CHAPTER TWELVE

741 43 13
                                    


Arlene's Point of View

Bigla akong napadilat at nag-aalalang mukha nina Ate Irene at Denver ang bumungad sa 'kin. Agad-agad akong inabutan ng tubig ni Ate Irene. Ininom ko ito hanggang maubos.

Hindi ko alam kung bakit ako uhaw na uhaw.

Gusto ko munang maging mapag-isa. Tumayo ako at pumunta sa perron ng bahay. Dito rin kami nanggaling kanina. Umupo ako sa isang step ng hagdan.

I suddenly chortled. I recalled the memories that entered my mind when I lost my consciousness earlier.

Thorns will be thorns. A pain in the ass.

Narinig kong biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako. She smiled gently. Naupo siya sa mas mababang step na inuupuan ko.

Ang tahimik ni Ate Irene. Likod lang niya ang nakikita ko kaya hindi ko alam ang itsura o reaksyon niya ngayon. Nabibingi na 'ko sa katahimikan kaya naisipan kong magsalita.

“Ate, alam mo ba na may ka-partner si Mulan?” I said referring to the disney princess at Stella's seventh birthday.

Sasabihin ko sana sa kanya na may ka-partner si Mulan kaya lang bigla siyang nagsalita.

“I know. Kaya lang ayaw ni Stella na isama ang partner ni Mulan,” she paused. “Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa bata na 'yon. She became a man-hater in one snap. Dati naman mahilig siya sa boys,” mahabang litanya niya.

Therefore, she's teaching little Stella on how to flirt with young boys?

“She told me that boys are thorns. Sabi niya ayaw niyang mapalapit sa mga lalaki dahil tinik daw sila. Isang tinik na makakasakit daw sa kanya.” Sabi niya at mahinang tumawa.

“Sino kayang nagturo sa kanya no'n?" Tanong niya at lumingon sa 'kin. Pinaliit niya pa ang kanyang mga mata na parang sinisiyasat ako. I just flashed an evil smile on my face. Tumawa siya at binalik ang tingin sa kanyang harapan.

“It's true, all men are jerks. They're the thorns in a rose. Hindi tuloy masyadong maganda ang mga rosas dahil sa mga tinik. Panget na nga, mapanakit pa.” I said in a serious tone.

“Are you saying that my husband is also a jerk?” Mahinahong sabi niya. I don't know her reaction to what I've said. Likod niya lang ang nakikita ko. I hope she didn't get offended.

“Sa 'yo galing 'yan,” I quickly defended myself. She just chortled.

“Denver is my savior. He became the light in my darkest times.”

“So, unlike you and my Stella, I don't think that men are thorns or jerks. Or maybe they're thorns? Thorns that protects the rose from animals who might be attracted to them due to their sweet fragrance. Think about it this way. Walang nagtatangkang pumitas o sumira ng rosas dahil sa mga tinik nito. At the end of the day, the thorn protects the rose.” Mahabang litanya niya.

Okay, I respect her opinion. But that doesn't change the fact that I hate men.

“Let's start!” She said all of a sudden and stood up. I think she's referring to ‘finding some things that will lead us to our father’ or something like that.

Nilahad niya ang kanyang kamay. Inabot ko naman iyon at tinayo niya 'ko. Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay marami akong naisip.

There's a part of me that wants to find our father because I have a lot of question in my mind.

Bakit nakuha niyang mangbabae?

Bakit sinaktan niya si Mommy?

Sino 'yong babaeng hinahalikan niya?

Thorns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon