living in the world that I created.

I flipped the paper of the long pad. Napuno na pala ng sulat ang sinusulatan kong papel. I got disappointed. Wala ng papel, nasulatan ko na lahat.

“Ang bilis mo naman kasi magsulat. Suking-suki ka yata ng long pad sa canteen, eh!” Pabirong sabi ni Angelo. I just rolled my eyes.

“Wait, bilhan kita.”

Bago pa 'ko makakontra sa sinabi niya ay tumayo na siya at tumakbo papunta sa canteen. Napangiti ako. Natampal ko ang sarili ko.

Bakit ako ngumingiti?

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon